ALAALA NG PAGLALAKBAY by Pauii

374 1 0
                                    

This short story is written by Jeanne Pauline Gabriel :)

--

ALAALA NG PAGLALAKBAY

Isang napaka-abalang eskwelahan ang McBridge University. At sa kabila ng pagiging abala ng eskwelahan na ito meron paring mga estudyante na abala naman sa pag-gawa ng mga kalokohan. Ang barkadang kung tawagin ng mga estudyante na “bully” ay ang nangunguna sa paggawa ng ibat-ibang kalokohan at gulo.

“Tara EJ sa likod ng skul, celebrate tayo”, ang sabi ni Jefferson. Si Jefferson ang lider ng kanilang barkada na kinatatakutan ng mga ibang estudyante at ang nangunguna din sa pag-gawa ng kalokohan.

“Sige mamaya kita-kita na lang ang barkada”, sagot naman ni EJ.

“Siyempre kasama ako diyan”, ang bigla naming singit ni Trixie. Siya ang ex-girlfriend ni Jefferson.

Pagkatapos ng klase ay nagkita-kita naang magbabarkada sa likod ng skul. Hindi nila alam habang sila ay nagkakasiyahan ay meron ng nagmamasid sa kanila na isang estudyante. Nang matapos ang kasiyahan, naiwan nila ang mga bote ng alak at mga upos ng sigarilyo.

Kinabukasan pagpasok ni Jefferson sa klase at agad siyang pinatawag ng principal sa opisina nito.

“Nakikilala mo ba ang mga boteng ito?”, Panghihinalang tanong ng principal.  “May nakakita sa innyo sa likod ng paaralan na nag-iinuman, anong masasabi mo dito?” dugtong pa ng principal. Tahimik lang si Jefferson at hindi sumasagot. “Alam mo bang marami ka ng nagagawang kalokohan dito? Naalalamo pa yung ginawa mo nung isang lingo? Nang pindutin mo yung “fire alarm” at ang lahata ay nagtakbuhan palabas! Meron pa! Nang ikalat mo ang litrato ni Mr. Reyes  na iyong binaboy! At marami pang iba!” ang pagalit na dugtong ni Mr. Principal.

“Alam mo ban a pwede kang maexpel sa mga ginagawa mong kalokohan?!” hirit pa ng principal.

“Ano naman po ang gusto niyong gawin ko?” ang pabalang na sagot ni Jefferson.

Ang sagot naman ni Mr. Principal ay ” Bilang kaparusahan sa mga ginawa mo, kailangan mong sumali sa mga theater show ng ating paaralan, magcommunity service, sumama sa mga outreach program ng ating paaralan at dahil sa mahilig kang mg.cutting classes, kailangan mo ding magreport araw-araw dito sa aking office.”

“Grabe naman atang parusa yan!” pabulyaw ni Jefferson.

“Wala kang magagawa, kung ayaw mong maexpel,” sabi ng principal. Hindi na sumagot si Jefferson at umakmang aalis ng office. “makapag sisimula ka na ng iyong community service ngayon,” pahabol ng principal.

Walang nagawa si Jefferson at ginawa na lang ang lahat ng parusang binigay sa kanya. Kahit na puro pang-aasar ang ginagawa ng barkada niya sa kanya ay tinuloy niya pa din ang mga parusa.

At habang nakatambay ang barkada ni Jefferson. Napadaan sa harap nila si Jane. Si Jane ang babaeng napakasipag mag-aral, hindi man gaaning maporma at kung madalas ay tinatawag na “nerd”

Pero siya ang napakabait at kilala ng mga guro bilang isang matalinong estudyante.

“Hi freak!” “hahahaha” ang malakas na tawana ng barkadani Jefferson. Hindi ito pinansin ni Jane dahil ayaw niya ng nakikipag-away at gulo. Madalas man siyang pagtripan ng mga ito ay hindi na lang niya pinapansin. At sa kabila parin na mga panlalait na ginagawa ay meron pa rin siyang pagtingin kay Jefferson.

Sumapit ang sabado kung saan si Jane at ang mga kasama niya parating nagsasagawa ng outreach program. Kasama dito c Jefferson dahil sa kanyang kaparusahan. Ng papunta na sila sa pagsasagawaan ng outreach program, kapnsinpansin kay Jefferson ang pagiging tahimik dahil sa hindi niya masakyan ang mga gusting gawin ng mga kasama niya. Hindi nagbago ang kanyang “mood” hanggang sa makarating sila sa kanilang patutunguhan. Kaya ng umuwi sila ay sinubukan ni Jane na makipagkaibigan kay Jefferson. Inanyayahan ni Jane na sumali si Jefferson sa isang gawain sa simbahan. “magkakaroon ng pagdiriwang sa simbahan natin, gusto mo bang sumama?”

“kung gusto mong sumama ikaw na lang,” ang kakarampot na sagot ni Jefferson. Pero hindi pa rin sumuko si Jane, “alam mo minsan mas maganda na ikaw yung nagbibigay kaysa ikaw yung binibigyan, hindi ba’t Masaya na tunulong sda iba?” Hindi na sumagot si Jefferson at lumipat na lang ng upuan. Makikita kay Jane ang kaibiguan.

Pagkabalik nila sa eskwelahan ay meron pa silang kailangang gawin. Ito ay ang pagsasagawa ng theater show. Iyon din ang unang araw ng kanilang praktis kung saan; binigay sa kanila ang kanya-kanyang script. Makikita kay Jefferson na mukhang hindi niya magawang maisatao ang kanyang papel na gagampanan. Kaya pagkatapos ng kanilang praktyis ay nagpatulong siya sa kaibigan niyang si EJ. Ngunit sa ay hirap pa din dahil hindi sineseryoso ni EJ ang kanilang pagpapraktis. Kaya Lunes, pag-pasok ay nakita niya si Jane at sinubukang magpatulong. Pumuyag naman si jane, pero ng makasalubong ulit ni Jane ang barkada ni Jefferson ay pinagtawan na naman siya.

Uwian ng puntahan ni Jefferson si Jane sa auditorium kung saan palaging nagprapraktis sila nila ni Jane. Ngunit hiondi pinansin ni Jane si Jefferson. Nagpaliwanag si Jefferson kay Jane, “Sorry kanina kung inasar ka ulit ng mga kaibigan ko pero hindi naman kasi tayo kailangan maging magkaibigan sa harap ng maraming tao diba?” Parang lalong nainis si Jane. “So, hindi hindi tayo mag-kaibigan? Eh bakit pa kita kailangan tulungan?” pabalang na sagot ni Jane at umalis si Jane ng auditorium. At para makabawi kay jane, ipinagtangol na ni Jefferson si Jane sa mga kabarkada niya. At nakita naman mi jane ang sinseridad ni Jefferson sa paghingi ng tawad. Kaya kinalaunan ay nagging magkaibigan na sila at tinulungan na ni Jane si Jefferson sa kanyang script. Madalas ng magkasama silang dalawakahit na hindi na tungkol sa pag-aaral ang kanilang ginagawa. Nahiwalay na din si Jefferson sa kanyang barakada kaya tila nagagalit na din ang kanyang mga kabarkada kay Jane dahil parang unti-unting nagbabago si Jefferson. Naging responsableng estudyante, hindi na gumagawa ng kalokohan at hindi na din gumagawa ng mga bisyo.

Dumating na ang araw na pinakaaantay nila. Ang kanilang theater show na pinagbibidahan nilang dalaw. Pagkataposng eksena ni Jane sa pagkanta, ay ang script na ni Jefferson. Ngunit tila naiiba ang sinasabi ni Jefferson kumpara sa script niya. Kaya kahit ang director ay nagugukluhan na sa nangyayari. Ang mga sinasabi na ni Jefferson ay “Binago mo ako, mula sa pagiging barumbado hanggang sa pagiging matino.” Hanggang sa nagpropose na ito kung maari bang maging kasintahan niya. Hindin man nahalata ng mga manonood ang pagbabagong nagyari ay nagging maganda naman ang kinahinatnan ng kanilang palabas. At sa pagsasara ng kanilng kurtina ay sinagot na ni Jane si Jejjerson ng “OO”.

Naging maganda ang relasyon nilang dalawa. Kahit na madalas silang laitin ng mga kabarkada ni Jefferson. Pero parati pa rin pinagtatanggol ni Jefferson si Jane. Hanggang sa isang hindi inaasahan ang nagyari “aaaaahhh-aaaaray!” malaks na sigaw ni Jane at bigla na lng napaluhod. Sinogod ni Jefferson si Jane sa ospital at tinawqagan ang magulang nito. Ipinaliwanag ng nanay ni Jane kay Jefferson ang sakit nito.”merong cancer sa uterus si Jane, ilang doctor na ang nilapitan naming ngunit isa lang ang sinasabi sa amin. Malala na daw ang sakit niya at wala ng lunas.” Hindi nakapagsalita si Jefferson. BUong araw binantayan ni Jefferson si Jane sa ospital hanggang sa makauwi ito. Ng umuwi si Jefferson sa kanila, nadatnan niya ang kanyang barkada. “nabalitaan  name ang nangyare kay Jane,” dinamayan siya ng kanyang barkada. Hindi napigilan ni Jefferson na umiyak pero hindi siya iniwan ng kanyang mga kaibigan.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” malungkot na tanong ni Jefferson.

“Gusto ko mabuhay ng normal, yung walang naawa sa akin, yung hindi ako tinatratong espesyal” sagot ni Jane.

“Natatakot ka ba?” tanong ni Jefferson

“Na mamatay?” sagot ni Jane.

Napaiyak lalo si Jefferson. “Huwag ka ngang ganyan, nagbibiro lang ako,” sabi ni Jane. “Hindi yan magandang biro,” sagot ni Jefferson.

“Gusto ko walang mababago, ganun pa din katulad ng dati. Ipangako mo na hindi mo ako kakaawaan. Wag kang mag-alala nagawa ko ang lahat ng mag-papasaya sa akin,” malungkot na sagot ni Jane

“Jane papaya ka ban a magpakasal tayo?” Tanong ni Jefferson.

At pagkaraan ng ilang taon sila ay nagpakasal. Hindi nagtagal ay tuluyan ng iniwan ni Jane si Jefferson. At kahit na wala kahit anong  material na bagay ang naiwan sa kanya ni Jane, daladala niya ang magandang alaalang iniwan nito. Alam niyang andiyan lang si Jane a hangin at lagging siyang sinasamahan sa kanyang paglaakbay at pagpapatuloy sa buhay.

SHORT STORIES BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon