Chapter 2

749 12 0
                                    

CALVIN decided to go to his mother's house. Mas mabuting kung magpapaalam siya sa kanyang ina kaysa umalis siyang wala man lang itong alam. Nasulyap siya sa kanyang cellphone nang marinig niyang ng vibrate iyon. Napakunot ang noo niya nang makita niya ang pangalan ng kaibigan niyang si Betino Reid o mas kilalang baks, isang psychiatrist at businessman. Nakilala niya ang lalaki noong mga panahong, he and his mother needed a medical care. Lalo na ang mama niya, labis nitong dinamdam ang nangyari sa kanyang ama, idagdag pa ang pagkasira ng kanilang pangalan sa kanilang bayan dahil sa mga maling bintang ng mga kaaway ng Daddy niya. Labis rin siya noong nawasak pero nagpakatatag siya para sa mama niya at hindi siya papayag na mamatay siyang walang kasama, isasama niya sa imperyo ang mga demonyong sumira sa buhay nila.

"Your mother told me, to tell you narito siya," basa niya sa mensahe ni Betino o baks.

Mabilis na niliko niya ang sasakyan papunta sa direksiyon kung saan ang clinic ng kaibigan. Hindi niya maiwasang mag-alala, dahil baka may dinaramdam na naman ang kanyang ina kaya ito nagpakonsulta. Ilang saglit pa ay tanaw na niya ang kanyang inang nakaupo sa may malapad na sofa sa loob ng klinika ng kaibigan niya.

"'Ma, what happened? Are you okay?" nag-alalang salubong kaagad niya sa ina.

Mukhang nagulat ito nang makita siya dahil nanlaki ang mga mata nito, mamaya pa ay natawa ito ng mahina.

"Nothing, alam ko naman kasi hindi ka pupunta kapag pinatawag kita kung hindi importante kaya't pinakiusapan ko itong kaibigan mo."

Napailing siya at binalingan ang kaibigang nakadekwatro sa may selya nito. "What?" natatawang tanong nito.

Bumuntonghininga siya. "Nagsasabi ba siya ng totoo?" seryosong tanong niya sa kaibigan.

Umayos ito ng tayo. "Yeah. Mabuti-buti na ang kalusugan ni Tita pero i recommend na ilabas mo siya o 'di kaya hanapan mo siya ng pwede niyang kawilihan–"

"Bakit kasi, hindi ka pa mag-asawa uli anak, para naman magka-apo na ako at may kawilihan ako sa bahay, ang lungkot ng mansion natin, ang tahimik. Mas lalo lang ako mababaliw ron," singit ng kanyang ina.

Napatitig siya rito. Halata sa anyo nito ang kalungkutan, hindi naman siya pwedeng manatili palagi sa tabi nito dahil marami rin naman ang mga kakailanganin niya asikasuhin at ngayon nga magpapaalam siya rito.

"Calvin, anak nakikinig ka ba?"

Napakurap siya. "Yes, 'ma?"

"Ang sabi ko, maghanap ka ng mapapangasawa para naman may kagiliwan ka at ako, matanda na ako at gusto ko nang magka-apo–"

"'Ma, let's not talk about this please," pakiusap niya. Mula pa noong isang taon siya nito kinukulit tungkol sa bagay na iyon na lagi niya naman iniiwasan. Para sa kanya wala nang hihigit pa nasira niyang asawa, walang ibang babaeng mangmamay-ari sa puso niya kundi si Christina lang. Matagal nang namatay ang gana niya sa pag-ibig at sa mga babae, kasabay ng pagkawala ng pinakamamahal niyang si Christina.

"Anak, hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang makakita ng bagong pag-ibig at bumuo ng bagong pamilya, kalimutan mo na ang nakaraan–"

"Ihahatid na kita, 'ma," putol niya sa sinasabi ng kanyang ina. Nakita niyang napabuntonghininga ang Ginang at lalag ang balikat na nagpaalam kay Baks at naunang lumabas.

"Tsk, tsk, nagtampo tuloy si Tita," napapailing na komento ni Baks.

"Alis na ako, thank you sa pag-alaga sa mama ko," aniya at lumalad palabas.

"Walang ano man, call me if you need my help," seryosonh sabi ni Baks.

Tumango siya at mabilis ang mga hakbang na tinahak ang daan palabas.

***

PARANG gustong mag-back-out ni Lisa Mary nang makita niya ang susuotin niyang damit ay hindi na pala ito matatawag na damit kasi pati ata kaluluwa niya makikita na. Oo, dumating na siya nasa loob na nga siya ng dresser room 'e.

"Hindi, huwag tayo kabahan, kakayanin natin ito, self, para kay inay, para kay inay," pabulong na sabi niya sa sarili habang hawak-hawak ang kinulang sa telang costume nila. Ang pang-itaas ay crop top, kita pusod at lantad rin ang dibdib kasi v-neck at sa pang-ilalim ay naka-panty na lang na halos pwede na niyang matawag na t-back ang naturang panty kasi ang nipis ng tela lalo na sa bandang pwet kaya nga parang gusto niyang umuwi na lang pero narito na siya wala nang atrasan ito. Tatayo na siya sana para hubarin ang damit niya nang biglang pumasok ang babaeng tinatawag nilang Madam Chilay, ang siyang namamahala sa mga babae. Nakasabungot ang mukha nito at magkasalubong ang manipis na kilay nito na halatang kinuhit lang nito.

"Lintik na Aryana iyon! Ngayon pa talaga siya sinumpong ng pagkamaldita niya at basta na lang siya nag-back out sa pinag-usapan namin, malilintikan ako nito ni Bossing. Importante pa naman ang event na iyon mamaya–" Napatigil ito sa kakareklamo ng mahangip ng mga mata nito ang kinakatuyuan niya. Pinagmasdan siya nito mula paa hanggang ulo at bigla na lamang ito ngumisi kaya lumabas ang hindi magkakapantay na ngipin nito. Bigla siyang kinabahan lalo na nang bigla na lamang ito lumapit sa kinakaroonan niya.

"Aba'y, mukhang solve na ang problema ko 'a. Ano ang pangalan mo?" tanong nito.

Napalunok siya ng kanyang laway. "M-Mary po," utal na sagot niya.

Tumaas ang kilay nito. "Mary?"

Tumango siya. "Opo, Mary po."

"Virgin Mary ka pa ba, Mary?" direktang tanong nito. Nanlaki mga mata niya sa gulat dahil hindi niya inaasahang tatanungin siya nito ng ganung tanong.

"I see, huwag mo nang sagutan halata naman sa reaksyon mo," natatawang sabi nito.

"Bawal po ba rito ang birhen?" kabadong tanong niya.

Tumaas ang kilay ng babae. "Aba'y hindi, maganda nga kung birhen ka, malaki kikitain ko sa iyo at simpre malaki rin ang makukuha mo lalo na ngayon sa iaalok ko sa iyo," nakangising giit nito at nagsindi ng sigarilyo.

Nang marinig niya ang malaki kikitain ay bigla nawala ang hiya at kaba iya, halata na talagang mukhang pera siya, kailangan 'e.

"Ano po trabhong iaalok niyo?" intresadong tanong niya.

"Simple lang, kailangan mo lang aliwin ang bisita ng boss ko mamaya, sa private suit niya, simpre alam mo na ibig sabihin kapag sinabi kong aliwin, hindi na lamang ito basta sayaw-sayaw kundi kailangan mo rin makipagsiping sa kanya at gagawain mo ang mga gusto niya," paliwanang nito.

Natahimik siya, napaghandaan na nga niyang ang pangyayaring ito. "Pwede ko po bang malaman kung magkano ang makukuha ko?"

"1 million," maikling tugon nito.

Nanlaki naman mga mata niya. "1 million? Isang gabi?" hindi makapaniwala na tanong niya.

Natawa ng mahina ang matanda. "Oo, barya lang iyan sa kanila. So, paano papayag ka ba? At least rito iisahang lalaki lang ang sasayawan mo at mamakita ng birhen na katawan mo, besides, malaki-laki rin ang 1 million, it's worth it," giit ng babae at tinapon ang sigarilyo sa astray nasa maliit na lamesa.

"Sige po payag po ako," mabilis na sabi niya. Wala pakipot-kipot pa baka ang pera ay maging bato pa saka mas okay nga ito kaysa sa gagawin niya sana.

Ngumiti si madam Chilay. "Good, follow me," utos nito at nagpatiuna sa kanyang lumakad kaagad niyang binitiwan ang hawak na damit at sumunod sa babae.

Binibining Mary

Riot Men Series #15: Doctor Calvin's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon