CHAPTER 3- CASPER the Ghost

80 17 3
                                    

EYANG

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasi inutusan ako ni boss na bumili ng sandwich niya. Hindi daw siya nag almusal sa bahay nila kasi nagkasagutan sila ng mga kapatid niya. Babanat pa nga sana ako kanina kaso halatang bad mood siya eh kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko baka kasi ako pa ang mabanatan eh, Mahirap na.

"Ate Susan isang sandwich nga po," saad ko sa bantay ng cafeteria.

"Sino ang kakain Eyang?" Tanong niya.

"Ah si boss po. Hindi daw po kasi siya nag almusal sa bahay nila eh," sagot ko.

"Ah si sir Earzan ba?" Tanong niya ulit.

"Ay hindi ate Susan si ate Nemia po," pilosopo kong sagot kaya tumawa siya.

"Ikaw talagang babae ka, napakapilosopo mo."

"Kasi naman ate Susan, si boss nga di'ba? Kaya malamang si sir Earzan po." Saad ko at nagkamot ng batok.

Mukhang magkakabalakubak ako sa babaeng uto eh.

"Oh siya sige, ito tuna sandwich iyan. Paborito ni sir Earzan iyan." Saad niya at iniabot sa akin ang isang tupperware na may lamang dalawang tuna sandwich.

"Bakit dalawa po ito? Isa lang po ang order ko," reklamo ko.

"Para sa inyong dalawa iyan Eyang, sabayan mong kumain si sir." Sagot niya sa akin at ngumiti.

Napa OH lang ako at nagpasalamat na bago umalis.

Kung nagtataka kayo bakit hindi ako nagbayad, syempre charge daw ito sa office ni sir. Nakalibre pa ako naks!

Kumatok muna ako sa pinto ng opisina ni sir, narinig ko kasi na may kinakausap siya sa loob eh alangan naman pumasok nalang ako bigla edi napagalitan pa ako.

Pagkatapos kong kumatok ay dahan-dahan akong sumilip.

"Ayy may bisita po pala kayo sir," saad ko.

"Just come in, he is just a friend." Saad ni sir at sumenyas pang pumasok ako kaya pumasok nalang ako.

"Good morning po sir...?" Tanong ko.

"Casper Sanchez, but you can call me Casper for short." Saad niya at naglahad ng kamay kaya agad ko naman itong tinanggap.

"May kapangalan po kayo sir," saad ko.

"And who is it? Is he handsome like me?" Tanong niya at ngumiti.

Shocks mga dzae may dimple laglag panty to!

"Hindi po siya gwapo pero subrang puti. Pero nevermind nalang po," nakangiting sagot ko.

"Where is my sandwich Ms. Faustino?" Ayy ang pait naman ni boss lumalablayp pa ako eh.

"Ayy ito po pala boss, dalawa iyan tig iisa daw tayo sabi ni ate Susan." Saad ko at inabot sa kanya ang tupperware, agad naman siyang tumango bilang tugon.

"So who is it na kapangalan ko?" Tanong ulit ni Casper kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko.

Ayy nagpupumilit malaman mga dzae!

"Ahhh si Casper the Ghost po," painosente kong saad. Narinig ko naman tumikhim si boss kaya nilingon ko siya.

At ang hayop nagpipigil ng tawa.

"So you are comparing me to a ghost?" Hindi makapaniwalang tanong ni Casper.

"Hindi ko naman po kayo kinumpara sa multo ah? Ang sabi ko po may kapangalan kayo, tapos sinabi ko na po na nevermind kaso inulit niyo pang tanungin," sagot ko.

"My Secretary is right Casper, she already said nevermind but you still insisted to know," nagpipigil ng tawang saad ni boss.

"What ever." Sagot niya at umirap.

Hala? Tama ba ang nakikita ko? Umirap? Ayyy may paminta akong naaamoy na nagtatago sa isang barakong kape!

"By the way, I gotta go Earth. Mukhang maiistress ako dito sa sekretarya mo eh." Saad niya at nakipag fist bomb kay boss bago lumabas ng opisina nito.

"Tama naman sir di'ba? Kapangalan niya si Casper the ghost?" Tanong ko sa boss ko na nilalantakan ang sandwich.

Hindi ito sumagot dahil may laman ang bibig pero nagpipigil ito ng tawang tumango.

Umupo naman ako sa upuang nasa harap niya at kinuha ang isang tuna sandwich sa tupperware.

"Paborito mo pala ito boss? Ayos ah, gaya gaya ka." Saad ko at kumagat.

Totoo, walang halong echosss paborito ko ang tuna sandwich, naaalala ko pa noon palagi akong ginagawan ni mama ng ganito kapag pumapasok ako ng school.

Tumayo siya at pumunta sa personal fridge niya. At kumuha ng dalawang bottled water.

Oh diba? Taray may ref siya na kanya.

"Yeah because Im allergic to Peanut," sagot niya lang.

Ay allergic siya sa peanut? Sayang masarap pa naman ang peanut ko... este peanut butter na ginagawa ko.

"Ah ganun po ba boss? Hindi po bali mamaya pag uwi ko gagawa ako ng tuna spread, pero basta sagot mo ang loaf bread ha." Feeling close kong saad at kumagat na naman sa tinapay ko.

"Okay deal, just make sure it will be delicious." Sagot niya at nagpunas ng tissue sa bibig.

Why so hot boss????

Malandi kong sambit sa isip ko na agad ko namang iwinaksi.

"Anong iniiling-iling mo diyan?" Nagtataka niyang tanong kaya nagulat ako.

Hala? Tanga ka talaga self.

"Ah wala po boss." Sagot ko at tumayo para ligpitin ang tupperware at mga empty bottles.

Pagkatapos kung itapon sa basurahan ang mga niligpit ko ay nagpaalam na akong bumalik sa desk ko sa labas ng opisina ni boss.

Oo nasa labas ang desk ko, ewan ko ba kung bakit. Tinatamad naman akong magtanong baka sabihin chismosa ako at masisante pa.

Mabilis lang lumipas ang araw kaya umuwi na ako. Nagtaxi lang ako pauwi kasi tinatamad akong mag jeep.

"So kamusta ang trabaho?" Bungad ni Zane.

"Okay lang, maganda parin ako." Sagot ko at inilapag ang bag ko.

"Alam mo ba akla napag alaman ko na pareho kami ng paborito ni boss," pag uumpisa ko ng chika.

"At ano naman yun?" Pangungusisa niya. Oh diba chismosa.

"Tuna sandwich," sagot ko. "Actually gagawa ako mamaya ng tuna spread tapos dadalhin ko sa opisina bukas, siya na daw kasi bahala sa tinapay." Sagot ko at ngumiti.

"Ayy sana all bonding yarn?" Natatawa niyang tanong kaya tumawa rin ako.

"Sayang allergic siya sa peanut," saad ko.

"Hindi niya matitikman specialty mo," sabi niya sa akin na animo ay nanghihinayang.

"Kaya nga eh, masarap pa naman sana ako gumawa ng peanut butter spread. Pero hamo na atleast matitikman niya ang tuna ko." Saad ko at kumindat pa.

"Alanding bakla," tanging sagot niya.

"Mana sa'yo." Sagot ko at tumawa.

MY SECRETARY IS MY BOSS (Buenafe Siblings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon