Chapter 35

6 1 0
                                    

CHAPTER 35 : PAUL's POINT OF VIEW ★

Inilahad ni Czedric ang kamay niya, "Nice to meet you, Pare." Sabi niya ng nakangiti, tumingin ako kay Bella, tumango siya.

"Nice to meet you." Sabi ko rin at nakipag-kamay, bumalik kami sa loob matapos ipaliwanag ni Bella sa akin kung bakit siya nandito, nag-over react lang pala ako, mabait lang talaga si Bella at baka nga tama siya, baka ito ang makakatulong sa kanya para tuluyan na niyang mapalaya ang sarili sa nakaraan.

Ang awkward nito, naiwan kaming dalawa ni Czedric dito sa loob, lumabas muna sila Bella para bumili ng meryenda.

Ang dami kong gusto itanong kay Czedric pero nakakahiya dahil sa naging reaksyon ko kanina, i act like I'm the boyfriend, jealous boyfriend, tsk.

"Mahal mo 'di ba?" Biglang tanong ni Czedric at tila nabinge ako.

"Ha?"

"Narinig mo ako pare, mahal mo siya hindi ba? Obvious." Umupo siya malapit da bintana. "H'wag mo na siyang pakawalan, wala na ka ng makikitang kasing bait niya kapag pinakawalan mo pa siya. Akalain mo 'yon, sa dami ng kasalanan ko sa kanya ay tinulungan niya pa rin ako." Pilit siyang ngumiti pero ramdam kong may panghihinayang sa boses niya.

"Kumusta? Magaling ka na ba?" Tanong ko para maiba ang usapan, "Ang sabi niya sa akin ay dinala ka niya dito kahapon dahil mataas ang lagnat mo. Tatawagan ko sana si Alex para puntahan ka niya dito, pinsan mo si Alex 'di ba?"

"H'wag. H'wag mong sasabihin kila Alex na nandito ako, at magaling na ako, mayro'ng nurse dito sa apartment, ang sabi sa akin ni Yza ay Boss niya raw sa trabaho ang may ari nitong bahay."

Boss?

Si Ninang Coleen ang may ari ng apartment na 'to?

"Ay ikaw pare, kumusta ka? Balita ko hindi ka naman napuruhan nung nabangga kayo, mabuti na lang at nakatawag ako agad ng ambulansya."

"Ikaw pala ang tumawag ng ambulansya para madala kami agad sa hospital, salamat pare, sa pagkaka-alam ko ay nakakulong pa rin 'yong driver ng kotse."

"Oo nga raw, pero sa pagkakakilala ko kay Yza malambot ang puso nun, baka iurong niya ang kaso. Ang t*nga ko 'no? Yzabella Rodriguez na gin*go ko pa."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, halatang halata na nagsisisi na siya sa mga mali niyang nagawa pero pasensya na siya kasi hindi ko ibibigay sa kanya si Bella kahit lumuhod pa siya sa harapan ko.

Kakabalik lang nila Bella at kumakain na kami ng binili nilang apple pie, at hindi nga matapos tapos ang kwento ni ate Kristy, halos yata buong buhay niya ay naikwento na niya, wala kaming ibang ginawa kun'di tumawa sa mga hirit niya, gusto ki nga siyang imbitahan sa podcast ko, game daw naman siya anytime.

"Wait lang sasagutin ko lang to." Tumayo si Bella para sagutin ang tawag ni Chloe.

"Ano?!" Napalingon kaming tatlo. "Sige sige, papunta na kami, hintayin mo kami d'yan." Hinablot niya ang bag na nakapatoysa upuan at hinawakan ako sa kamay.

"Bakit?" Sabay sabay naming tanong sa kanya.

"Si Aleng Maring dinala raw sa hospital, bukas ko pa sana siya dadalawin sa bahay nila pero hinahanap na raw ako ngayon, kinakabahan ako." Napahawak siya sa dibdib.

"Sasama ako sa inyo." Sabi ni Czedric at tumayo.

"Hindi, hindi ka pa magaling, dito ka lang." Saway ni Bella, napatingin sa akin si Czedric.

"Kaya ko na Yza, magaling na ako, naging kaibigan ko rin naman si Aleng Maring, siya nga ang tumayong nanay ko sa kalye e, paano kung-"

"Hindi ko gusto ang iniisip mo Czedric." Matalim ang mga tinging ipinukol ni Bella kay Czedric.

PERFECT STRANGER (Nang Dumating Ka) Bandang LAPIS Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon