Rain, rain.. go away.

445 17 14
                                    


Emmanuel's POV


Mabilis kaming nagtakbuhan para makapunta kagad sa classroom namin. Dahil makulimlim na ang mga ulap at naghuhudyat na para umulan, at dahil rin inutos samin ni Sterwon na umuwi na.


Pagkapasok namin sa may classroom, malinis na. Wala na don ang bangkay ni Angelo. Malinis na ang locker namin. Wala na ang masangsang na amoy.

Mabilis naming pinagkukuha ang mga kanya-kanya naming mga gamit sa aming mga armchair.


"Teka lang, bago kayo lumabas. Kelangan niyo munang isign dito sa may attendance para malaman ni Maam Francheska kung sino ang present or absent ngayon. Wala daw si maam ngayon dahil nilalagnat siya." tuloy tuloy na sabi ni Kim. Yung secretary ng 4-A.

"T*ngina naman. Magsipila na nga tayo ng makuwi na tayo." inis na sabi ni Patrick. At dahil gusto na naming makauwi, pumila na nga kami at isa-isang nagsign.


"Guys, may tanong lang ako.. sasabihin ba natin kay Maam Francheska na.. patay na si Angelo?" tanong ni Beatrice.

"Wag nating sabihin. Baka mamaya madamay pa siya. Tsaka sabi ni Principal Sterwon na, wala tayong ibang pagsasabihan diba?" suhestiyon ni Zia.

"Sabihin natin." sabi naman ni Jessy.


"At bakit naman natin kelangan sabihin?" tanong ko sakaniya.


"Parte na sya ng 4-A. Siguro naman, dapat na rin nyang malaman ang mga sikreto natin." paliwanag ni Jessy.


"Sasabihin natin sakanya lahat yung mga sikreto natin?! G*go ka ba? Napakadali mong magtiwala!" pagalit na sigaw ni Arvin. Tapos na syang magsign.

"Tama na yan. Sabihin nalang natin yung tungkol sa deaththreat. Pero yung iba.. wag." sabi ni Heart. at dahil sya ang president. Sinunod nalang namin siya.


Mga 25 na ang nakauwi. Bale 18 nalang kaming nasa pila tapos si Kim kaya 19 nalang kaming nandito. Tsk. Nasa dulo pa naman ako ng pila. Hindi kasi naka-alphabetical ee.

Malipas ang ilang minuto... ako na yung magsasign. Kaming dalawa nalang ni Kim yung nandito sa room.


Pinagmasdan ko ang mga listahan ng pangalan namin..

BOYS

Avuirre, Echo
Avesta, Angelo
Brequello, John Carl Jay
Castero, Christian Matthew
Cajuillan, Christian Emmanuel
Del Cuevo, Arvin Miguel
Del Cuevo, John Harold
Fallardo, Andre
Garillo, Alain Brendan
Goroste, Chrsyler
Montapol, Mel Patrick
Marzanil, Antonio
Oscanto, Paolo
Padrilla, Cedric
Ronque, Julius Vinson
Vistallis, Marc Joel

GIRLS

Bezlario, Beronica
Cado, Julianne Mary
Castillo, Trixie
Davis, Jessie Lou
Fe, Jodee Ana
Fontanilla, Ysabela
Gueverra, Shelley
Gueverra, Crischell Shane
Luiag, Joshea
Macapagal, Ysabelle
Musbi, Janessa
Padua, Michaela
Padrilla, Kyra Pauline
Periva, Glezley Heart
Puya, Kaye
Ravirez, Eula Marie
Reves, Alexies
Reves, Lean Jane
Santos, Beatrice
Savil, Kimberly Anne
Sanueza, Rosette Anne
Tuemibay, Maxcine Joy
Vincente, Gem Mireille
Vargaz, Janna


Sinign-an ko na yung tabi ng pangalan ko ng "P" for present. At agaran naman na umalis si Kim. Naging mailap kasi siya sakin mula nung... aish basta.

4-A's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon