Old building

365 15 18
                                    


Eula's POV


Lahat kami'y napatingin kay Maxcine nung bigla syang napamura. Nakita ko na nakatingin sya kay Alexies at dahil sa nacucurious ako, lumapit ako sakanila.


"Max, Alex.. anong nangyay--" napatigil ako ng makita ko na binuka ni Alexies ang kanyang bibig at wala akong nakitang dila.

"P*ta! Bakit wala kang dila?!" tanong ko sakanya. At nagsilapitan ang mga kaklase ko dahil sa naisigaw ko.


Nageexpect ako na magsusulat sya sa notebook at isusulat don kung bakit sya walang dila pero mali ako.

Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha at pinipilit nyang magsalita ngunit walang maiproduce na sound ang bibig nya.


Nakita ko naman na, sinabunutan na nya ang sarili nya dahil sa sobrang kagustuhan nyang magsalita pero di nya magawa. Kaya patuloy parin sya sa pag-iyak.


"Ssshhh." lumapit si Heart kay Alexies at pinatahan ito. Nagsibalikan naman ang iba naming mga kaklase sa kanikanilang upuan. Naririnig ko ang kanilang mga tanong kung bakit o kung sino ang gumawa nun kay Alexies.

"Bumalik na kayo sa inyong mga upuan." utos ni Heart saamin nila Shane. Kaya ganun na nga ang ginawa namin. Magkakatabi kami. Dun kasi kami nakapwesto sa dulo na 6 yung upuan. Sila Chrysler naman, nasa may harapan.


"Sino ba talaga ang hayop na pumatay kay Maam at kay Angelo?! At pinutol pa ang dila ni alexies!" frustrate na tanong at sigaw ni Rosette.

"Talagang kelangan na nating mag-ingat. Hindi natin alam kung hanggang kelan pa ba tayo mabubuhay." napatingin kami sa nagsalita. Si Shelley pala.

"Pwede ba kong makiusap sainyo?" tanong nya saamin. Pero hindi kami sumagot. Kaya nagpatuloy lang sya sa pagsasalita.


"Pwede bang bigyan niyo ako ng pagkakataon na magkaroon ng kaibigan? Pwede ko ba kayong maging kaibigan?" muli nyang tanong samin. Nagkatinginan lang kami nila Shane at walang nagbabalak na sumagot.


Biglang tumunog ang bell. Mabilis kaming lumabas ng room at nagtungo sa canteen. Nagtatakbuhan kami nila Shane.


"Naku. Mabuti nalang at nagbell na. Nakaalis tayo dun sa Shelley na yon." masayang sambit ni Kaye.


"Oo nga eh! Tsk." sabi ko naman. At sa kabilisan ng takbo namin. Mabilis kaming nakapunta sa canteen. Pumunta na kami sa table na usually naming inuupuan. At di nagtagal dumating narin sila Matthew.


Nagpaalam sila Maxcine at Antonio na pupunta sila saglit sa comlab at itatranslate ung nasa paper na binigay ni Alexies. Si Gem at Harold naman umorder. Ayaw nga nung una ni Gem na kasama si Harold dahil nga sa ginawa niti kay Maam pero napilit din.


Ako, si Matthew, Alain, Chrysler, Emmanuel, Shane, Echo, Arvin, Rosette at Kaye lang ang natira sa table.

"Guys, may sasabihin kami ni Marc sainyo." sabi ni Rosette na hindi maitago ang kanyang ngiti. Ganun din si Marc.

"Kami na ni Rosette. Matagal ko na syang nililigawan, inilihim lang namin ito sainyo. Sinagot na nya ko kagabi nung.. hinatid ko sya sa bahay nila nung nandun tayo kila Eula." at isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya.

4-A's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon