Chapter 4 {R-18}

1.2K 17 2
                                    

HABANG nasa loob ng malaking kahon si Lisa Mary ay taimtim siyang nagdadasal na sana'y makayanan niya mamaya ang gagawin niya, naalala niya pa ang sinabi ni Madam Chinlay bago siya pumasok sa loob ng malaking box.

"Kailangan hindi ka niya palabasin, gawin mo lahat para sumiping siya sa iyo o maaliw mo siya, dahil wala kang makukuha kung papalabasin ka niya," seryosong sabi nito sa kanya sabay abot ng pares na costume na susuotin niya.

Inabot niya naman iyon, mas okay naman ng kaunti itong susuotin niya kaysa sa kanina. Kulay pula na pares ang binigay na damit na susuotin niya, parang pang-belly dancing. Bra ang nasa itaas na at maikling palda ang pang-ibaba na may dala ng maikling short kaya mas okay na ito kaysa kanina.

"Pwede po ba magtanong, bakit po nasabi niyong papalabasin niya ako? Hindi po ba't nagpunta siya rito para maghanap ng aliw?" hindi makatiis na tanong niya.

Bumuntonghininga ang babae. "Ang alam ko kasi ay, hindi alam ng kaibigan ni Bossing about rito at narinig kong hindi mahilig sa babae ang kaibigan nitong may birthday ngayon, namatayan kasi ng asawa at mukhang mahal na mahal ng lalaki ang asawa nito kaya ayaw niya makipagsiping sa ibang babae kahit pa matagal nang patay na ang asawa nito. Ngunit mukhang gusto lang naman ng boss kong sumaya ang kaibigan niya kahit ngayon gabi lang kaya gumastos siya para rito," mahabang paliwanag ng Ginang.

"Ganun po ba? Kawawa naman pala siya," malungkot na aniya.

Kung ganun ay baka may edad na ang customer niya. Ngunit wala na siyang karapatan mag-inarte ngayon.

"Basta gawin mo lahat para huwag ka niya palabasin, naintindihan mo pa, make him, happy dahil sabi ni Boss, may bunos raw tayo if sumaya kaibigan niya," dagdag nito.

Kaagad naman siyang tumango kahit pa hindi siya sigurado kung makakaya ba niya gawin iyon.

"Good, magbihis ka na at mamaya lang ay darating na ang sundo mo," giit ng Ginang at tinalikuran siya.

Mabilis niya naman itong sinunod at mamaya nga ay dumating ang dalawang malaking mama na may dalang malaking box at iutusan siyang pumasok roon. Hindi niya maiwasang napangiwi paramg pamilyar ang ganitong eksena a, napanood na niya ito sa tv ka ilang beses na, hindi niya alam na mararansan niya ngayon.

NAPABALIK si Lisa Mary sa kanyang katawang lupa ng makarinig siya ng kalaskas mula sa labas. Napa-sign of the cross siya sa kaba. Sana lang hindi nanakit ang lalaki.

"Jusko, kayo na bahala sa akin," nakapikit na bulong niya.

Nakatayo siya habang nakaposing, magkasing taas kasi sila ng box kaya hindi na niya kailangan maupo o yumuko. Napamulat ang mga mata niya nng maramdaman niya ang sinag ng ilaw na nagmumula sa may labas. Madilim kasi kinakaroonan niya, mukhang pinatay ng lalaki ang ilaw.

"I'm not interested to have sex with you tonight or another day, but don't worry l will pay you just do what l say," seryosong sabi ng tinig.

Napakurap-kurap siya, mukhang totoo nga ang sinasabi ni madam Chinlay.

"P-palabasin niyo po ba ako, sir?" kabadong tanong niya.

Hindi pwede! Masasayang ang effort at lakas niyang pumunta rito saka sayang iyong 1 million kung hindi niya makukuha, malaking tulong iyon sa kanya lalo na sa pagamot niya sa kanyang ina.

Riot Men Series #15: Doctor Calvin's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon