"Buntis po si Coleen?"Tumingin ito sa akin. "Buntis ka, hun?"
"Hindi mo alam?" Tanong ni dad.
"H-hindi po.."
Tumingin sa akin si Dad, yung tingin na parang naguguluhan. "Anak?"
Paano naman niya malalaman dad, e ngayon pa lang yan nagpakita sa akin?
"Tito.. it's not her fault. N-ngayon lang kasi ako nagpakita kaya ganun...."
"Saan ka ba galing? Ba't ngayon lang din kita nakita?" Tanong ni dad dito.
"Busy lang po sa amin.."
"Kahit busy ka iho, bigyan mo naman ng time tong anak ko, lalo na ngayon na nagdadalang tao pala ito.."
"I'm sorry po tito, hindi na po mauulit."
"Paano na ngayon yan? Hash naman, ang bata pa ng anak ko. Hindi mo man lang ba naisip na nag-aaral pa yan?"
"I'm sorry po tito.."
"Ikaw naman anak, alam mo namang ang bata mo pa.. ba't ka nagpabuntis agad?"
"I'm sorry dad.." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa mga utak ninyo e. Hash, I trusted you."
"Alam ko po tito, pero pananagutan ko po si Coleen kahit anong mangyari."
"No!"
Napalingon silang dalawa sa akin. "Ayoko!"
Nagtataka sila sa sinabi ko. Yung mga titig nila na parang naguguluhan na parang galit din at the same time sa akin.
Ayokong maging parte pa sa buhay ko si Hash. Ayokong palaging naghahabol ng oras nito. Ni hindi ko nga ito kilala e.
"Coleen?"
"Ayoko na sayo. Dad please.. kaya kong buhayin ang anak ko. Wag mo ng pilitin ang mga taong ayaw sa atin."
"Ano bang pinagsasasabi mo, Coleen? Anong ayaw? Sinong lalaki ang ayaw sayo?" Tanong ni Hash na may halong galit.
"Tumigil ka na. Umuwi ka na sa inyo."
"Anak.."
"Dad please.. buo na po ang desisyon ko. Bubuhayin ko ang batang ito mag-isa."
"Anak baka .."
"Coleen ano ba? I want my baby and I want you. Wag kang magbiro ng ganyan."
"Umuwi ka na sa inyo."
"Hun.. please.. don't do this!"
"Umalis ka na."
"Anak sigurado ka ba diyan sa desisyon mo?"
"Opo dad."
Tumitig si Hash sa akin ng masama at padabog na umalis. He even slammed the door.
"Anak.."
"Dad kailan ako makakalabas dito?"
"Mamayang hapon anak, yun ang sabi ng nurse kanina."
"Dad, alam kong galit po kayo sa akin. Galit din po ako sa sarili ko. Sana po maintindihan niyo ako. Wag ka pong mag-alala dad, tapusin ko nalang tong school year na 'to, mag fo-focus nalang ako sa farm at sa magiging baby ko. Hinding-hindi ko siya pababayaan, dad. I promised."
"Anak, wala akong alam sa totoong nangyari sa inyo ni Hash, pero sana wag kang magdedesisyon kung galit ka."
"Dad, okay lang ako. Kakayanin ko 'to."
BINABASA MO ANG
COLEEN
FantasyColeen moved to another house in a province with her father when her mother died in an accident. Her grandfather didn't really like his Dad from the beginning for being so poor in life, so, after her mother was buried, her grandfather kicked them o...