Chapter - 13

897 103 93
                                    

Mirasol

Pagkatapos kong manggaling sa mansion ng mga Villnaueva ay lalo akong nanghina dahil sa mga nalaman. Kumpirmado na walang asawa si Yuan ngunit sigurado rin na may kinikimkim itong poot sa akin.

Nagpasya akong huwag muna sa hotel umuwi dahil hindi pa ako handa sakaling makaharap ang dating kasintahan. Sa bahay ni Tatay Lucio ako tumuloy. Nagulat pa ito nang pagbuksan ako ng pinto.

“M-mirasol!” usal niya nang yakapin ko. Hindi ko napigilang mapahikbi.

Sa huli ay ipinasya kong ikwento rito ang mga nalaman. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit mukhang hindi ito nagulat nang sabihin kong hindi totoo ang kasal ni Yuan.

“Nasabi iyon sa akin ni Paolo noon. Hindi ko nga alam kung bakit niya ipinaalam ang bagay na iyon pero nang makilala kita ay saka ko naintindihan ang motibo niya.”

“Tay! Bakit naman hindi n’yo agad sinabi sa akin?”

“W-wala ako sa posisyon para ipagsabi ang bagay na iyon.”

Napabuntong hininga na lang ako. Ibig sabihin pala ay alam na ni Sir Paolo kung sino si Tatay sa buhay ko bago pa niya ito i-hired. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin kanina ni Tita Yuna.

“Sobrang na-guilty si Paolo dahil sa nangyari sa inyo ni Yuan. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong gumawa siya ng paraan para makabawi sa inyo lalo na sa iyo.”

“Tay, mahal ko pa rin po si Yuan...” mayamaya ay pag-amin ko sa ama.

“Halata naman, anak. Pero paano siya? Mahal ka pa rin ba niya?”

Wala akong maisagot sa tanong nito. Ayon sa huli naming pag-uusap ay mariing sinabi ng lalaki na hindi na niya ako mahal at tanging init na lamang ng katawan ang nararamdaman niya para sa akin.

“Isa pa, kahit sabihing hindi totoo ang kasal nila—sa mata ng lahat ay may asawa siyang tao. Ayokong libakin ka ng mga iyon kapag nagpadalos-dalos ka ng desisyon. Masyado pang komplikado ang lahat.”

Napailing ako kay Tatay. “Batid ko naman po iyon, Tay. Pero kailangan ko po ba laging unahin ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa sarili kong kaligayahan?” Naiiyak na naman tuloy ako.

“A-anak...”

“Hindi lang sarili ko ang iniisip ko ngayon, Tay. No’ng malaman kong wala pang asawa si Yuan ay sina RM at JJ agad ang una kong naalala. Nagkaroon ako ng pag-asa na maipakilala sila sa kanilang ama. Ngayon ko gustong buuin ang pamilya namin para sa mga anak ko!”

Tumango-tango si Tatay. “S-sige lang, anak. K-kung ano ang sa tingin mo ay makakapagpasaya sa iyo—as long as wala kang tinatapakang tao ay gawin mo!”

“Salamat, Tatay!” Nayakap ko ito nang mahigpit. Kahit papaano ay lumakas ang loob ko dahil alam kong may kakampi ako na handang sumuporta sa akin.

Masigla na ako nang makauwi sa hotel. Bago pumasok sa suite ay sinulyapan ko pa ang kay Yuan. Gustong-gusto ko itong katukin upang kausapin siya nang maayos. Ngunit nagpasya akong bukas na lang dahil masyado na ring gabi.

Excited ko na lang na tinawagan sina RM at JJ saka ibinalita rito ang aking good news.

“This coming vacation ay susunod kayo rito with Tito Mico!”

“What?”

“Really?”

Tuwang-tuwa ang mga anak ko sa aking sinabi. Lalo silang nasorpresa sa idinagdag ko.

“Ahmmm...who knows...maybe you’re gonna meet your daddy—”

“D-daddy? You mean, our real daddy?” mautal-utal na reaksyon ni JJ. Natutuwa akong tumango.

Hello Again Mr. Billionaire 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon