Chapter 2 - Fan

18 2 0
                                    

*JAYSON'S POV

Lumabas na ako sa C.r. ng nakabihis na. Nandito na ako sa Pilipinas. Simula nung nangyari 3 years ago.

Meron akong Tv show mamaya kaya naghahanda na ako. Si Jennie? Matagal na kaming wala. Kaya single ako, ikaw ba gusto mo ba tayo na lang? ^_-

Hindi nyo pa ba ako kilala? Sige papakilala na ako may oras pa naman eh.

Ako si Vin Jayson Jang. Nabubuhay mag isa. De joke. May nanay pa ako kaso sa ibang bahay sya nakatira. Ako ay may sariling Condo. 25 years old na ako. Writer din ako ng mga libro

(A/N; malamang ano pa ba?)

Wag ka ngang epal dyan author. Parehas lang naman tayong author pero syempre mas sikat ako ikaw hindi. :P

(Aba gusto mo pahirapan kita dyan sa storya. Sasagot ka pa?)

Ay hindi ka naman mabiro. Joke lang yun. Hihihihi /palusot lang/

Mabalik tayo, half Korean din ako. Kaya ako nagpuntang korea dati para makapag bagong buhay. Simula nung makilala ko si Tae Yong dun na nagsimula ang pagginhawa ng buhay namin ng Mama ko.

*Krrrrrriiiinnng

Kinuha ko yung cellphone ko sa table. Hindi ko na tiningnan kung sino yung tumatawag sinagot ko na lang.

"Hello? Who's this?"

(I'm Mary Lopez, yung co-producer po nung Tv show. Pinapapunta na po kayo dito sa studio para po malaman nyo yung gagawin nyo. Mag-iistart na po in 1 hour.)

"Okay, I'm on my way"

*BRIANA'S POV

"ANA, ANA!!"

ano ba yan agang aga eh.. Sino ba itong walang hiyang ito. Humanda ka sa akin pag ako'y nakabangon dito.

"Hoy!! ANA bumangon ka na dyan!"

parang kilala ko na kung sino itong walang hiyang ito.

Niyugyog nya ako na parang wala ng bukas. "Hoy Ana!!!"

"UMALIS KA NGA DITO. MAMAYA MO NA AKO ISTORBOHIN" sigaw ko sa kanya habang nakataklob ng unan at kumot.

"PAG HINDI KA BUMANGON DYAN HINDI KITA BIBIGYAN NG PERANG PAMBILI PARA SA GUSTO MONG LIBRO."

napabangon ako ng wala sa oras. Basta para sa libro ni Mr. Tyler Kim. Sobrang ganda kasi ng mga story nya. Hay!! naiimagine ko na naman yung story nya na binasa ko kagabi. Naiimagine ko na kaming dalawa yung nasa story. Yung nagki-. "Aray!! Masakit yun ha?" pano binato ako ng unan

"Paano may sinasabi ako di ka naman na kikinig. Pinagpapantasyan mo na naman siguro yung Tyler na yun ano?" kuya ko nga palang baliw

"Paki mo ba. Ano ba yung kailangan mo?"

"Sabi ko ikaw muna ang pumunta dun sa Tv show. Busy kasi ako eh.Madami akong appointment ngayong araw. Off mo naman ngayon diba. Ikaw na ang pumunta!"

"Ano ayaw ko nga. May pupunt-"

"Hindi ka na makatanggi nasabi ko na dun sa Producer. At ibinigay ko na yung cp number mo. Kaya wala ka ng kawala"

"kala mo lang yun. Pwede namang hindi ako pumunta dun." bulong ko

"Subukan mong hindi pumunta dun.Hindi talaga kita bibigyan ng pambili ng libro. At sa oras na di ka pumunta. Ipopost ko to sa Facebook, twitter at Instagram."

Pinakita nya sa akin yung picture na natutulog ako, na may tulong laway at gulogulo ang buhok. Kailan nya yan nakuha? WWAAAAAAHHHHH!!!!!!

Hinabol ko si kuya hanggang baba ..

"AKIN NA YAN KUYA!!! OO PUPUNTA NA AKO. PLLSSS WAG MO NG IPOST DELETE MO NA. PUPUNTA NA AKO." huhuhu baka makita pa ni Tyler yun ma turn off pa sa akin.. (huhu asa ka pang kilala ka nun)

"okay sige na dinelete ko na. Basta ayusin mo yung interview ha? Manunuod ako." Sabay gulo sa buhok kong magulo rin.

Umakyat ulit ako sa kwarto para makapagligo na at makakain na.

After 15 mins. lumabas na ako sa cr. Nagbihis at nagmake up na ako, light makeup lang.

Pababa na ako sa hagdan ng may biglang tumawag. Tiningnan ko kung sino, number lang ang nakalagay. Sinagot ko na.

"Hello sino to?"

"(Hello Ana tanda mo pa ako?)" sino to?

"Huh? Hindi po sino po ba ito?" pero parang pamilyar yung boses nya.

"(Hay! sabi na eh di mo na ako tanda. Ako to si Mary Lopez. Kasamahan ni Leo sa trabaho.)" ah si Mary yung makulit na babae. Ah kaya pala pamilyar sa akin.

"Oh bakit napatawag ka?" nagulat kasi ako kung bakit sya napatawag at paano nya nakuha yung number ko.

"(Ah, oo nga pala nasabi na ba sa'yo nang kuya mo yung tungkol sa Tv Show ngayon. Airing na kasi in one hour.)" aish, oo nga pala isa nga pala syang co-producer.

"Ah oo nasabi na nya nga sa akin. Sige papunta na ako dyan. Wait me in 20 mins. Okay? sige bye" umupo na ako sa dinning area.

"Okay sige. You'll be surprise kung sino makakasama mo. Sige Bye"

"Wait-" inend na nya yung call

..Ha sino naman yun?

Kumuha na ako sa table ng tinapay at pinalamanan ko ng nutella. Okay na siguro to? Tumayo na ako at lumabas ng bahay.

Pero di parin maalis sa utak ko yung sinabi ni Mary. Sino kaya yun? OMO baka si Tyler my labs.

I'm his number one fan. Since mabasa ko yung pinaka una nyang book story. I love him very much.. Sana sya yung makasama ko..

Pumapara na ako ng taxi. Kaso wala akong makitang taxi na dumadaan. Tanging mga bus,tricycle, at jeep lang nakikita ko.

Hala!! paano yan kung sasakay ako ng jeep baka abutin ako ng kalhating oras. Baka naghihintay na sa akin si Tyler ko. Ayaw ko syang pag intayin.

Ayun may nakita akong taxi. Pinara ko agad yung taxi. Pagtigil ng taxi ay binuksan ko agad.

Kaso..

Kaso...

Kaso....


May walang hiyang lalaki ang sumakay sa taxi ko. Aish kung kailan ako nagmamadali, wrong timing tong lalaking ito...

"HOY LALAKI, AKO NAUNA DITO. BUMABA KA DYAN"

kinatok ko yung bintana. nakalock kasi yung pintuan. Bumaba yung bintana..

Isang mukha ng demonyo ang nakita kong lumabas dun sa bintana. Isang nakangiting Demonyo.

"Sorry miss. Naunahan kitang pumasok eh. Ang bagal mo kasi. Excuse me ha nagmamadali na ako. Bye"

Tuluyan ng umandar yung taxi.. Huhuhu wala na akong makitang ibang taxi..

Pasalamat yung lalaking yun at good mood ako.. Kundi nasa ospital na yun ngayon.

Haaiist!! Pano na ako ngayon? No choice na ako. Sumakay na ako sa Jeep.


Sleepless Night (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon