Feeding the Green Monster

1.2K 30 18
                                    

It was almost 11:30 when the group finished at the Strawberry Farm. Everyone seemed to have really enjoyed themselves..except for one person. Gerome. Patuloy niyang idine-deny sa sarili ang selos na nararamdaman pero hindi rin siya mapakali sa kaiisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ng kaibigang si Samuel para sa kanyang best friend na si Sierra. 

"I have to talk to Samuel and get him to fess up kung si S nga ang special girl niya" he thought. 

Since it was about lunch time when they finished, the group decided to look for a place to eat already. They drove around for a bit and found a Mang Inasal just along La Trinidad and Bontoc Rd. Tired and hungry from their first adventure of the day, they happily ordered all types of "ulam" that they can get and dug into their unlimited supply of rice. 

"Dahan dahan naman sa pagkain Fred. Baka mabilaukan ka niyan" hirit ni Yen.

"At ako talaga ang napansin mo ha. Eh yang katabi mo..pansin mo ba na parang di kumain ng tatlong araw. Ang daming kanin sa plato oh" tukoy si Ernest na wala namang maiimik sa sobrang dami ng nginunguya. 

"Sanay na ko diyan. Paglalabas kami..laging ang daming kinakain. May sawa ata sa tiyan. Hahaha" tugon ni Yen. 

"Ang sarap talaga ng manok dito. Grabe. Solve na solve" ani Enrique.

Si Sierra at Samuel ay magkatabing kumakain habang naguusap ng silang dalawa lang. Bagay na pinuna ng mga kasama nila. 

"Ahem. Samuel, paki pasa nga ng soy sauce diyan. Yan eh kung pwede kong abalahin ang date nyo ni Sierra diyan sa gilid" pagpaparinig ni Ernest. 

"Ha? Anong date? Loko ka talaga Ernest. Naguusap lang, date agad?" natatawang sagot ni Sierra

"Masanay ka na diyan kay Ernest. Lahat sila actually..wala ng alam ang mga yan kundi mangasar ng tao" sagot naman ni Samuel.

"Naks! Defensive si Samuel. Sa bagay, dapat kasi di natin sila bina-bother in their own world. Baka may maudlot pa eh" makulit na sabi ni Enrique. 

"Ano ba kayo, kumain na nga lang kayo. We have to get going soon para makapag-sightseeing pa and stuff" naiiritang sabi ni Gerome

"Pare, bad mood ka ngayon ha. Anong nangyari? Marj, nagaway ba kayo niyan?" tanong ni Fred sa mag-nobyo.

"Honey, okay ka lang ba? Kanina ka pa yata bad mood? Are you not feeling well?" bulong ni Marj sa binata. 

"Hindi kami nagaway. Ang kukulit nyo kasi eh. Wag nyong ipagpilitan si Sierra at Samuel" bigla itong tumayo at lumabas ng resto. 

"Anong nangyari dun?" tanong nila sa isa't isa. "Parang bad trip na bad trip. Doesn't seem like Gerome at all" komento ng mga kaibigan. 

"Baka di lang maganda ang tulog nung mokong na yun. Ganyan talaga yan pag pagod at gutom. Monster-ish." patawang sagot ni Sierra.

Tumayo ito sa kinauupuan at hinabol ang bestfriend palabas. Sumunod naman si Marj at tumigil lang sa may pintuan habang kinausap ni Sierra si Gerome.

"Hoy Ge! Anong problema? Okay ka lang ba talaga? Tell me what's bothering you" 

"Ikaw. You're what's bothering me, Sierra." 

"A-ako? Hala. Anong ginawa ko sa'yo?" pagtataka ng dalaga.

"Yun na nga eh. Yun din ang gusto kong malaman. Ano nga ba ang ginawa mo sa'kin?" 

"Ano? Gerome, please.. wag kang magpasaring ng magpasaring diyan dahil hindi kita gets okay. Alam mo namang mahina ang pick-up ko sa mga bagay bagay" naiiritang sagot ni Sierra. 

"Isa pa yan. Ang hina nga talaga ng pick-up mo pero halos di ka na lumayo dun..." pinigilan ng binata ang sarili bago pa nito masabi kung ano talaga ang bumabagabag sa kanya.

"Saan? Ano ba? Nakakainis ka na Gerome ha. This is supposed to be a fun and relaxed enviroment pero napaka-KJ mo. Ano man yang problema mo, ayusin mo ha. Nakakahawa yang init ng ulo mo. Ang saya-sayo ko tapos iinisin mo lang ako. Bahala ka nga diyan" nagagalit na tugon ng dalaga habang tuluyang iniwan ang bestfriend at bumalik na sa loob.

Si Marj naman ay nakatayo pa rin sa may pintuan. Hindi maalis ng dalaga sa isip ang mga pangyayari at narinig. Tila nakakaramdam na ito ng tuluyang galit ang selos dahil sa mga narinig. "Mahal niya.... mahal ng boyfriend ko ang bestfriend niya". Halos maiyak ang dalaga sa naisip kaya dali dali siyang tumakbo sa restroom para i-relax ang sarili.

"Okay naman pala ang lahat, guys. Sabi ko na at pagod at gutom lang yung lalake na yun. Let's just finish up and get going" pagkukunwari ni Sierra. 

Agad din namang bumalik si Gerome, umupo at humingi ng sorry sa barkada. "Sorry guys, medyo bad mood nga ako kasi..." 

"Okay lang, bro. Napaliwanag na ni Sierra" sagot ni Sam

By then, bumalik na si Marj sa table at umupo na sa tabi ng nobyo. Walang imik itong tumingin kay Gerome at hinalikan ito sa pisngi.

"Ngiti na diyan, Ge. Ayan na oh, nilalambing ka na ng baby mo." pagtukso ni Fred

"Hon, do you want to go back to the house na lang? So you can rest." paglalambing ni Marj sa nobyo.

"No, I'm fine. Nakakain na naman ako eh and besides we still have lots of fun things to do. I don't want to miss out" sabay tingin kay Sierra. 

Nahalata ito ni Marj at instantly inisip niya      "Di kita pakakawalan, Gerome. I won't let you love her. Sa akin ka ngayon and I will make sure that it stays that way". 

 ************************************************************************************

A/N: short and sweet (sweet nga ba? LOL) update lang po. very thankful po ako sa mga comments and votes nyo and talagang taking your time to read this simple story of mine. maraming maraming salamat po for the ongoing dose of inspiration to write this story. please do continue to vote, comment (on what you liked or didnt like) and to share my story. God bless po everyone! Love love loveeeee <3

ps. ano po, kamusta naman si Gerome? nababaliw na ba sa selos? Dense nga ba itong si Sierra? eh si Marj... alisin ko na ba sa storya? HAHAH CHOSSS! kailangan pa po siya diyan. Kapit lang po! ;) mwuahuggggs. 

All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon