EYANG
"San punta?" Tanong ng kaibigan kong si Zane.
"To the moon, road trip broom broom," pamimilosopo ko.
"Wala ka talagang kwentang kausap Eyang, kahit kailan." Saad nito at umirap.
"Kahit kailan, hinding hindi kita iiwan~" pagkanta ko.
"Seryoso ako Eyang. Saan ka ba kasi pupunta?"
"Maghahanap ng trabaho. Simula nung mamatay sila mama at papa naging palamunin niyo na ako eh," nahihiya kong sambit.
"Magtratrabaho kana? Talaga?"
"Oo, kasi naman matagal tagal narin akong naging palamunin ng mga magulang mo. Oras na siguro para magpursigi ako para sa sarili ko," saad ko.
"Sasamahan kita akla," saad niya.
"Huwag na akla, gusto kong matutong maging independent," paliwanag ko.
"Okay sige, sabi mo eh. Pero umuwi ka mamaya ha, sasabihan ko si mama na magluto." Saad niya at niyakap ako. "Goodluck akla, alam kong kaya mo yan lakas ng karisma mo eh."
"Salamat akla, sa lahat." Saad ko at humiwalay sa yakap niya. "Alis na ako ha,"
Tumango siya kaya lumabas na ako ng bahay. This is it, kaya mo to Eyang tandaan mo, ikaw si Eyang walang inaatrasan.
BUENAFE GROUP OF COMPANIES. Pagbasa ko sa isang napakalaki at napakataas na building na nasa harap ko. Nabasa ko sa internet na naghahanap daw sila ng Secretary kaya naisipan kong dito mag apply.
Pumasok na ako sa loob.
"Good morning po Ma'am, ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng guard.
"Ah manong guard mag aapply po sana ako," magalang na saad ko.
"Ganun po ba Ma'am? Sige po pakiiwan nalang po ng ID niyo,"
Iniwan ko naman sa kanya ang ID ko. Buti nalang maganda ako dun baka kasi ipanakot niya iyon sa mga daga na nasa storage room eh.
Nagtanong ako sa information desk kung saan ang floor ng office of the CEO nila. Mismong CEO daw kasi ang nag iinterview. Sana gwapo, sana hindi matanda heheheh.
Pagkapasok ko sa elevator ay may nakasabay akong dalawang babae na naka uniform, panigurado empleyado ang mga ito dito.
"Nasisanti na naman daw yung baguhan kahapon,"
"Harot eh. Ayaw pa naman ni Sir ng ganun,"
"Sinabi mo pa,"
Hindi ako chismosa ha, pero kasalanan ko ba kung narinig ko? Lakas ng pandinig ko eh.
Tsaka ano daw? Nasisanti? Landi? Hala hindi kaya bakla ang CEO dito?
Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako. Grabe ang gara ng hallway ha. May awarding mamaya? Naka red carpet eh.
Naglakad lakad pa ako hanggang sa narating ko ang Final Destination ko.
OFFICE OF THE CEO pagkabasa ko sa nakasulat sa pinto.
Kumatok ako ng ilang ulit hanggang sa bumukas na ang pinto.
"Good morning sir, I am Angelica Faustino but you can call me Eyang," pagpapakilala ko.
"I didn't ask," sagot nito.
Hala? Suplado naman nito. Pero infairness gwapo, ang ganda ng shape ng mukha, ang kapal ng mga kilay na animo ay magsasabong na, ang tangos ng ilong shutaccaaa, yung lips gagiiii sarap laplapin este halikan. Grabe kanin nalang ang kulang.
BINABASA MO ANG
MY SECRETARY IS MY BOSS (Buenafe Siblings Series 2)
Roman d'amourEyang Faustino, Isang College Cum Laude Graduate ng kursong Business Ad. Maagang naulila sa mga magulang dahil sa pagkadamay ng mga ito sa isang aksidente. Pero dahil sa likas na mabait kahit na may sapak ay kinupkop siya ng magulang ng kanyang mat...