Chapter 1

846 12 0
                                    

PRESENT TIME…

NAPATINGIN si Lisa Mary sa pintuan nang marinig niyang may kumatok, buntonghininga siya at tumayo mula sa kinakaupuan niyang kama at tumungo sa may pinto.

“Oh, ikaw pala, Jacqueline, ano ginagawa mo rito?” tanong niya at nilagay sa dibdib ang mga braso.

Sumimangot ang kaibigan niya at tinulak siya para makapasok ito sa kanyang silid, napa-irap na lamang siya sa kawalan sa inasta ng kaibigan.

“Seryoso ka ba talaga sa plano mo?”

Napatingin siya sa kaibigan na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama habang nakatingin ng seryoso sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumungo sa gilid ng kama at inayos na ang mga kailangan niyang gamitin mamaya.

“Hoy, bruha tinatanong kita, huwag mo nga ako talikuran!”

Lumingon siya sa gawi ng kaibigan. “Huwag ka ngang makulit, hindi ba’t napag-usapan na natin ito—”

“Oh, come on, Mary, alam kong hindi mo gustong gawin ito—”

“Hindi ko nga gusto pero ito lamang ang paraan para mailigtas ko buhay ng nanay ko—”

“Kahit pa ang pinaka-ingat-ingatan mo ang kapalit?” tanong ng kaibigan at tumayo pa talaga ito at lumapit sa kanya.

Natahimik siya, ini-ingatan nga niya ang kanyang puri, naniniwala siyang dapat lamang itong ibigay sa lalaking papakasalan niya at makakasama niya habang buhay pero mas mahalaga pa rin sa kanya ang buhay ng kanyang ina.

“Come on, friend, huwag ka magpadalos-dalos hahanap tayo ng ibang option—”

“Wala nang oras, Lyn, kailagan na ng Mama, mag-undergo ng operation upang huwag na kumalat ang cancer cells sa katawan niya bago pa mahuli ang lahat.” Yumuko siya at nilagay ang kamay sa kanyang mukha upang maitago ang kanyang luha.

Narinig niyang napabuntonghininga si Jacqueline. “I’m sorry, wala man lang ako maibigay sa iyo—”

Inangat niya ang kanyang mukha at inabot ang kamay ng kaibigan kaya napatigil ito sa pagsasalita. “Huwag ka mag-sorry hindi mo kasalanan kung ano man nangyari, basta supportahan mo na lang ako sa gagawin ko.”

Ngumiwi ang kaibigan niya. “Pero sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa gagawin mo?”

Natawa siya. “Oo naman, hindi naman ako magnanakaw ‘a, magbebenta lang ako ng aliw at katawan—”

“Naku! Baka naman tumakbo ka kapag nariyan ka na sa sitwasyon, hindi ba’t wala kang naging boyfriend? Paano mo maakit ang customer mo ngayon ‘e wala kang karanasan, idagdag mo pa takot sa lalaki.”

“Te, para saan pa ang pagiging erotic-romance writer ko kung hindi ko lang rin magagamit.” Ngumisi siya.

“Naku, naku, iba naman iyong sinusulat mo lang sa actual na—”

“Ah basta maayos ko performance ko at kikita ako ng malaki para pambayad ako sa hospital bills ng Mama.”

Tumaas kilay ng kaibigan niya. “Anong performance naman iyan aber?”

Ngumisi siya. “Mag-sexy dance ako para maaliw ko iyong customer ko—”

“Eh? Bakit alam mo kung paano?”

“Nag-practice ako, bruha! Simpre hindi ako pupunta sa bakbakan na wala akong armas no, saka pati kung paano magpaligaya ng lalaki ay nag-practice rin ako.”

Tumaas ang kilay ng kaibigan niya. “What do you mean? At kanino ka naman ng practice?”

Napakamot siya sa kanyang batok. “Ikaw pala inosente sa ating dalawa ‘e! Simpre nanood ako ng p*rn saka iyong lollipop ginamit ko sa pag-practice kung paano sumubo at—”

Riot Men Series #15: Doctor Calvin's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon