Chapter 34

7 1 0
                                    

CHAPTER 34 : PAUL's POINT OF VIEW ★

"Hindi ako papayag!"

Naalimpungatan ako dahil sa pagsigaw ni Mama.

"Ano na naman ba ito Arlene? Ano ba'ng ikinakatakot mo?"

Bumangon ako at lumapit sa may pinto para mas marinig ko ang usapan nila Lola.

"Si Paul, paano si Paul Mommy? Ayokong maging sila ni Bella, ayoko, hindi p'wede! Ilalayo ko ang mga anak ko sa lugar na ito."

Napabuntong hininga ako at minabuti ko na lang na makinig kaysa komprontahin si Mama.

"Tapos ano? Saan kayo pupunta? Paano mo ipapaliwanag sa mga anak mo? Sa tingin mo ba mapipigilan mo si Paul? Mahal niya si Bella, mahirap kalabanin ang puso Arlene, alam mo 'yan, alam na alam mo." Mahinahong sambit ni Lola

"Pero . . . Pero baka iwan ako ni Paul kapag nalaman niya ang totoo, ang mga ginawa ko. Mommy, paano kapag sumama siya sa totoo niyang magulang, paano na ako?" Narinig ko ang mga hikbi ni Mama, napapikit na lang ako.

"Mahal ka naman ni Paul, hindi ka niya basta basta iiwan, at anak, nandito naman si Mika."

"Pero alam natin pareho na hindi ko rin totoong anak si Mika."

Napasinghap ako, tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi rin anak ni Mama si Mika? Kung gano'n, kanino siyang anak?

"Paano kapag nalaman din ni Mika na hindi ko siya anak, na anak siya ng Papa niya sa ibang babae, iiniwan nila ako, iiwan din nila ako!"

Nasapo po ang noo ko, bakit mo 'to nagawa Mama?

Nagmamadali akong nagtungo sa banyo at binuksan ang shower, hinayaan kong bumuhos ang tubig kasabay ng luha ko, ang aga aga tapos ito ang bubungad sa akin, nakakapanghina. 

"Anak, good morning." Narinig ko ang pagkatok ni Mama, bumalik ako sa wisyo, ilang minuto na akong nakatulala habang umaagos ang tubig sa shower.

"Anak, gising ka na ba?"

"Naliligo na po ako." Sagot ko, sana naman narinig niya.

Ipinagpatuloy ko na ang pagliligo, paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Lola, nakangiti siya sa akin pero ang lungkot ng mga mata.

"Good morning Lola."

"Good morning Apo, mag-almusal na tayo. Wala ka bang bagong vlog ngayon? Naiinip na ako."

"Mayro'n po, ee-edit ko pa lang po mamaya at saka may lakad din po kami ni Alex at Ryan." Pagsisinungaling ko kay Lola, wala naman talaga kaming lakad nila Ryan, gusto ko lang magpunta sa Cocoffee at doon magpalipas ng oras.

"Halika na apo, baba na tayo para makapag-agahan na."

"Susunod na po ako Lola, magbibihis lang po ako." Sagot ko, yumakap pa si Lola sa akin bago siya lumabas ng kwarto ko.

Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng black pants at isang plain white t shirt, kumuha rin ako ng sumbrero sa likod ng pinto at bumaba na.

"Good morning Paul, kape?"

"Good morning Ate Regina, ako na lang po ang magtitimpla. P'wede po bang paki-kuha 'yong bag ko sa taas pati na rin 'yong laptop at cellphone ko, pakilagay na lang po sa sala." Utos ko habang kumukuha ng mug, nakalimutan ko kasing dalhin pababa.

"Sige po, kukunin ko na."

"Salamat po." Dinala ko ang kape sa hapag-kainan at umupo sa tabi ni Lola. Habang hinahalo ko ang kape ay naramdaman kong nakatingin sa akin si Lola. "Bakit po? May problema po ba Lola?" Umiling siya at humawak sa braso ko.

PERFECT STRANGER (Nang Dumating Ka) Bandang LAPIS Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon