Textmessage

489 21 11
                                    

[ A/N: ang mga pangyayari sa istoryang ito ay pawang imahinasyon lamang. gawa-gawa lang ito ng author na malikot ang imahinasyon. ang mga pangalan ng mga characters sa istoryang ito ay mga kakilala ng author, pero hindi talaga nangyayari sa mga tao na ito ang nangyayari sakanilang characters  sa istoryang ito.]


Shane's POV


"Simulan nyo na ang laro" sambit ni Maam rochelle habang nakangiti nanaman ng nakakakilabot. Ang creepy.


Pero gaya ng inutos niya, sinimulan nanamin ang laro.

Lumipas ang halos kalahating oras.. at tatlo nalang ang natitira sa laro. Si Marc, Beatrice at Antonio. Isa sakanila ang killer, ang pulis, at ang citizen.

Kanya-kanyang hula kaming magkakaklase kung sino ang killer sakanila. Ang hula namin nila Gem, si Antonio yung killer. Dahil kanina pa sya nag-iisip eh at kahina-hinala ung mga ikinikilos niya.

isang minuto....

dalawang minuto...

tatlong minuto...


apat na minuto....


limang minuto....


Limang minuto na ang nakakalipas pero wala paring naaalis sa tatlo. Natatakot yung killer na gumawa ng move dahil baka ang pulis ang makindatan niya.

Lumingon ako kila Rosette at nakita ko na nakatutok sila. At nagulat ako ng nagsigawan ang mga kaklase ko.


"Sawakas!!!" sigaw nilang lahat. Nakita ko na tapos na yung laro. Hala! sino ung killer?

Kinalabit ko si Ysabela sa tabi ko. "Ysa, sino ung killer?" tanong ko sakaniya.

"Si marc ung killer, nakindatan nya si Antonio ung pulis.. tapos yung citizen si Beatrice." sabi nya. Ahh. akala ko si antonio ung killer.

Ang hirap talagang makahula ng killer sa larong to... pano pa kaya sa totoong buhay?


Maxcine's POV

Break na. Sama-sama kami nila Shane na pumunta sa Canteen. Pinagtitinginan nanaman kami ng mga istudyante. Ganyan talaga kapag 4-A, kaya sanay na kami.

Umorder nalang si Eula tsaka si Rosette ng hawaian pizza para saming lahat tsaka tig-isang rootbeer.

Naiwanan kami nila Shane, Gem at Kaye dito sa table namin sa Canteen.

"May napansin ba kayo kay Maam?" tanong samin ni Kaye.

"Oo. Parang may naaaninag ako sa may bandang dibdib nya na sugat.." sagot ko sakanya.


"Yung ngiti niya.. iba. Nakakakilabot." sagot naman ni Shane.


Inaantay namin na sumagot si Gem, pero di sya sumasagot. "Uy gem." tawag sakanya ni Kaye.

"A-ah.. sorry ano ba yun?" tanong saamin ni Gem.

"May kakaiba ka daw bang napapansin kay Maam, kanina?" tanong ni Shane.

"Sa totoo niyan... may sinabi siya sakin.." sagot ni Gem


"Ano???" tanong naming tatlo kay Gem.

"Mag-ingat daw ako, tayo.. tapos sabi rin niya.. nasa paligid lang daw siya.." mahinang sabi ni Gem.

4-A's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon