Chapter 6

795 10 1
                                    

NAGISING si Lisa Mary dahil naiihi siya kaya't pagkamulat niya sa kanyang mga mata ay kaagad siyang bumalikwas ng bangon at napangiwi siya nang pagkatayo niya ay biglang kumirot ang kanyang hita. Hinila niya ang kumot dahil hubo't-hubad siya dahil ayon sa sahig ang mga damit niya gutay-gutay. Napatigil ang kanyang paghininga nang mahagip ng kanyang mga mata ang lalaking nakadapa ngayon sa kama. Kitang-kita niya ang tattoo nitong leon and owl na sumakop sa kabuuan ng likuran nito. Nasa ibabaw ang lion habang nasa ibaba naman ang owl. Napalunok siya, dati ay nandidiri siya sa lalaking may tattoo kasi para sa kanya marumi iyon pero nang makita niya ang tattoo ni King ay hindi pandidiri ang nadarama niya kundi paghanga. Bagay na bagay kasi sa sexy na likod nito ang tattoo. Para ngang dumagdag pa iyon sa sex appeal ng gwapong binata. 

"Shit! Parang gusto ko siyang gahasain," mahinang aniya. 

"Ay! Ano ka ba self, ang manyak muna!" bulalas niya at tinampal ang kanyang bibig at umiling-iling. 

"Teka, iihi pala ako," aniya mayamaya at paika-ikang lumakad papasok sa banyo. 

Nang nasa loob na siya ay inalis na niya ang kumot sa kanyang katawan at umupo sa inodoro para umihi at napangiwi siya nang madama siya ng kirot at hapdi habang umiihi siya. Nang makatapos na siya ay tumayo siya at nagulat siya nang makitang may kasamang dugo ang ihi niya at hindi lang patak iyon 'a. Bigla siyang kinabahan, mabilis na dinampot niya ang kumot at lumabas sa banyo at pagkalabas niya ay kaagad niyang dinampot ang bra niya at sinuot.

"Anak ng tinapay naman, oo! Sira na panty ko! Paano na??" naiiyak na wika niya habang hawak-hawak ang panty niyang warak na. 

Napatigil siya sa pagdradrama nang makita niya ang boxer ng lalaki, kaagad niya iyong dinampot at sinuot, buti na lamang at may sintas iyon kaya na adjust niya at kumasya sa kanya. Sinuot niya din ang polo ng lalaki, nang makatapos na siyang makabihis ay lumingon siya sa gawi ng lalaki nakadapa pa rin sa kama at mahimbing ang tulog. 

"Mukhang hanggang dito na lang, papa pogi, kailangan ko na umalis–" Nabitin sa eri ang iba pa niyang sasabihin ng mahagip ng mga mata niya ang brief ng lalaki na kulay blue nasa may paanan ng kama. Wala sa sariling humakbang siya palapit roon at dinampot ang brief nito.

"Akin na lang ito, remembrance, hihihi," parang baliw na aniya at tinupi ang XL na brief at inilagay sa may bulsa ng boxer. Tumingin siya sa gawi ng lalaking tulog pa din, parang gusto niyang bumalik sa kama at yakapin ito pero hindi pwede tapos na ang kanyang papel sa buhay nito kaya kailangan na niya umalis ngayon. Labag man sa kanyang loob ay humakbang na siya patungo sa may pinto para lumabas sa kwartong iyon. 

Maingat na sinira niya ang pinto pagkalingon niya ay muntik na siyang mapatalon nang makita niya ang mukha ni Madam Chilay. 

"Oh, saan ka pupunta?" magkasalubong ang dalawang kilay nitong tanong sa kanya.

"Uuwi na hu, tulog na po si sir, hindi po ba't kapag umaga na tapos na iyong trabaho ko," rason niya.

Tinignan siya ng babae mula paa hanggag ulo at tumago-tango ito.

"Magaling-magaling, hindi ka niya pinalabas at na knock down mo pa. Paniguradong matutuwa si bossing kapag malaman niyang nag-enjoy ang kaibigan niya," malapad ang ngiting giit ng Ginang at may kinuha ito sa may maliit na bag nito.

"Oh, heto iyong parte mo." Inabot nito sa kanya ang isang tseke. Kinuha naman niya iyon at halos maluwa mata niya sa nakita.

"Bakit po dalawa?" tanong niya.

"Sabi ko naman sa iyo diba, kapag natuwa ang boss ko at hindi ka pinalabas ng kaibigan nitong allergy sa babae ay may dagdag ang sahod mo, kaya ayan," nakangising sabi ng Ginang.

Riot Men Series #15: Doctor Calvin's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon