Good Morning?

1.2K 25 22
                                    

Gerome woke up extra early, 6am to be exact, to help Manang Lolay make breakfast for the gang. He also took the chance to find out just where Sierra got her allergies from. 

"Naku, Gerome. Siguro nalagyan ng patis ni Mila yung palabok kaya nagka-allergies Sierra. Hayaan mo't kakausapin ko sila ni Aya para ma-remind sa allergies ni Sierra sa mga seafood. Buti na lang di siya allergic sa isda. Mukhang sarap na sarap siya sa ginataang tilapia kagabi"

"Manang, matakaw naman po talaga yang si Sierra. Nagtaka pa kayo" this earned him a chuckle from Manang and a slap on the head by Sierra who was just behind him. 

"At ako na naman ang nakita mo, Ge! Ang aga-aga, sinisiraan mo na naman ako. Di ako matakaw, mahilig lang talaga ako sa pagkain. Iba kaya yun! But anyway, salamat ulet sa pagalala kagabi..gentleman ka rin naman pala. Si Marj nga pala gising na. Maybe you might want to see her? The rest, kailangan na din natin gisingin because medyo malayo ba yung strawberry farm diba?" 

"Paano naman naging magkaiba ang matakaw sa mahilig sa pagkain? Ang gulo mo talaga,S. Well, sige..aakyat muna ako to see Marj and wake up the others na din so we can eat the breakfast that Manang and I made. Masarap yan, S! Ako ang nagluto eh" 

"IKAW? Naku, nawalan ako bigla ng gana. Baka malason pa ako dito! HAHAHAHA" hirit ng dalaga.

"Bahala ka, Sierra. Kung ayaw mo kumain then don't." naaasar na tugon ni Gerome

"Asusssss! Early morning drama ang peg mo ngayon, Ge? Joke lang. Kakain ako ng niluto mo.. love kaya kita best friend" sabay kurot sa pisngi ng binata.

"Wag mo nga akong bolahin, Sierra Ashley Gomez. atsaka alam ko namang mahal mo ako kaya no need to always remind me" with matching kindat at pa-cute sa best friend.

Bago pa makapagsalita si Sierra, dali-daling umalis ang binata para gisingin ang ibang mga kasama. Napailing na lang ang dalaga habang si Manang Lolay naman ay pinagmamasdan lang pala ang kulitan ng dalawa.

"Sierra, bakit di na lang kayo ni Gerome? Ang cute nyo. Nakakakilig" 

"HALA! Saan galing yun 'nang? Kami ni Gerome? Naku, impossible. Atsaka di kami nakakakilig. More like nakakabaliw. Lalo na yung tao na yun. Malayong mangyari maging kami, manang. Parang magkapatid na kami nun e. Yuck. Nakakakilabot isipin" mahabang sagot ni Sierra.

"Alam mo, anak.. sabi nga nila 'the more you hate, the more you love'. Atsaka, anong imposible? Walang imposible sa pagmamahal. Halos lumaki na kayo ng magkasama, ang mga pamilya niyo parang isang pamilya na rin... sa tingin ko hindi talaga malayong mangyari. Choosy at in-denial lang kayong dalawa" 

"Wow manang, saan nyo natutunan yang choosy na yan? Hahaha. Di naman po namin hate ang isa't isa, kaya di counted yang reason nyo. Lastly manang, di po ba kayo aware..may girlfriend po si Ge..si Marj whom I'm sure kasama na niya ngayon dun sa taas." 

"Alam kong girlfriend niya yun.. pero, di pa naman sila kasal di ba?" 

"AYYY MANANG! Kaloka kayo. Ang dami nyong opinyon. Basta, kami ni Ge.. best friends lang. No romantic feelings involved manang. MASYADONG NAKAKABALIW ISIPIN.. DI KO SIYA TYPE!" sabay hagalpak at malutong na tawa. 

Umiling na lang si Manang Lolay at binigyan ng makahulugang titig si Sierra, tingin na parang nagsasabing "never say never" , bago pumunta sa likod-bahay para magdiling na mga halaman at bulaklak. 

Meanwhile, Gerome was able to wake up everyone already and told them that breakfast was to be had in 10 minutes. Each of them took turns in freshening up in their respective restrooms before descending to the dining room. Marj and Gerome walked down the stairs, hand in hand constantly looking at each other and giving one another meaningful smiles. When they got to the dining room, everyone was already seated and staring at them.

All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon