Anna (55-Partial)

10.8K 315 167
                                    

A/N: Treat this like a long teaser ^_^

====================

I can hear three distinct male voices and identify Cole's every time he speaks, but the sounds are too muffled for me to understand anything. May ginawa na naman siguro si Cole sa speaker bago siya lumabas. And, he must be doing vor things he doesn't want me to know about.

As if naman gusto kong alamin ang mga 'yon. I'm not Tita Leine, nor Tita Ezzie, to concern myself with whatever their family is doing. Nandito lang ako para kay Cole at kay Cole lamang.

I stared at my handcuffed wrists and grinned even more wickedly than before. I corrected my earlier thoughts. Nandito ako para kay Cole and other delicious things. Napangisi ako habang iniisip ang iba pang masasarap na mga bagay na ipapalasap sa akin ni V mamaya pagbalik niya.

Oh, I couldn't wait!

Kung malaya lang ang mga kamay ko kinilig-kilig na ako rito. Kaso hindi nga, so all I can do is wiggle my way under the blanket Cole covered me with.

I could smell us in this bed, and it makes me sigh with satisfaction. Paano ko ba maipupuslit si Cole sa dorm ko and have him roll in my bed so I could smell us on it, too?

Nakawin ko kaya ang bedsheets na ito? Isama ko na rin ang kumot. Pati mga unan. Pero hindi. Ang daming labahin n'un. Oo nga at hindi naman ako naglalaba pero ang bibigat bitbitin nang mga iyon pabalik rito sa apartment. Top floor pa naman ito.

Puwede naman ako makilaba kay Theo kung tutuusin, nandoon lang naman siya sa ibaba at malalaki rin ang washing machine at dryer niya. Pero iba ang sabon panlabang gamit niya. Mangangamoy siya ako. Ewww. Ayaw ko nga. Cole lang ako.

Bago pa kung saan-saan na naman mapunta ang iniisip ko, bago pa ako mainip na ang tagal ako balikan ni V, I tuned out everything and hummed Troye Sivan's 'Strawberries & Cigarettes' to myself. Before long I'm moving on the bed to the music I see in my head.

I see musical notes in colors and in lines. Ang mga iyon ang sinusunod ng katawan ko habang sumasayaw. The only other person I know who dances like this is my current dance partner. Kaya kahit mas sanay akong sumasayaw nang mag-isa, nakumbinsi niya akong maging kapareha niya. It doesn't hurt that he has the best dance trainers. Naaambunan ako nang turo madalas.

Madaling kasayaw si Lev. Feels like he's an extension of my body and I am his when we are on the dance floor. He knows how to lead me, with sure, firm hands. I like that. And I like how he ignores Cole and Theo's stares and tolerates Christoff's endless yapping.

Ang bait pa! Ayaw niya man aminin pero alam kong siya ang dahilan kung paano kami ni Ada nakapasok na student assistants sa Athletics Department. Oo nga at eligible kami sa financial assistance program ng school pero marami rin namang ibang estudyante na katulad namin ni Ada ang estado sa buhay pero kami ang napunta sa AD na mataas ang bigayan sa oras.

Open secret na kailangan ng backer para makapasok doon, and everybody knows, you don't say no to the foreign delegates. Lev is from the Russian delegates. May tsismis pa nga na anak siya ng Russian ambassador sa Pilipinas. Tsismis kasi mukhang hindi naman. May anak ba ng ambassador na nag-do-dorm? Kahit pa international dormitory 'yon, dormitory pa rin.

Lumubog ang kama sa bandang kanan ko at kasunod niyon ay ang pag-angat ng kumot. Sumilip ang seryosong mukha ng taong nagsabit ng araw, buwan, at mga bituin sa mundo ko. I beamed and made kissy faces at him. The edges of his lips lifted into a smile which brightened his face some more, transforming it into the charming gentleman he is known to be.

When he's like this, I wish I wasn't me so I could run after him. As in Lucille and Abby. Now, Francine. I'll have to live vicariously through those ladies, but Cole keeps getting in the way!

Kiss Me, Cole (Book 2) [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon