Chapter 13

7 1 0
                                    

CHAPTER 13 : BELLA's POINT OF VIEW ★

"Salamat Paul."

"You're welcome, 'yong usapan natin ha, sabihan na lang kita kung kailan tayo magko-collab." 

"Sige, salamat din sa libre." Nakakatuwa rin pala siyang kausap, aliw, may sense of humor.

"Ate, nag-set up ako sa kwarto mo, kanta ka mamaya para may i-post ako." Salubong ni Franzen sa akin.

"Marami pa akong gagawin, kung inuuna mo kaya 'yong mga projects mo."

"Natapos ko na kanina, nasaan na 'yong saging? Ilalaga ko na raw sabi ni Mama." Kinuha niya ang saba at dinala sa kusina.

"Zen, nasaan nga pala si Tita Ruth?"

"Umalis si Mama, may kausap sa cellphone kanina e."

"Jowa? May boyfriend si Tita?"

"Hindi, babae ang kausap niya."

Sino kaya 'yon?

Mali sana ang iniisip ko, akala ko ba wala na silang communication.

"Zen, Monday pa ang pasok ko, punta tayong Sta Cruz."

"Pupuntahan natin si Ate Buntis? Pwede ba tayong dumaan sa bar nila Kuya Paul tapos kakanta ka ng hindi nagpapakita ng mukha, magla-live ako."

Pinitik ko sa ilong si Franzen, mahina lang naman. "Para kang si Paul, ginagamit ako for content."

"Eh para sa 'yo rin naman 'to eh, sige na Ate, please."

"Fine, matatanggihan ba kita? Mag-ayos ka na ng gamit mo at aalis tayo mamayang gabi para makabalik tayo agad bukas na umaga."

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga pinamili ko ay pumasok na ako sa kwarto ko, ang ganda nga ng set up ah, ako akong magla-live streaming.

Kakatapos ko lang mag-video ng isang kanta ng biglang may kumatok, paulit-ulit. "Anak, Bella?"

"Tita? Pasok po Tita, ano po 'yon?"

Mukhang hindi maganda ang sasabihin ni Tita ah, hindi maipinta ang mukha niya at parang hindi niya alam kung paano uumpisahan.

"Tita, ano po'ng problema?"

"A-Anak, uuwi raw siya."

"H'wag naman po kayong mag-joke ng ganyan, wala po akong balak tumawa." 

"Hindi ako nagbibiro Bella, uuwi ang Nanay mo sa isang buwan."

Pilit akong ngumiti. "Dito ba siya tutuloy?" Dahan-dahang tumango si Tita.

"Pakisabihan po ako agad kung kailan siya ng uuwi para–"

"Para ano?"

"Para alam ko po at makapaghanap ako agad ng apartment na uupahan ko habang nandito siya."

"Anak.."

"Tita, hindi niyo po ako mapipilit, ayaw ko po siyang makita, ayaw ko siyang makausap, h'wag niyo na po sana akong pilitin." Tumungo na lang si Tita Ruth at hindi na nagsalita, hindi ko pa talaga kayang harapin 'yong taong nang-iwan sa akin.

"Sa bar na lang muna tayo dumaan Ate, kakabukas lang naman e."

"Oo nga, alam naman ni Geisel na pupunta tayo sa kanila ngayon e pero sabi ko traffic. Nakita mo ba si Alex?" 

"Oo, umalis siya sakay ng motor. Tara na, excited na akong mag-live."

Pareho kaming nagsuot ng jacket na may hoodie, nag-sunglasses din kami kahit gabi at dahil magkaiba ang speaking voice ko kaysa singing voice, wala naman sigurong makakakilala.

PERFECT STRANGER (Nang Dumating Ka) Bandang LAPIS Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon