CHAPTER 5- Competition

111 14 4
                                    

EYANG

Kahit na nahihiya dahil sa katangahang ginawa ko kahapon ay kailangan kong pumasok.

Medyo na late pa nga ako dahil nagtatalo ay Cerebrum at Cerebellum ko kung papasok ako o hindi eh.

Pagkarating ko sa building ay dire-diretso ang pasok ko hanggang sa hindi ko namalayan nasa floor na pala ako ng office ni boss.

Inhale, Exhale

Siyanga pala guys may dala na naman akong ulam at kanin para kay Boss. Baka kasi hindi na naman nag almusal eh, kung nag almusal man edi pang lunch nalang.

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok na nakayuko.

"Morning Boss," bati ko.

"And what is that again?" Hindi ko napansin nandito pala ang babaetang ito.

Tinignan ko naman siya at nginisihan tyaka ko lang napansin may dala rin pala itong mga pagkain. Mukhang mamahalin pa kasi parang galing sa kilalang Restaurant. Pero syempre hindi magpapasindak itong adobo ko.

"Ito? Ito ay isang homemade adobo," sagot ko.

"Unhealthy," tanging sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa mini kitchen ni Boss. Sa totoo lang kasi ay nahihiya ako sa ginawa ko kahapon. Inilagay ko na sa pinggan ang ulam na dala ko pati na rin ang kanin at bumalik na sa kanila.

Habang si Boss naman ay parang wala lang nakikitang kasama niya sa loob ng opisina busy kasi ito sa kakadutdot sa laptop niya.

"Boss kain ka po muna." Nahihiyang saad ko habang nilalapag sa harap niya ang pagkaing dala ko.

Muntik pa itong matapon dahil tinabig ito ni Marietot kaya masama ko siyang tinignan.

"Ano na naman problema mo?" Tanong ko.

"Earth won't it that, he will it this." Sagot niya sabay pakita ng pagkaing dala niya.

Vegetable salad pala ang dala nitong babaetang ito.

"Ano si Boss kambing?" Natatawang saad ko kaya napatingin sa akin si Boss. Bigla naman akong natahimik nang tignan niya ako.

"Well this is healthy than that adobo you brought." Sagot niya at ipinakita ang hawak niyang tupperware.

"Ang aga aga nagbabangayan kayong dalawa," walang modong sagot ni Boss.

"Ito kasi eh..."

"This girl kasi eh..."

Halos sabay naming sambit ni Marietot.

"Marie why did you bring so many foods here ba? Ano ako bibitayin?" Sa sinabing iyon ni Boss ay nagpigil ako ng tawa.

May point naman kasi siya, halos yata lahat ng nasa menu sa Restaurant ay binili ng babaeng ito eh.

"Ofcourse not. I just want to bring foods for you, a healthy ones. Hindi yung puro cholesterol." Saad niya at pinasiringan pa ng tingin ang adobo kong dala.

"Well you can bring food naman. Pero hindi ganito karami, it looks like you are insulting me. Anong akala mo? Wala kaming pagkain sa bahay? Baka nakakalimutan mong mas mayaman kami kaysa sa inyo," sa pagiging straight forward magsalita ni Boss ay natameme si Marietot.

Oh ano ka ngayon ate gurl??

"Earth it's not what you think. I just want you to eat healthy foods," pagmamaktol ni Marietot.

Hindi na siya sinagot ni Boss sa halip ay naghilot nalang ito ng sintido. Ang aga aga iniistress ng putakteng ito ang Boss ko.

Mabugaw nga.

Tinakpan ko muna ang pagkaing dala ko gamit ang pangtakip sa pagkain na nakuha ko sa mini kitchen ni Boss at kinuha ang feather duster na nasa gilid.

Nag umpisa akong maglinis kunwari,

Inpeyrness walang alikabok ha.
Pero dahil likas na maarti ang putakteng nandito ay nag reklamo ito.

"What the f*ck are you doing id.."

"Sige ituloy mo yang huli mong sasabihin at ihahampas ko sa pagmumukha mo ang hawak ko. And fyi hindi ako idi*t, ano ako ikaw?" Matapang na saad ko habang nakaambang papaluin siya ng feather duster.

Parang wala lang eksenang nagaganap sa opisina ni Boss dahil wala sa amin ang atensyon niya.

"Earth help me!!" Malditang utos nito kay Boss.

Tinignan naman siya ni Boss. "And who are you to command me?" Tanging saad nito at ibinalik sa ginagawa ang atensyon.

Dahil sa ginawa ni Boss ay napangisi ako. Talagang napaka straight forward nito at walang pakialam kahit kanino.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa nainis na siguro si Marietot kaya padabog itong lumayas.

"At sa wakas lumayas din ang putakte," saad ko sa sarili ko.

"And you think natuwa ako sa ginawa mo?"

Napalingon agad ako kay Boss dahil sa narinig ko.

Naalala ko na naman ang ginawa ko kahapon kaya napayuko na naman ako.

"Bakit ka yumuyuko? Nakaramdam ka na ba ng hiya dahil sa pinaggagawa mo?" Supladong tanong nito.

"Sorry po Boss," tanging nasabi ko.

"You are just my Secretary Ms. Faustino, always remember that." Tanging saad niya at lumabas ng opisina niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Well he is right, I am just his Secretary.

"Shungala ka talaga Eyang. Ipapahamak mo pa ang trabaho mo dahil sa kagagahan mo," saad ko.

Tinampal ko ang sarili kong noo at umupo sa sofa na nandito sa loob ng Opisina ni Boss.

Biglang pumasok si Boss kaya napatayo ako ng wala sa oras. Kasunod niya palang pumasok si Oliver ang isa sa empleyado din dito.

"Come with Oliver and bring that foods to the Finance Department," utos niya at tinutukoy ang mga pagkaing dala ni Marietot.

Kaya siguro siya lumabas para pumunta sa Finance Department.

Shana huls nalang Boss.

Wala na akong sinabi pa at tumango nalang. Agad kong tinulungan si Oliver na dalhin ang mga pagkain sa department nila.

Parang may party tuloy sa Finance Department dahil sa mga pagkaing dala ni Marietot.

Nang matapos ko ng asikasuhin ang mga nasa Finance Department ay bumalik na ako sa office ni Boss.

Pagkapasok ko ay siya agad ang napansin ko. Pasimpleng kumakain ng pagkaing dala ko. Pero isina-walang bahala ko nalang iyon at dumiretso sa table ko.

"Hindi ka kakain?" Napalingon ako sa kanya ng tanungin niya ako.

Agad akong umiling. "Nag almusal na po ako Boss. At isa pa dinala ko po talaga iyan para sa inyo. Hilig niyong hindi mag almusal na sa bahay niyo eh," saad ko.

Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa, sa halip ay nagpatuloy nalang sa pagkain.

Angel Marie D. Putakte

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY SECRETARY IS MY BOSS (Buenafe Siblings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon