-HASH! TULONG! TULUNGAN MO AKO! TULONG!
Napalingon ako sa paligid. Boses ni Coleen iyon!
Nandito lang si Coleen sa kaharian! Nandito siya! Nasa malapit lang siya!MALAPIT KA NANG BABABA SA PWESTO MO HASH! MAGIGING AKIN DIN ANG PALASYO!
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Isa-isa kong pinagtitignan ang mga nandito sa labas.
Nakuha ang attention ko sa isang lalaking kakatalikod lang. Sinundan ko ito. May kutob akong siya ang nagsalita sa narinig ko kani-kanina lang.
Nung lumiko ito sa isang bahay ay nag-invisible ako kasi parang nahalata nitong may sumusunod sa kanya.
Pagliko ko ay nakita ko itong naglalakad pa din, hanggang sa pumasok ito sa isang bahay."Ano? Anong balita sa labas?" Tanong ng isang lalaki.
"Nakabalik na ang mga bihag natin.."
"Gag* talaga ang hari na iyan.."
"Oo nga e, ang bilis kumilos!"
"Ang sarap patayin!" Sigaw ng lalaki.
"Wala bang nakahalata sa iyo sa labas?"
"Wala po."
"Hindi ka ba nasundan? Baka tatanga-tanga ka! Mapapatay tayo ni kamahalan pag nabulilyaso na naman tayo!"
"Negative po." Sagot ng mga tao.
"Mabuti kung ganun!"
Humarap ito sa mga kasamahan nito na nasa loob lang ng bahay.
"H'wag kayong mag-alala, mapapasa-atin din 'tong kaharian ng Lote d' grante! Hanggat hindi nabibisto ang kamahalan natin sa loob, magtatagumpay talaga tayo!" Sigaw nito.
Naghiyawan naman ang mga kasamahan nito dahil sa kanyang sinabi."Magiging atin din ang palasyo! Magtatagumpay tayo!" Sigaw nito at humihiyaw pa din ang mga kasamahan nito.
"Anong tagumpay ang sinasabi ninyo mga duwag?"
Napaatras ang mga ito nang bigla akong lumitaw sa harapan nila.
Nung medyo nakalayo na sila sa akin ay pinalibutan nila ako. May dala-dalang mahahabang espada ang mga ito."Patayin niyo siya!" Sigaw na utos ng lalaki kanina na sa palagay koy ito ang leader na hukbong nila.
Lumapit ang mga tauhan nito sa akin pero pinainit ko ang mga espada nila na dahilan para nabitawan nila ang mga espada nila. Isa-isa kong sinunog ang mga ito hanggang naging abo.
Napaatras ang ibang mga kasamahan nila pero lumapit pa din sa akin ang lalaki kanina na sinundan ko at ang sa tingin koy leader ng mga ito.
Sinubukan nila akong patayin gamit ang mga sandata nila pero isang pitik ko lang sa daliri ko ay nag-aapoy na ang mga kamay nila pati na din ang mga espada nila.
Napasigaw ang mga ito dahil sa sakit at hapdi.Una kong sinunog at ginawang abo ang lalaking sinundan ko kanina papunta dito pagkatapos ay nilapitan ko ang leader sa mga samahan nila at sinakal ko ang kanyang leeg.
"Sino ang sinasabi mong amo mo na nasa loob ng palasyo? Sino?!"Tumawa ito. "Sa tingin mo bay sasabihin ko?"
Sinubukan kong basahin ang utak nito pero takot lang ang nababasa ko, wala itong iniisip na iba.
"Ganun ba? Paano pag pinaapoy ko ang kamay ko na sumakal sa iyo? Ayaw mo pa rin wbang magsalita?"
Hindi ito nagsalita.
"Isa.."
Hindi pa din ito nagsalita pero nanginginig na ang katawan nito.
"Dalawa.. wag mo akong paaabutin ng tatlo! Papatayin talaga kita!"
"Kamahalan.. magsasalita na po!"
Ngumiti ako sa sinabi nito. Binitawan ko anh leeg nito.
"Sino?!"
BINABASA MO ANG
COLEEN
FantasyColeen moved to another house in a province with her father when her mother died in an accident. Her grandfather didn't really like his Dad from the beginning for being so poor in life, so, after her mother was buried, her grandfather kicked them o...