BRIANA'S POV
After 45 mins.
Hay nakarating din. Bad trip naman oh magsisimula na yung show nung pagdating ko. Masyadong mabagal yung jeep. Patigil tigil pa.
"Ah miss are you Ms. Zamora?" tanong sa akin nung isang lalaki.
"Ah opo bakit po?"
"Pinapapunta na po kayo dun sa Dressing Room. Inaantay na po kayo dun ni Ms. Mary" tumango na lang ako at nagpasalamat..
Pumunta na ako dun sa dressing room. Kumatok ako para malaman nila na nandito na ako. Pagbukas ko ng pinto napangiti na lang ako.
"Babe bakit ang tagal mo kanina ka pa namin iniintay?" sya si Leo yung boyfriend ko. Kala nyo porket adik ako kay Tyler wala na akong boyfriend. Pwes kala nyo lang yun.
"Ang hirap kasi humanap ng taxi. Kaya nag jeep na lang ako. Kaya ako natagalan." sabi ko habang nakayakap sa kanya. Siya naman ay hinalikan ako sa nuo.
"Mary, halika dito i retouch mo si Ana.
Ana galingan mo sa interview ha. Kaya mo yan. Kilala mo na ba yung makakasama mo?""Hindi pa sino ba yun?" Lalo tuloy ako nacurious kung sino yun.
"Malalaman mo din mamaya. Sige una na ako ha bye." umalis na si Leo. Siguro iintindihin nya yung mga camera kung ayos na. Sya yung Producer nung Tv show. Tapos si Mary yung Co-producer.
Pinaalala na naman sa akin yung makakasama ko. I wonder kung sino yun.
Tapos na akong iretouch ni Mary. Pinapunta na kami sa Studio kung saan gaganapin yung interview.
May nakita akong lalaking nakaupo na sa upuan. Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakatikod sya sa akin.
"Ana upo ka na dun sa tabi ni Mr. Jang"
Mr. Jang ibig sabihin hindi si Tyler. Hay kala ko pa naman sya... Sabi kasi may TvShow din sya..
Pagkaupong pagkaupo ko, biglang nagsalita yung Mr. Jang..
"You're 5 mins. late. Kanina pa kami nag aantay dito" teka parang kilala ko yung boses na yun.
Lumingon sa akin yung Mr. Jang. At sabi na eh, kilala ko yung boses na yun. Siya lang naman yung umagaw sa Taxi ko kaya ako na late..
Halatang nagulat din sya nung nakita nya ako.. Humanda ka sa akin.. Nag-smirk ako sa kanya at slight na tawa.
"Hehe, So you're Mr. Jang. Yung mang aagaw ng taxi. Tapos rereklamo ka na late ako. Kung maupakan kaya kita. Alam mo ba kung ano yung pinagdaanan ko nung inagaw mo sa akin yung Taxi. Muntik na akon—" tinkpan nya yung bibig ko ay hindi pala parang hinawakan yung labi ko.
"Shut up you're too loud. The show is about to start. Please concentrate" nakangising sabi nya. Mamaya ka sa akin kang demonyo ka.
"The Show will be start in 5,4,3,2, and 1"
sabi ni Mary
"Welcome to ****** reality talk show. The guest for today is Mr. Vin Jayson Jang the Author and Ms. Briana Ash Zamora the Doctor." - MC
"Briana Ash Zamora huh?" pasimpleng bulong nya sa akin.
"We will talk about the new novel of Mr. Jang. So tungkol saan ang bago mong novel Mr. Jang?- MC
"Ah tungkol ito sa mga Doctors na katulad ni Ms. Briana. Tungkol sa buhay ng mga Doctors. Kung paano sila nabubuhay kasama ang mga dugo at yung mga nakakadiring parte ng katawan "- Mr. Jang
"Excuse me Mr. Jang hindi naman lahat ng doctors ay katulad ng sinasabi nyo. May tatlong ang uri ng mga doctors. Meron nung nag-oopera, meron ding cosultant lang at meron ding advisor, parang psychiatrist. Hindi lahat ng doctor palaging nakakakita ng dugo at yung sinasabi mong nakakadiring parte ng katawan."- Ako
"Ms. Briana ang sinabi ko ay buhay ng MGA doctors ibig sabihin lahat ng sinabi mo nandun din yun." sabi nya ng nakangiti at nakatingin sa akin na para bang pinararating nya na hindi ako nakikinig.
"So by the way. Anong uri ng Doctor ang position mo ngayon Ms. Briana? Diba sabi mo nga may tatlong uri ang doctor, saan ka sa tatlong yun."- Mr. Jang
"I'm a psychiatrist."- Ako
At nagpatuloy lang yung interview pinagusapan din namin yung tungkol sa mga past na pinublish ni Mr. Jang aka Demonyo na mga libro.. Author din pala sya. Kilala kaya nya si Tyler ko.
Nung natapos na yung talk show. Dumeretso na ako sa Dressing room habang yung isa naman ay naiiwan at nilalandi yung mga fans nya..
Ha! kala mo kung sinong sikat.. Gwapo ka lang uy!! Ay hindi pala.
Kinuha ko na yung bag ko sa dressing room. Nakasalubong ko si Leo paglabas ko.
"Happy 500 days anniversary!!! Saan mo gusto kumain?" tanong nya sa akin
Ala oo nga pala nakalimutan ko.. Paano yan wala akong regalo sa kanya.
"Happy 500 days anniversary din.. Sa dati na lang tayo kumain. Sorry ha di ako nakabili ng regalo mo"
"Ano kaba ayos lang yun. Isang kiss mo lang okay na ako."
Kiniss ko sya sa lips gaya ng sinabi nya. Mga 3 secs. lang naman.
"Ash teka lang ha. Kunin ko lamg gamit ko sa loob, intayin mo lang ako dyan."
"Sige, dalian mo ha!!" nagtatakbo na sya. Napakahyper na naman ng lalaking yun. Kaya mahal ko yung baliw na yun eh.
"BOOOO!!!"
"AY KALABAW NA KINAIN NG BUTIKI" dyos kupo mamatay ako sa gulat dito sa lalaking ito eh. Paano ba naman biglang may bumulong sa tenga ko..
"HAHAHAHAHAHA!!" sige tumawa ka pa hanggang sa mamatay kana.
"Anong nakakatawa ha?"
"Hahaha.. ha. ha.. epic kasi yung mukha mo kanina eh at ano kalabaw na kinain ng butiki .. pfftt!! Hahahaha!!"
"Sige isa pang tawa mo babatuhin kita" tumigil naman sya sa pagtawa pero "Pfft. Hahahaha..ha..ha hindi sorry na.. titigil na ako.." sayang tumigil makatikim ka sana ng super bato..
"Ganda nung talk show natin kanina ah.. Gusto mo ba ulit maging guest? Pwede ka magguest dun sa radio station na pinagtratrabahuhan ko. Bigay mo lang yung Number mo sa akin. Kokontakin na lang kita kung kailangan namin ng guest.."
Binigay nya sa akin yung cellphone nya pero binalik ko ulit sa kanya.
"No need. Busy ako eh" nagsmirk ako sa kanya. Ano ka pahiya ka ngayon yabang kasi.. Kala mo sa akin easy to get.. Mukha mo. Such a player..
"Ha! swerte mo pa nga at iniinvite kita. Ikaw din sayang yung opportunity na makasama ako.."
"Sorry sino ba nagsabing iinvite mo ako. At di kita kailangan." dumating na si Leo. "Tayo na Ash"..
Sumakay na kami sa taxi..
-----------------------------------------------------------------------
Hi may readers na po ba yung story ko.. Kung meron man.. say hello po sa comment.. Vote na rin po kayo. Para ma inspire lalo ako..
Next Chap Jayson's Pov naman
-KAISOOHANHYUN
BINABASA MO ANG
Sleepless Night (On - Going)
RomanceSi Vin Jayson Jang ay isang famous writer. Na namulat sa hirap ng buhay. Si Briana Faye Santos ay isang first year doctor. Na may trauma sa pag-ibig Paano kung magkatagpo silang dalawa. Maging Compatible kaya sila sa isa't isa. Or sila ba talaga an...