Night 1: V Institute

358 31 25
                                    


Chapter 1: V Institute

11:46 P.M

Mabilis kong pinatay ang laptop ko nang makita ko kung anong oras na. Mukhang napa-sarap ako sa panunuod ng movies at hindi ko na namalayan na oras na. Mabilis akong tumayo sa pag-kakadapa sa kama ko. Dahan-dahan lang akong gumalaw. Ayokong mahuli ako nila Mama na tumatakas na naman ako. Dali-dali kong kinuha ang trench coat ko sa likod ng pintuan. Sinuot ko ang travel boots ko ng maingat at kinuha sa isang drawer ang iniingatan kong flash light. Chineck ko ang battery nun, mukhang okay pa naman siya.

Matapos ay tinago ko ang laptop ko sa isang bag at tsyaka umalis. Madilim sa corridor ng bahay namin noong lumabas ako. Sa tapat ng kwarto ko ay naka-sarado ang pintuan ng kwarto nila mama. Tulog na sila, kailangan kong mag dobleng ingat. Halos mag creak ang wooden floor ng bahay namin noong nag lalakad na ako. Halos mapa-pikit ako tuwing nakaka-gawa ako ng mahina at simpleng ingay. Baka magising sila!

Isang beses na akong nahuli nila Mama na tumatakas. Agad nila akong pinagbawalan. Delikadong pumasok sa gubat sa gitna ng gabi at umaga. Hindi nila nagustuhan ang mga plano kong bumisita doon. Pero kahit isang beses, hindi naman nila nakita kung saan ba talaga ako pumupunta. Hindi ako nakinig. Hindi naman sila masasamang tao. Mababait sila. Kaya halos sampung taon na ako bumibisita sakanila gabi-gabi.

Tahimik at malamig sa street namin palabas. Lahat ng bahay ay naka-sarado, walang ilaw at walang tao. Tamang desisyon ang mag suot ako ng trench coat dahil malamig ngayon. Nakaka-pangilabot ang simoy ng hangin. Naka-tutok lang ang ilaw ng flash light ko sa dinadaanan. Hindi kasi nakaka-tulong ang pakurap-kurap na lamp post na pakalat-kalat sa bawat corner ng Street namin. Ang ilan ay kupas na ang ilaw. Karamihan naman ay sira na talaga at walang pag-asa.

Lumiko ako sa kaliwang nang marating ko ang labas ng street namin. Dumerecho ako sa Lourdhes Memorial Park. Ialng thombstone ang inapakan ko para lang maka-lagpas. Hindi ako natatakot. Ilang taon ko ng dinadaanan 'to, minsan ay mas malalim pa sa oras na 'to at mas malamig. Noong unang beses ay natakot ako. Pero walang nangyaring masama sakin kaya nawala ang takot sa sistema ko.

Dumaan ako sa usual na ruta. Sa pinaka-likod ng Memorial Park ay matatagpuan mo ang gubat. Matataas ang puno dito, mas madilim, mas malamig at mas nakaka-takot. May posibilidad na maligaw ka. Narinig ko ang ilang mga ibon na nagising sa pag daan ko. Habang nag lalakad ako ay naririnig ko ang mga ilang sanga na napuputol dahil naapakan ko. Pakalat-kalat din ang mga patay na dahon sa paligid.

Ilag sandali pa ay nakita ko na ang V Institute. Ito na din ang naging pangalawang bahay ko dahil sobrang lapit ko na sa mga naka-tira doon. Apat lang naman sila at pare-parehas silang mabait. Sabay-sabay kaming lumaki kahit bawal silang lumabas sa Institute. Dinadalhan ko sila minsan ng mga bagon pagkain na hindi pa nila natitikman dahil yung mga pagkain na niluluto nila ay mga nakikita lang nila sa mga libro na naka-istock sa malaking library nila.

May malaking gate ang Institute. Napapalibutan nito ang buong lupa na sakop ng mansyon. Sa pinaka-tuktok nito ay ang isang simbolo. Naka-sulat doon ang pangalang Institute at nasa ibabaw non ang letter V na iba ang font. Medyo madumi tignan ang mansyon ng institute, maging ang mismong gate. Nasa gitna ito ng gubat kaya hindi maiiwasan na ang ilang halaman ay tumubo na sa paligid nito. Medyo makalawang na din ang gate nila at maingay ito tuwing binubuksan. May mga halamang naka-palibot sa gate at naka-dikit sa mismong pader ng mansyon. Pero kahit na mag mukha itong isang mansion na green house, maganda ito sa loob at sobrang nakaka-breath taking ang makikita mo doon. Para kang nasa museum pero hindi ka mauubusan ng mga bagong culptures and paintings.

"Sarah!" mabilis na akong tumakbo patungo sakanya. Naka-tayo siya sa labas ng gate habang pinapanuod ang dalawang lalaki na nag dadala ng mga bagong furnitures sa loob ng mansyon. Nang makalapit ako ay isang malaking kama ang pinasok nila.

Vampire Society (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon