5 months

499 19 31
                                    

[A/N: Jusme. Share ko lang. Halos 8 pages na yung naitatype ko para sa UD sa chapter na to tapos nung isinave ko as draft. Nabura. Grabe! Sayang yun. Kaya eto inulit ko uli. Hayyy!! Pero.. thankyou sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito dahil #24 sya sa mystery/thriller. Maraming salamat! Sana mas dumami pa yung reads, comments and votes nito. Keep supporting. And belated happy mother's day to all the mothers out there tsaka sa mga tumayo at mga tumatayong ina.]

Rosette's POV


Nandito ako ngayon sa may loob ng kotse, inihahatid ako ng Driver namin papunta sa Wilvard University.


Limang buwan.. Limang buwan na ang nakalipas. Grabe ang bilis ng panahon. November na kagad ngayon, November 9, 2015 to be exact. Limang buwan na rin patay si Maam. simula nung namatay sya. Kabado na kaming pumapasok..

Dahil baka pagpasok namin sa Wilvard. Hindi na kami makalabas pa ng buhay. Sa loob ng limang buwan na nakalipas, hindi na nasundan pa ang pagkamatay ni Maam Rochelle. Naibalita rin yon eh.

Ayon sa balita noon, Tatlong bangkay ang natagpuan sa bahay nila Maam. At natagpuan ito na putol-putol. Kinilala ang mga bangkay na sila Maam, At ang mga kapatid nya na sina Rina at Roy.

Marami ring nagbalak na lumipat ng ibang university dahil nga sa deathreat na natanggap namin na mauubos kaming 4-A. Pero sabi ni Heart, ang president namin since 1-A kami eh mas makakabuti kung samasama kami. Na para mas mabantayan namin ang isa't-isa at mas magiging safe. Sumang ayon rin kami sa sinabi nya. Pero hindi nawala ang kaba sa dibdib ko.

Isang linggo after namatay si Maam. Nagkaron kami ng bagong adviser. Si Maam Francheska, nung una hindi kami ganon kalapit sakanya. Kasi syempre naninibago pa kami. Pero hindi nagtagal.. medyo gumaan ang loob namin sakanya.

Pero hanggang  ngayon naglalaro parin saaking isipan kung totoo ba ang death threat na natanggap namin. Kung pinagtitripan lang ba kami o ano. Pero sana nga.. Sana wala ng sumunod saamin kay Maam rochelle.

"Maam Rosette.. Maam Rosette" tinapik ako ni Kuya Jay. yung driver ko.

"Ah, bakit po?" tanong ko sakaniya.

"Nandito na po tayo sa tapat ng Wilvard University." at tinignan ko sa may gilid ko at nandun na nga talaga kami sa may tapat ng school. Bumaba na ako at isinukbit saakin ang backpack ko. Mas komportable kasi ako sa backpack.

Tuluyan na kong pumasok sa loob ng university.

Breathe in. Breathe out. Sana ngayong araw na to, makalabas ulit ako ng buhay. Sana nga biro lang ang natanggap naming deaththreat noon.


Gem's POV


Nagulat ako, aba. Wala pang tao sa room? Eh 20 mns. nalang magbe-bell na.  Lumakad ako papunta sa aking armchair at binaba duon ang aking mga gamit. Luminga-linga naman ako sa paligid.

Marami na 'ring bag sa kanikanilang armchair. Ibigsabihin, hindi ako ang kauna-unahang tao dito. Nasa gym siguro ung iba, o di kaya naman nasa may canteen.

Naramdaman ko naman na biglang yumakap sakin. "Ahhhhhhh!!" napasigaw ako sa gulat. Sht, sino ba to?!


Tumingin ako sa may likod at nakita ko na si Harold pala. "Gosh! You scared me! Akala ko kung sino na." medyo galit na sabi ko sakanya.


"I'm sorry. Hahaha! Nanlalambing lang naman." sabi nya at bigla akong hinalik-halikan sa noo hanggang sa aking pisngi.


4-A's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon