Episode 1

2.1K 1 0
                                    


"Siya si Coleen, ang nag-iisang anak ko." Pakilala ni daddy sa akin sa mga bago naming kapitbahay dito sa nilipatan naming bahay sa probinsya.

"Ang laki mo na, iha!" Bulalas ng isang babae na may edad na. "Napakaganda naman ng anak mo, Baron."

"Syempre naman, kanina ba naman magmamana?"

"Sos, akala mo naman hindi namin nakita dati ang asawa mong si Michelle!" Saway ng isa pang babae na may edad na rin. Napatawa tuloy si daddy.

"Ilang taon ka na, iha?" Tanong ng isa pang matandang babae.

I just stared at her like I don't hear anything. Blanko kasi ang isip ko.

Tinapik ni daddy ang balikat ko. "18 na siya. Pasensya na kayo't naninibago lang siguro 'tong anak ko dito sa probinsya. Wag kayong mag-alala, masasanay din ito kalaunan." Ngiting sabi ni dad.

-

My name is Coleen. I grew up having everything that I want, but I'm not a spoiled brat. Pinalaki akong maayos ang pag-uugali ng mga magulang ko.

Marami akong kaibigan sa prestigious school na pinapasukan ko dati. Mga mayayaman lahat ang mga nag-aaral doon, may mga matatalino din, and I'm so blessed I got these two qualities, bonus na lang ang pagiging maganda at sexy ko.

Pagkagraduate ko ng high school ay pinu-pursue ko na ang dream to become a business woman, just like my mom and my dad. Mag se-second year college na ako. Masaya ang buhay ko dahil maraming nagmamahal sa akin.

But everything turned upside down when my mom died two months ago. Naging malupit sa amin ang lolo ko na ama ng mom ko. Pinaalis niya kami sa mismong bahay namin pagkatapos ilibing si mommy. Ayaw kasi nila sa dad ko kasi galing lang daw ito sa mahirap na pamilya. Naaawa nga ako kay dad dahil sa pagtitiis nitong pakikitungo ng maayos sa pamilya ni mom kahit ilang beses na siyang iniinsulto ng mga ito.

I grew up witnessing how rude they treat my father. Si mom naman, walang magawa to protect my dad dahil takot din itong mawalan silang dalawa ng trabaho sa mismong kompanya ng lolo ko.

Wala ng nagawa pa si dad nung pinalayas kami, actually, it was only dad that they want to get lost, kasi nga daw malas ito. Hindi nila sana ako ipasasama kay dad kasi mahal naman nila ako, pero I chose dad over them. Mas mahal ko ang ama ko kaysa sa kanila.

Tinanggalan nila ng trabaho sa kompanya si dad, mabuti nalang at may naipon sila ni mom na pera sa bangko.

Sinubukan niyang maghanap ng trabaho sa ibang kompanya pero all of them rejected my dad dahil high school graduate lang daw ito. Matalino na tao ang dad ko, in fact, malaki ang naitutulong niya sa kompanya ng lolo ko pero binalewala lang nila ang kakayahan ng dad ko. Hindi naman magamit ni dad na reference yung kompanya ni lolo tuwing mag-aapply siya kasi hindi ito bibigyan ng certificate ng company dahil sa utos ng lolo ko.

Hindi nalang naghahanap pa ng gulo ang dad ko kaya hindi na ito ng file ng case against lolo. Malaking gastos daw kasi ang kailangan bago namin makamit ang hustisya para sa amin, tsaka kahit ganun daw kalupit si lolo, nirerespeto niya pa din daw ito bilang ama niya.
Ganyan kabait si dad pero nagbubulag-bulagan ang family ni mom kaya hindi nila makikita ang katangian na iyon.

Malaki-laking halaga din ang naipon nina dad, pero napag desisyunan ni dad na uuwi nalang kami dito sa probinsya kung saan siya lumaki para doon nalang bumili ng bahay at lupa at para makapagpatayo nalang ng maliit na negosyo.

Kaya nandito kami ngayon sa probinsya, malayong malayo kina lolo.

Maganda naman ang nabili ni daddy na bahay dito, sa halagang 1.5 million, may swimming pool na kami na hindi kalakihan, may garahe, dalawang palapag na bahay at malawak na bakuran. Although hindi naman ganun ka lawak pero para sa amin na dalawa lang ay sulit na din ito.

COLEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon