Chapter I

18 3 0
                                    

Dedicated to @mypencil1223



Pronounciation of Name:

⚪ Huri - yu-ri



The Sea Couple



Magdadalawang-oras na akong nakaupo't nakikipaglaro ng chess dito sa Chess Club ng Imbastul Plaza. Ang pinakamagaling maglaro ng chess dito sa Rizal ang kalaban ko, ang binansagang "Chess Princess" na si Denen Mikono. Malapit ko na siang matalo kaya hinding-hindi ko papalampasin ang larong ito.


"Huri!" Hinihingal na tawag sakin ni Jepoy, kargador ng banyera ni Papa at nagging kaibigan ko na rin. "Si Kino napaaway!"


Napatigil at napatayo ako sa paglalaro ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano? Saan?" Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao dito sa Chess Club ng plaza dahil sa mistulang paggawa ko ng eksena.


"Kapag hindi mo tinapos 'tong laro ate, undefeatable pa rin ako." Pagmamayabang niya kasabay pa ang pag-iling ng ulo niya. At bakit undefeatable ka d'yan? Natalo ka na minsan kaya 'wag kang magmayabang. Kainis! Kung hindi lang kita kapatid, kanina pa kita binangasan d'yan eh. Kahit kapatid mo 'yan, kailangan mo pa ring maging sporty, Huri.


"Sa pantalan! Bilisan mo!" Sigaw niya sa pagmamadali.


Nagdadalawang-isip pa ako. Mananalo na ako eh. Haist. Wala akong nagawa kundi iwanan ang laro ko at dali-daling tumakbo papuntang pantalan.


"Bakit ba napaaway?" Tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami.


"Hindi ko nga rin alam eh!" Aniya.


Narinig ko pa ang bulungan at bulgawan ng mga tao habang nakikipagsiksikan kami ni Jepoy.


Naabutan ko si Kino at Moja, ang dakilang lasingero ng Imbastul, na inaawat na ng mga otoridad. Bumalik na sa dati ang mga ginagawa ng mga tao. Nag-si-alisan na ang mga usisero't usisera.


Madali kong nilapitan si Kino na masama pa rin ang tingin kay Moja.


Sinabunutan ko siya. "Nababaliw ka na ba? Bakit ka nakipag-away dun ha? Eh kung ipa-barangay ka ni Ate Luvy, anong laban mo dun? Isip-isip din ha?" Tsaka ko binitawan ang buhok niya.


"Aray ko nanay." Sabi niya habang hawak-hawak ang ulo saka nagkunwaring umiiyak.


Hahaha Nakakatawa 'yung mukha niya. Ang sarap upakan eh. Dejoke lang.


"Uy! Naabutan ko na naming magkasama ang Sea Couple." Nakangiting puna sa'min ng isang kasambahay na nasa kalendaryo pa rin ang edad at madalas kong nakikitang bumibili ng isda dito sa pantalan.


Sea Couple. Ang bansag ng mga tao dito sa Imbastul samin ni Kino. Sea Couple dahil daw para kaming hari at reyna ng dagat sa kasweetan namin. Hindi ko kinokonsidera na kasweetan ang ginagawa naming ni Kino. Magkaibigan kami ng Kino at wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila. Couple na kung couple sa mata nila pero kaibigan ko lang si Kino. Tsaka, sea couple? Ang baduy ha? May lalake nang nasa puso ko at hindi si Kino 'yun.

Sweet Rock StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon