Chapter 8

696 13 0
                                    

TATLONG araw na ang nakakalipas at sa wakas ay maayos na ang pakiramdam niya dahil okay na ang tahi niya. Pinayagan na nga siyang lumabas kaya't heto siya ngayon, tinatahak ang daan papunta sa ospital room ng kanyang ina. Oo dito rin naka-admit ang kanyang ina. Ngunit hindi nito alam na ospital rin siya, sinabihan niya si Jacqueline na huwag ipaalam dahil ayaw niyang mag-alala ina niya at magtanong ito. 

Kapag kasi magtanong ito paniguradong hindi siya makakapagsinungaling at kapag malaman nito ang ginawa niya at ito ang naging resulta baka magalit pa iyon at hindi na lang magpapa-opera dahil nga ito inabot niya para lang makaipon ng pera para rito. Bumuntonghininga siya at napatitig sa may pinto ng ospital room ng kanyang ina. 

"Kinakabahan ka ba?" basag ni Jacqueline sa katahimikan.

Napatingin siya sa kaibigan nasa likuran niya, marahan siyang tumango.

"Oo 'e, baka maiyak ako kapag makita ko siya, alam mo naman na hindi kami nagkakahiwalay ni mama ng matagal at hindi ako nagsisinungaling sa kanya," mahinang aniya.

"Sabagay pero, day. Ginawa mo lang naman iyon para din sa kanya kaya't huwag ka nang malungkot at ma-guilty diyan," pag-aalo ni Jacqueline sa kanya.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Salamat, day, 'a."

Ngumiti lang ito. Binuksan na niya ang pinto at tumambad sa kanya ang kanyang ina na nakatalikod mula sa gawi niya. Nakatingin ito sa labas, tila ba may malalim na iniisip. 

"Ma…" tawag niya sa atensiyon ng Ginang. Muntik na siya mapiyok kasi namiss niya ito kahit pa limang araw ata mula nang hindi sila nagkita.

Lumingon kaagad ito sa gawi niya at nang makita siya nito ay napakurap-kurap ang Ginang at namula ang mga mata nito.

"Lisa Mary? Anak ko, ikaw ba talaga iyan?" maluha-luhang tanong nito at akmang baba sa may kama.

Tinakbo niya ang pagitan nila ng Ginang at kaagad na hinawakan ang kamay nito. Parang gusto niyang maiyak nang makita niyang namumutla ito at pumayat.

"Ako nga, 'ma. Pasensya ka na kung matagal ako nawala pero huwag ka pong mag-alala hindi na po ako aalis sa tabi mo, 'ma," madamdaming pahayag niya at dinala ang kamay ng Ginang sa kanyang mga labi at hinagkan iyon. 

Hinaplos naman ng Ginang ang kanyang buhok.

"Mabuti at ayos ka lang, kumain ka na ba?" mayamaya ay tanong nito.

Ngumiti siya. "Tapos na, 'ma. Oo pala may maganda hu, akong balita."

Nakita niyang napatitig sa kanya ang kanyang mama. 

"Ano iyon, anak?" tanong nito.

"Dumating na daw iyong doctor na mag-oopera sa inyo galing states at guess what, 'ma, may pera na din hu akong pambayad sa operasyon ninyo," nakangiting turan niya habang nakatitig sa mukha ng Ginang.

"Saan ka kumuha ng pera anak?" tanong nito sa kanya.

Napalunok siya. "Hindi na iyon mahalaga, 'ma, ang imporante ma-ooperahan na hu kayo."

"Hindi mo naman siguro ibeninta ang hindi dapat ibenta, hindi ba, Mary?" seryosong tanong ng mama niya.

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito, ang kanyang puri. Dalagang pilipina kasi ang kanyang mama at mahigpit na habilin nito sa kanya na huwag na huwag niyang ibibigay ang kanyang puri sa kung sino lang at higit na huwag niya iyon ibinta. Ngunit ano magagawa niya? Kung buhay naman nito ang nakataya? Wala siyang choice kundi baliin ang sariling paniniwala ganun rin ng kanyang ina, kumbanga, values vs practicality. 

Riot Men Series #15: Doctor Calvin's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon