CHAPTER 4- Cook for him

61 12 0
                                    

Eyang

Nandito ako ngayon sa kusina. Sinadya kong gumising ng maaga para naman ako ang makapagluto ng almusal.

Gusto kong dalhan ng malalamon si boss, last time kasi hindi na naman daw nag almusal eh. Kaya ito nagdesisyon akong magluto ng kare-kare.

Magaling akong magluto sa totoo lang, balak ko sana noon mag chef kaso ayaw ni mama at tutal mahilig din ako sa business kaya nag business ad nalang ako.

"Hmmmm ang bango naman niyan." Ani Zane na nag kukusot pa ng mata.

"Morning akla, napag isipan kong magluto," saad ko.

"Maaga kang gumising?"

"Ay hindi ako natulog akla, excited akong magluto eh," pamimilosopo ko habang nakatalikod ng biglang.... "Aray akla!" May nambatok lang naman sa akin.

"Ang aga mong pilosopo." Tanging sagot niya at nagtimpla ng kape.

Maya maya ay natapos ko na ang pagluluto kaya nag palamig na ako ng ulam para mailagay sa microwave tupperware na dadalhin ko para kay boss.

"Magdadala ka ng lunch mo?"

"Ah oo akla hindi ko bet ang mga foods sa cafeteria eh," pagdadahilan ko. Mahirap sabihin na para kay boss to. Baka ma misinterpret ng bruha kong kaibigan.

"Okay," tanging sagot niya.

Kumain na kaming dalawa. Madalas kaming dalawa lang ang nandito bihira lang kasi umuwi ang mudra at pudra niya.

Nang matapos na kaming lumamon ay nagkanya-kanya na kaming mag ayos.

And as usual hinatid na naman ako ni akla, napaka swerte ko talaga sa babaeng may tuyo na ito.

Pagkarating ko sa building ay kanya-kanya batian kaming mga empleyado.

Pagkarating ko sa floor ng opisina ni boss ay agad akong tumungo sa opisina niya at kumatok ng mahina bago binuksan ang pinto.

At sa pagbukas ko nasilayan ko agad si Debel.. este si Angel the Marietot the Debel. Pero hindi ko siya pinansin hindi kami close.

"Morning boss, dinalhan pala kita ng almusal." Saad ko at inilapag ang tupperware na dala ko.

"So you are not just a secretary lang pala? Yaya ka narin?" Mataray na tanong ni Marietot.

"Yaya? Ang yaya ay ang tinatawag na babysitter, hindi naman baby si boss. Baka ibig mong sabihin ay Chef?" Nakangisi kong tanong sa kanya na ikinairap niya.

"What is this Miss Faustino?" Tanong ni sir at inilapit sa kanya ang tupperware.

"Kanin at kare kare po boss," sagot ko.

"What???? Kare kare? Do you know that Earth is allergic to peanuts?" Tanong na naman ni Marietot na nag aalburuto.

"Yes alam ko!" Umirap ako. "And fyi my kare-kare don't have mani!"

Tinitigan ako nito na parang nanghahamon ng away.

Aba te, huwag ako. Baka pulutin ka sa kangkungan

"But why does it smells so good Ms. Faustino?" Tanong ni boss kaya binaling ko sa kanya ang paningin ko.

"Instead of peanut butter I used almond butter. And its more delicious," saad ko.

"Hmmm so bakit mo ako nilutuan?" Takang tanong niya.

"Baka kasi hindi na naman kayo nag almusal." Sagot ko at ngumiti.

"Oh, well thanks for that." Sagot niya at tumayo papuntang mini kitchen niya at kumuha ng mga plato at kutsara good for two.

"Eat with me." Saad nito at inabot sa akin ang plato kasama ang kutsara at tinidor.

"What about me Earth?" Maktol ni Marietot.

"Good for two lang ang niluto ko, ibig sabihin para sa amin lang ni boss. May cafeteria naman sa baba Ms. Marie doon ka nalang kumain." Saad ko at ngumisi kaya inirapan ako ng bruha.

Nag umpisa na kaming kumain ni boss na para bang wala kaming ibang kasama kaya padabog itong lumabas.

"Boss bakit hindi mo inayang kumain 'yun?" Tanong ko.

"I don't like eating with a brat, I can still remember dati kumain sa isang karinderya. Ininsulto ba naman ang pagkain eh masarap naman," saad niya.

"Ayy ang mga ganyang uri ng tao dapat ginugutom." Saad ko at sumubo... ng kanin at ulam.

Oh! Baka kung anu-ano ang iniisip niyong sinubo ko ha!! Utak niyo pawalisan niyo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil hindi na sumagot si boss. Abala sa paglamon eh.

"Thanks for the food Ms. Faustino nabusog ako, and ang sarap mo palang magluto." Saad niya at nag approve sign pa.

Sabi sa inyo eh, magaling akong magluto.

"Walang anuman boss." Sagot ko at nagpresinta na ako na ang magligpit.

Pagkatapos kong magligpit ay ang trabaho ko naman ang inasikaso ko.

Ang daming meetings si Boss ngayon at kadalasan mga kilalang businessman pa ang kameeting niya.

"What's next in my schedule?" Tanong ni Boss pagkatapos ng meeting niya with Mr. Agustino.

"Wala na po Boss, lunch break na kasi." Sagot ko habang nakatingin sa relo ko.

"Okay then let's have some lunch. I know some nice italian resto here," turan niya.

Wew may pa lunch together si Boss. Pero mas maganda sana kung lunch date hehe.

Pagkasabi niya noon ay agad siyang nagpatiuna sa paglalakad kaya syempre sumunod agad ako. Alangan namn magpaiwan ako diba?

May sariling driver si Boss. Forda tamad ang Ferson.

Medyo malapit lang pala ang restaurant kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami.

Pwede lang palang maglakad sumakay pa.

Nang makarating kami at makapasok ay agad kaming sinalubong ng isang lady crew. Inirapan pa ako nito bago ibaling ang tingin kay Boss.

Aba may pa irap ka pa ha. Tignan natin kung makairap kapa sa gagawin ko.

Agad kong inilingkis ang kamay ko sa braso ni Boss. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Boss ganun din sa babaeng parang butterfly na iyakin.

"Labidabs dito ba tayo kakain? Parang hindi ko feel, ang pangit ng crew eh." Saad ko at tinignan si Boss.

Akmang kukuntra siya kaya pinangdilatan ko siya ng tingin. Tapang ko diba? Charr ambisyosa lang.

"What are you doing Ms. Faustino?" Mahinang bulong niya.

Hindi ako sumagot sa halip ay hinila ko siya palabas.

Kahihiyan jpeg.

"What is running on that freaking brain of yours Ms. Faustino?" May bahid ng galit sa boses niya.

Dahil sa kahihiyan ay yumuko nalang ako.

"Answer me!" Medyo pasigaw na saad niya.

"E-eh kasi Boss inirapan ako nung babaeng butterfly na iyakin eh." Sagot ko at itiniklop ulit ang bibig.

"And why did you call me labidabs?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko rin po alam," nahihiya ko paring sagot.

"I already reserve a table there alam mo ba yun? Pero dahil lang sa inirapan ka ng service crew magkukunwari kang girlfriend ko?" Sarkastikong tanong niya.

"Sorry na po Boss uwu." Saad ko at ginaya pa ang sign na nakikita ko sa tiktok.

"Crazy woman." Tanging sagot niya at naglakad palayo sa akin.

Eyang uwu Faustino

MY SECRETARY IS MY BOSS (Buenafe Siblings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon