Chapter 33

3 1 0
                                    

CHAPTER 33 : BELLA's POINT OF VIEW ★


"Ate, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry, traffic e." Pumasok si Franzen ilang minuto pagkalabas ng bahay ni Paul.

"It's okay, ano? Gising na ba siya?" Tanong ko sabay hikab, medyo inaantok na ako.

"Nagising siya kanina nung dumating ako, akala nga niya ay ako 'yong tumulong sa kanya pero sabi ko ay hindi ako, 'yong ate ko, hindi na siya nagtanong ulit, kinain niya na lang 'yong mga dala kong pagkain. Ate, pupuntahan mo ba siya bukas?"

"Oo." Sagot ko habang inila-lock ang pinto. "Kailangan ko siyang makausap, for closure, alam kong mas gagaan ang pakiramdam ko." Sabi ko at sabay na kaming umakyat sa hagdan.

"Sige na, magpahinga ka na."

Liliko na sana siya patungo sa kwarto niya pero tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Ate, p'wede bang d'yan a ko matulog?" Tumango ako agad, pakiramdam na naman siguro niya ay nag-iisa siya.

"Kumusta ka?" Tanong ko pagpasok namin ng kwarto, yakap na mahigpit lang ang isinagot niya.

"I'm fine, pakiramdam ko ay pagod ako, ang dami kong iniisip Ate, buti na lang nandito ka."

"Nandito naman ako palagi, handang makinig sa lahat ng rants mo sa buhay, yayakapin ka para hindi mo maramdamang nag-iisa ka at isasama ka sa lahat ng prayers."

Narinig ko ang mga hikbi ni Franzen, hindi ko na siya tinanong ulit dahil kusa namang siyang nagku-kwento kapag kaya na niya.

"Tubig."

"Thank you ate, good night."


"Good morning anak, kain na." Sabi ni Mama Mely pagkababa ko ng hagdan galing sa kwarto.

"Good morning po." Bati ko sa kanilang lahat at dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape. 

"Alas otso na Ate, late ka yata nagising, parang ikaw pa 'yong may hang over ah." Natatawang sambit ni Eula

"Oo nga, parang hang over din pero hindi sa alak kun'di sa paglilinis ng mga naiwang kalat dito sa sala." Nakangiti kong sagot, napatingin si Eula kay Mama at napatungo.

"Kumain na kayo, tatawagin ko lang si Franzen." Tumayo si Tita Ruth sa pagkakaupo niya sa tabi ni Dianne at umakyat sa second floor, ilang saglit lang ay bigla siyang nagsisigaw sa taas.

"Wala si Franzen, nawawala si Franzen!" Sigaw no Tita Ruth, napatayo silang lahat maliban sa akin.

"Bakit? Saan siya nagpunta? Nasaan ang mga gamit niya, wala ba d'yan?" Tarantang tanong ni Mama

"Nandoon naman ang mga gamit niya pero parang hindi manlang nagalaw ang higaan niya, hindi ko siya namalayang umuwi kagabi, baka naglayas na 'yon. " Sagot ni Tita Ruth at nagsimula na siyang umiyak.

"Okay lang siya." Sagot ko bago hinigop ang natitirang kape sa tasa.

"Anak, alam mo kung nasaan siya?"

"Yes Mama, natutulog pa po siya sa kwarto ko, katulong ko kasi siyang maglinis sa sala kagabi kaya tulog pa siya hanggang ngayon."

Nagmamadaling umakyat sa taas si Tita Ruth, pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na silang mag-ina.

"Alis na po ako, may lakad lang ako, babalik din po ako agad." Paalam ko sa kanila. Tumingin ako kay Tita Ruth, "May aayusin lang ako."

Tumayo na rin si Dianne. "Ate, sama na rin ako sa iyo, susunduin daw ako ni Mama sa Cocoffee."

"Sige, hintayin mo na lang ako dito, kukunin ko lang sa taas ang bag ko." Nagmamadali akong umakyat sa kwarto, iniligpit ko lahat ng gamit ko at itinago sa isang kabinet ang mga ebidensya, hindi naman sa pinag-iisipan ko ng hindi maganda si Tita Ruth pero mabuti na 'yong sigurado, baka bigla siyang utusan ni Tita Arlene na kunin ang mga ebidensyang mayro'n ako tapos hindi siya maka-ayaw.

PERFECT STRANGER (Nang Dumating Ka) Bandang LAPIS Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon