(Coleen's POV)"Coleen!" Sigaw ni Hash nung pumasok ito sa kwarto.
"Hash, manganganak na ang anak ko!" Sigaw ni dad.
Napatitig ito sa akin ng ilang sandali pagkatapos ay umupo ito sa couch ng kanyang living area dito sa kwarto niya.
Napakunot ang aking noo.
Is this real? Napatanong ako sa sarili ko. Is he not concern about me and our babies?Nagkatitigan kami ni dad, ni lolo at nina Klay.
"Hash.. dalhin natin ang anak ko sa hospital! Manganganak na siya!" Sigaw pa din ni dad.
"Wala pong hospital dito." Kalmadong sagot nito.
"Kung wala dito edi dun sa lugar namin! Bilisan na natin hash!"
"Tayo na hash.." Sabi ni Lolo.
"Hash! Bakit parang kalmado ka lng diyan? Manganganak na ang girlfriend mo." Ani Klay.
"She's not my girlfriend." Sagot nito.
Tumayo ito at pumasok sa kanyang mini library dito sa kanyang kwarto."What's wrong with him?" Tanong ni dad sa akin.
"Ewan ko dad." Dismayadong sagot ko.
"Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Umuwi na kaya tayo." Sabi ni Lolo.
"Mamaya na po lo, baka nabigla lang si Hash."
"Kung ako sa kanya nanginginig na ako sa takot kung anong nangyari sa iyo! You're bleeding for goodness sake." Sabi ni dad.
"Wala pang pahinga si Hash, Dad."
"And so do I! And so do we!" Tinuro nito si Klay, ina ni Klay, at si Lolo.
"Hash!" Tawag ni daddy kay hash.
Mayamaya ay lumabas ito.
Napatitig ako sa mga mata ni Hash. Namamaga ito na parang umiiyak."Tatawag po ako nang titingin kay, Coleen." Sabi nito.
"Hun, may problema ba?"
"Kung gusto niyo pong bumawi sa ginawa ko kanina sa inyo, sana po wag sa ganitong paraan." Sabi nito pagkatapos ay umalis.
Hindi kami nakapagsalita lahat. Nagtitigan nalang kami sa isa't-isa.
Paano na naman niya nalaman?"We f*cked up." Mahinang sabi ni lolo.
"Kayo kasi e, alam niyo namang stress yung tao, walang tulog, walang pahinga tapos binibiro pa natin ng ganito." Sabi ko.
"I'm sorry anak.." Paumanhin na sabi ni Dad.
"Dito na muna kayo't magpahinga. Kakausapin ko lang si Hash." Sabi ko.
"Maligo ka muna, baka anong iisipin ng mga engkanto dito sa iyo. Duguan ka pa." Paalala ni lolo.
Napatingin ako sa hita ko. Napangiwi ako dahil guilty ako sa ginawa namin kay Hash.
Dumeretso na ako sa banyo ni Hash para maligo. May mga damit naman kasi ako dito na dala dati noong pabalik-balik ako dito.-
Nakalabas na ako sa palasyo. Nakasalubong ko sina Ama at Ina sa pintuan ng palasyo.
"Oh anak, saan ka pupunta?"
"Ah.. nakita niyo po ba si Hash?"
Napakunot ang mga noo nito. "Hindi e." Sagot ni Ina.
"Baka nasa loob lang anak, may inasikaso lang." Sabi ni Ama.
"May nagawa po kasi ako na hindi kaaya-aya.. nagtampo yata sa akin."
Nagtitigan ang mga ito. "Naku, matampuhing bata talaga iyong anak namin." Sabi ni Ama.
BINABASA MO ANG
COLEEN
FantasyColeen moved to another house in a province with her father when her mother died in an accident. Her grandfather didn't really like his Dad from the beginning for being so poor in life, so, after her mother was buried, her grandfather kicked them o...