Dark side of 4-A

409 16 13
                                    

[ A/N: Hello readers sorry kung after 5 days tsaka lang ako nakapag-update hehez. Anyways, thankyou sa pagbabasa. 600+ reads na kagad sya tapos, #13 sa mystery/thriller. Yung mga kasabayan nya ilang libo tsaka ilang milyon ung reads hahaha! Keep supporting and reading. Simulan nyo na rin ang panghuhula kung sino ang sunod na mamamatay at kung sino ang killer :)]

--

Kaye's POV


Nandito kami ngayon sa classroom at mga 10 mns pa bago magstart ang klase. Kanya-kanyang grupo ang magkakasama.


"Guys, kanina may binigay sakin na folded paper si Alexies." bungad ni Maxcine.

"Eh diba wala pa si Alexies?" tanong ko kay Maxcine.


"What I mean is, kanina kase hinatid ako ni antonio. Kaninang madaling araw, then pagdating ko sa bahay. Nandun sa labas si Alexies then, ibinigay nya saakin to." tumingin kami sa hawak-hawak ni Maxcine, isang folded paper.


"Anong nakasulat sa loob?" tanong ni Rosette.


"Di ko pa alam. Bubuksan ko palang." akmang bubuksan na ni Maxcine ang folded paper ng lumapit sila Matthew saamin.


Bumalik na ulit ang grupo namin. We parted ways dahil naghiwalay sila Rosette at Chrysler noong December ng 3rd year kami. Kasabay noon ang paghiwalay g grupo namin. Boys kay chrysler, girls kay rosette. Pero since, okay na sila. Friends na ulit. Bumalik na ulit ang grupo namin.

"Ano yang hawak mo, Maxcine?" tanong ni Paolo.

"Papel, tanga ka ba?" sagot naman ni Arvin. Sinamaan naman ng tingin ni Paolo si Arvin.


"Sino nagbigay?" tanong naman ni Matthew at Alain.

"Si alexies, kanina binigay nung hinatid ako ni Antonio.. uhm. Di ko pa nabubuksan." sagot naman ni Maxcine.


"Buksan mo naaaaa!" pagpupumilit naming lahat. Binuksan na nga ni Maxcine ang folded paper at binasa nya saglit ang nakalagay dito.

"Huh?" isang nakapagtatakang tanong ni Maxcine. At ipinakita nya samin ang sulat. Medyo naging siksikan dahil 12 kaming gustong mabasa ang sulat.


4-A,

O chrónos sas tréchei éxo_

"Ano daw? Hindi ko naman naintindihan yung nakasulat dyan!" sigaw ni Marc.

"Feeling mo, kami naintindihan namin?" pambabara ni Shane


"Tch. Anong language ba yan?" tanong naman ni Chrysler.


"Ewan. Mamaya nalang natin to pag-usapan, darating na si maam." sabi ni Eula.


Sumang-ayon naman lahat. Kaya nagpunta na kami sa kanya-kanya naming upuan at hindi nagtagal, dumating na si Maam at pati narin ang iba naming mga kaklase.


Pero, bakit kaya ang tahimik ni Emmanuel kanina? Ni hindi manlang umiimik.


Gem's POV

"So, kakatapos ko lang icheck ang attendance niyo kahapon. Bakit absent si Angelo?" tanong saamin ni Maam Francheska.

4-A's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon