"Good morning." Bati ni Hash sa akin."Good morning."
"Napasarap ka yata ng tulog?"
Napabangon ako bigla. "Anong oras na ba?"
Napamura ako pagtingin ko sa orasan. "Alas nuebe na ng umaga?!" Bulalas ko."Bakit, may problema ba?"
"Late na ako sa klasi ko nito."
"Wag ka nalang pumasok."
"Ano? Hindi, hindi pwede."
Dali-dali akong pumasok sa banyo pero nung nahubad ko na ang mga saplot ko ay biglang nalang pumasok si Hash sa loob.
"Wag ka na kasing pumasok, magpahinga ka nalang muna." Sabi nito na nakasandal pa sa pintuan ng banyo habang naka crossed arms at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi pwede e. May exam kami today." Medyo naiilang ako sa mga titig nito.
"May exam ka today pero iba yung inaral mo kagabi?" He smirked.
"So, pumasok ka lang dito para ipaalala iyon sa akin?" Inirapan ko ito.
Ngumiti naman ito. "Hindi naman."
"Lumabas ka nga't maliligo na ako."
He gave me his killer smile. "Nakita ko na naman lahat yan." Then he winked.
"Hash please.. nagmamadali ako."
"Ako hindi."
"Hash.."
"Wag ka na kasing pumasok."
"Hindi nga pwede."
Umayos ito sa pagkatayo at binuksan ang pintuan ng banyo. "Hindi ka talaga aalis." Sabi nito pagkatapos ay lumabas na sa banyo.
Nung buksan ko na ang shower ay kumunot ang aking noo dahil walang lumabas na tubig. Binuksan ko din ang gripo pero wala din. May kuryente naman ah?
"BAKIT NGAYON PA WALANG TUBIG?!" Inis na sabi ko.
Wala na akong nagawa pa kaya nagbihis nalang ako at lumabas sa banyo.
Agad lumingon sa akin si Hash paglabas ko ng banyo. Nakasandal ito sa headrest ng kama ko.
"Oh bat di ka naligo?" Ngising tanong nito."Walang tubig."
"Sabi ko naman sayo e."
"Papasok nalang ako nang hindi naliligo."
Tumawa ito. "Ano?"
"May exam nga kasi kami."
"Baka hindi matuloy yung exam mo."
Biglang tumunog ang aking cellphone.
Ang instructor pala namin na magbibigay ng exam ngayon ang nag text sa akin.
Kumunot ang noo ko at napalingon kaagad kay Hash nung nabasa ko ang message nito."Hash, paano mo nahuhulaan 'to?" Dudang tanong ko sa kanya.
"Nahuhulaan ang ano?"
"Na hindi matuloy ang exam namin ngayon?"
Ngumiti ito. "Talaga ba? Ang galing ko talagang manghula."
"Hash.."
"Manghuhula kasi ako. Gusto mong magpahula?"
"Ewan ko sayo."
"Hulaan ko kung anong nasa isip mo ngayon."
"Sige nga."
"Think anything." Anito na nakangiti habang nakatitig sa akin.
I THINK I'M FALLIN' FOR YOU, HASH.
Bigla nalang itong napatigil sa pagngiti at naging seryoso ang mukha nito na tumitig sa akin.
BINABASA MO ANG
COLEEN
FantasyColeen moved to another house in a province with her father when her mother died in an accident. Her grandfather didn't really like his Dad from the beginning for being so poor in life, so, after her mother was buried, her grandfather kicked them o...