Chapter - 3

949 122 100
                                    

Mirasol

Saglit akong natulala nang mamasdan ang gwapong mukha ni Yuan. Hindi ko inaasahan na makikita ko roon ang lalaki. Nakasuot ito ng stripe na dress shirt at may sunglass sa mga mata kahit madilim na ng mga oras na iyon. Walang kangiti-ngiti ang lalaki habang nakapaling ang mukha sa aking direksyon.

Ilang ulit akong lumunok bago naghagilap ng tamang salita paukol dito. “A-ahm...P-pasensya kana. Hindi ko napansin ang kotse mo kaya—”

Hindi pa man lang ako nakatatapos sa pagsasalita ay may lalaki nang humahangos na lumapit sa amin. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa damage ng sasakyan.

“Anong nangyari dito?!” frustrated na tanong nito na sa akin nakatingin.

Sino kaya ito?

“M-my fault. Don’t worry, ipapaayos ko na lang...” saad ko sabay sulyap ulit kay Yuan.

Lihim akong nasaktan sa tila walang rekognisyon o kahit na anong reaksyon mula rito. Kung sabagay, sino ba naman ang matutuwa na makita ang ex na nang-iwan sa kanya basta?

“Dapat lang, Miss. Kung hindi ay malilintikan ka sa amo ko!” bulong nito na may halong pananakot ang tinig. Mayamaya ay lumapit ito kay Yuan.

“Boss, pasensya na po kung nahuli ako ng dating. May inayos pa kasi ako sa bahay.”

Hindi sumagot si Yuan. Bagkus ay bumaba ito ng kotse na hindi na ulit ako tinapunan ng tingin.

“Pahiram ng susi. Ako na ang bahalang magpaayos ng kotse,” Nilakasan ko ang boses upang marinig nito.

Wala pa ring sagot mula kay Yuan kaya binulungan na ito ng bagong dating na lalaki. Nakita ko na lang na ibinigay nito ang susi ng sasakyan.

“Get another car.” Iyon lang at dire-diretso na itong umalis.

Nahabol ko na lang ng tingin si Yuan. Ramdam ko ang tensyon sa pagkikita naming iyon pero wala akong nakuhang reaksyon mula sa dating nobyo. Patunay lang na galit o masama ang loob nito sa akin. At sino ba ang hindi?

“O, ito na, Miss. Siguraduhin mo na maibabalik mo sa dati ang kotse ni Boss, ha! Paborito niya iyan. Kasing dark ng aura niya!” sabi ng lalaki na ikinalingon ko rito.

“Ano bang pangalan mo at ano ka niya?” tanong ko nang tanggapin ang susi.

“Reden. Driver, bodyguard, yayo, assisstant, at care taker ng bahay ni Boss,” proud na proud nitong pakilala sa sarili.

“Ako naman si Mirasol. Mirasol Almario.”

“Hi, Miss Mirasol.”

Ngumiti ako kay Reden. Mukhang kalahi ito ni Dale na mahilig magbiro sa hilatsa pa lang ng mukha.

“I-iyong amo mo ba’y lagi rito? I mean, anong ginagawa niya sa hotel na ito?” kunwari ay balewala kong tanong. Nagtataka lang kasi ako kung bakit naroon ang lalaki. Imposible naman na sa dinami-dami ng hotel ay talagang sa iisang lugar pa kami nagkita.

“Atin lang ito, ha. Alam mo kasi’y dito naka-check in ang bebot ni Sir. Pero nasa ibang bansa siya ngayon at ang dinig ko ay may kailangang papeles si Boss kaya nagpunta siya rito.”

“B-bebot?”

Pinilit kong balewalain ang kirot na naramdaman sa dibdib.

“Bebot. Babae. Alam mo na iyon. O, sige, napadaldal na ako. Maiwan na kita at baka hanapin na ako ni Boss. Nice meeting you na lang. Marisol!”

“Mirasol hindi Marisol!” pasigaw ko pang pahabol sa lalaki pero kumaway na ito sa akin habang tumatakbo.

Nang maalala si Yuan ay bigla akong nalungkot sa hindi malamang dahilan. Sinong bebot ang tinutukoy ni Reden? Iyon din ba ang babaeng sinabi ni Vienna sa akin kahapon?

Hello Again Mr. Billionaire 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon