MAGKAIBIGAN O MAGKA-IBIGAN? by Princes

353 1 3
                                    

This story is written by Princes Joyce Sulit :)

--

MAGKAIBIGAN O MAGKA-IBIGAN?


Si Paula, isang simpleng babae na nag-aaral sa Maranatha Christian Academy, ay kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging pala-kaibigan. Sa una ay mahiyain pero habang tumatagal ay lumalabas ang kakulitan. Hindi pa niya nararanasang umibig hanggang sa may nakita siyang poster ng isang organisasyon sa eskwelahan.

“Timothy Artist Guild? Mukhang masaya dito ah. Sasali ako.”

At naging miyembro na ng TAG si Paula. Sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng TAG, may laging nang-aasar kay Paula. At siya si Prince. Sa ilang sandali, napikon si Paula.

“Ano bang problema mo ha?! Kanina ka pa ah. Bakit ba lagi mo akong inaasar, ha??”

“E bakit ba?? Gusto ko e. Pakielam mo?”

Tuluyang nagalit si Paula at nakonsensya si Prince. Ilang beses na siyang humingi ng tawad pero ayaw pa din ni Paula. Pero isang araw, tila lumambot ang puso ni Paula at pinatawad niya si Prince. Di nagtagal, sila ay naging matalik na magkaibigan.

Araw ng Pasko, nagbigay sila ng regalo sa isa’t-isa. Ang regalo ni Prince kay Paula ay isang malaki at mamahaling stuff toy. Ito ay labis na ikinatuwa ni Paula. At nahanap niya ang kanyang sariling nahuhulog na kay Prince.

“Diyos ko! Bakit ba ganito na lang ang kasiyahang nararamdaman ko? Hindi pwedeng mahulog ang loob ko kay Prince. Kailangan pigilan ko ‘to hangga’t maaga pa. PAULA hindi pwedeng mahulog ang loob mo kay Prince. Hindi pwede, hindi pwede, hindi pwede!”

Sinubukang layuan, iwasan at kalimutan ni Paula si Prince ngunit si Prince ang lumalapit sa kanya. Kaya dumating ang araw na tuluyan ng nahulog si Paula sa kaibigan. Lalo pa silang naging malapit sa isa’t-isa. Sa tuwing magkasama ang dalawa, halos mangamatis ang mukha ni Paula sa kilig. Laging masaya at tawa ng tawa si Paula. Kapag naman walang pasok, tinatawagan ni Prince si Paula sa cellphone at maghapon-magdamag silang magkausap. Halos ibigay na ni Paula ang lahat-lahat kay Prince. Kung titignan, daig pa nila ang mag-syota.

Ngunit isang araw sa eskwelahan, ay nakita ni Paula si Prince na may kasamang babae. Kung titignan, napaka-sweet nila. Kaya kinabukasan, tinanong ni Paula si Prince.

“Best, sino ‘yung kasama mo kahapon?

“Ah. Si Leslie. Ang pinakamamahal kong si Leslie.”

Lubusan nasaktan si Paula ng marinig niya ito. At ito ang dahilan kung bakit magang-maga ang kanyang mga mata. Plano na niya sanang umamin kay Prince, kaya lang natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila. Kaya pinili na lang niyang tumahimik.

“Ngayon, alam ko na… hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa aking ni Prince… kailangan ko ng itigil ang kahibangan na ‘to…”

Pero dumating ang araw na para bang hindi na masaya si Prince kay Leslie. Lagi na niyang hinahanap-hanap si Paula.

“Bakit ba parang hindi ako panatag kay Leslie? At para bang hinahanap ko sa pagkatao niya si Paula? Miss ko na si Paula. Gusto ko lagi siyang kasama.”

At biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sa isang iglap, nahulog na din ang loob ni Prince kay Paula. At ito’y agad niyang inamin sa dalaga.

“Best, may sasabihin ako sa’yo. Huwag ka magagalit ha.”

“Bakit naman ako magagalit? Ano ba yon?”

“M-M-Mahal kita.”

“Ha? Prince hindi magandang biro yan ha.”

“Totoo! Mahal kita Pau. Seryoso ako.”

“…e paano si Leslie?”

“Si Leslie? Hindi ako naging masaya sa kanya. Sa’yo lang ako masaya at komportable, Paula. Maniwala ka.”

Hindi makapaniwala si Paula sa narinig niya. Kaya pinasya na din niyang umamin sa kaibigan.

“Prince may tatanong ako.”

“A-ano yun?”

“Di mo ba nararamdang mahal din kita?”

“Ha?”

“Oo. Tama ang narinig mo. Mahal din kita. Simula ng bigyan mo ko ng regalo nung Pasko. Simula nung naging mag-bestfriends tayo. Lagi akong masaya dahil sa’yo. Dapat sasabihin ko na sa’yo noon, kaya lang natatakot akong nang dahil lang doon ay masira ang pagkakaibigan natin. At sa totoo lang, nagselos talaga ako kay Leslie.”

Simula noon, lagi na silang magkasama. At dumating ang tamang panahon at tamang pagkakataon kay Prince para ligawan niya si Paula. Tama nga ang sabi nila. “Lumingon ka lang sa paligid mo. Magugulat ka na lang, katabi mo na pala ang totoong nagmamahal sa’yo.”

SHORT STORIES BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon