Magulo

2 1 0
                                    

Isang delubyong 'di maintindihan
Loobang hindi panglaraniwan
Kalugo lugo kung pagmamasdan
Katuwa tuwa kung hahagkan

Templong binabalot ng misteryo
Ang pinagsamang laman at buto
Ano pa ba ang mga natatagong sikreto
Ano pa ba ang dapat mabuko

Mabilis umagos kanyang ilog
Pag natulak nagiging bubog
Kung bumangon ay mabilisan
Dulot ng matatag nyang sagandaan

Tuwing dumadatal ang umaga
Ang mayabong na halaman nalalanta
Pilit nag tatago yaring mata
Sa sinag na dala ni bathala

Hihimlay ng nanginginig
Gigising nang kayakap ang sahig
Nagugutom na ang lupa
at ako'y masigabong iniimbita

Talinghaga ni MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon