Good Old Days by Eunice

258 6 8
                                    

45 years of marriage.. 

65 years of being together....

Pero I tell you, hindi nagbago ang pagmamahal namin sa isa't isa mula noon, hanggang ngayon. 

Hindi nga nagbabago...

pero mukhang hanggang ngayon na lang kami magkakasama..

~Take Me back to the place where we first met

Cause being lonely I haven't mastered yet

And these cigarettes won't do the trick tonight~

Dinala ko siya ngayon dito sa lugar kung saan kami unang nagkita, nagkakilala, at kung saan namin nasimulan ang sariling kuwento namin ng tunay na pag-ibig. 

Hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Ni hindi ko rin alam kung ano'ng iniisip niya ngayon. Tahimik lang kaming nakaupo sa isang bench, sa labas ng bahay. Malayo ang tingin niya, derecho lang. 

Gusto ko siyang kausapin, gusto kong paulit-ulit na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit ano'ng mangyari, hindi matatapos ang pagmamahal ko sa kanya.  

Ilang taon na ang naging witness sa pagmamahaln namin. Itong isang taon na ito pa ba ang sisira nun? 


~Take me back to the time of our puppy love
Cause growin up isn't what I was dreamin of
I'm dyin to find some innocence tonight~

Saktong tinugtog ng radio ang aming paboritong musika. 

Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. Inialok ko sa kanya upang pumayag siyang makipagsayaw sa'kin. Matagal-tagal na rin noong isinayaw ko siya.

Tinanggap naman niya ang aking kamay and she smiled.

With that, I smiled.

"Sino ka?" sabi ng batang nasa limang taong gulang lamang nang bigla na lang siyang alukin n isang batang lalaki na nasa kanya ring edad na makipagsayaw. Nasa isang party sila noon. Ang mga matatanda ay nagsisisayawan na at naiwan sa kanya-kanyang mesa ang mga bata.

"Anak nila ako." sabay turo ng batang lalaki sa mga magulang niya. "Ako si Ryan. Halika, sayaw rin tayo." 

With that, hindi alam ng batang babae kung tatanggapin ba niya ang alok ng batang lalaki, pero parang kusa na lang nagdesisyon ang kamay niya na hawakan ang kamay na nakalahad sa harapan niya ngayon.

 

~Cause our secret place
Is covered over in dust
I haven't seen your face for weeks~

 Magkayakap kami ngayon habang isinasayaw ko siya, sinasabayan namin ang musika. Dahan-dahang sumasayaw. Her head resting on my chest and I wonder if she could hear my heart beats? Nararamdaman ba niya ngayon kung gaano ko siya kamahal? 

SHORT STORIES BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon