Cole (57-Partial)

7.5K 272 23
                                    

Isa-isa ko nang binababa ang mga pinggan mula sa cupboard habang tinititigan ang iniwan ni Orianna sa ibabaw ng stove. May niluluto siya at hindi ko alam kung tapos na ba ito o ano. Mahigit sampung minuto na siya roon sa laundry room at mukhang wala pa ring balak na lumabas.

"Orie," tawag ko sa kanya. Walang sagot.

Wala namang nangangamoy sunog kaya hindi ko alam kung papatayin ko ba ang stove o hindi. Kinakabahan akong makialam sa mga niluluto niya at maiinis. Hindi rin naman ako marunong magluto kaya wala akong magagawa roon.

"Orie," muli kong tawag sa mas malakas nang boses.

There was muffled scuffle then nothing. Napakunot-noo na ako at inilapag sa mesa ang mga hawak kong pinggan. Lumapit ako sa stove at hininaan iyon, umaasang hindi masyadong malaking kasalanan ang ginagawa ko. Tinungo ko na rin ang laundry room.

Naabutan ko si Orianna na nakatalungko sa harapan ng dryer at pinapanood ang pag-ikot ng mga labahing naroroon sa loob. May laundry basket sa tabi niya na kalahati ang laman. May kumot ding nakabalot sa kanya hanggang sa leeg.

"What are you doing?" tanong kong nagtataka. "Hindi ka ba naiinitan?"

Itinalukbong na niyang tuluyan ang kumot at lumingon sa akin. She twisted the ends of the blanket under her chin and pulled, almost strangling herself in the process.

"V!" May kasama pang pagsinghot ang pagtawag niya sa akin. "Hindi pa tapos," sumbong niya. Her lower lip is jutting out in a pout.

Napangiti na ako. Mukhang nakalimutan na yata niyang dapat ay galit siya sa akin at hindi niya ako kinakausap. Naiinis pa rin ito sa mga pinagsasabi ko sa kanya kahapon at natulog na ngang hindi nagsasalita kahit nagpayakap at nagpatanday naman. Hanggang kanina na nagising ako for morning sex bago pumunta sa practice at hanggang pagbalik ko, hindi ako iniimikan. Ang mga labahin lang pala ang magpapa-amo.

"At hindi iyan matatapos kahit bantayan mo pa," natatawa kong paalala.

She made a 'huhuhu' sound and returned to watching the dryer turn with what looks like a combination of her linens and clothes.

Pumasok na ako ang tuluyan sa laundry room at tumayo sa tabi niya. Sa pagitan namin ang laundry basket niya. Hindi ko napigilag silipin iyon at napabuntong-hininga na lang ako sa nakita.

"Baby," dismayado kong simula. "You didn't separate your clothes. Again."

Agad niyang hinila ang laundry basket at nilipat sa kabila niya na malayo sa akin. "Batik 'yon!"

Nagdududa ko siyang tinitigan. The blue spots on the white T-shirt looked like a bleed from denim pants. Hindi batik.

She stared back at me trying her best not to blink. The little woman na hindi marunong maglaba is trying to lie but her tells give her away.

"Patingin," utos ko at sinenyasan siyang iabot sa akin ang basket niya.

"No," mariin niyang tanggi. A short leg shoots out to kick the basket further away.

Exasperated, I grabbed the top of the basket and she hugged the bottom of it.

"Orianna."

She scrunched up her face before letting it go. Muli niyang binalot sa kumot ang sarili at nagmaktol na naman.

Naiiling ko namang inisa-isang ilabas at ipatong sa ibabaw ng washer ang mga laman ng basket. She's trying not to look at what I'm doing, but I could see her eyes shifting in my direction. She cringes for every article of clothing that I get out of the basket.

Tama ako. Ang T-shirt na sinasabi niyang batik ang design ay naging ganoon dahil sa nahawaan ito ng kulay ng ibang damit.

Nang ang laboratory gown na niya ang hawak ko, I just sighed sadly at sinulyapan siya.

"Baby, ginagamit mo 'to everyday."

I shook the incredibly wrinkled gown at her.

"May extra naman ako sa dorm."

Napa-arko ang kilay ko. "Hindi ba at ito na nga ang last sa extra mo? Nasunog na iyong isa nang plantsahin mo two weeks ago, remember?"

Umingos siya.

"Oo na. Pinaalala pa, eh," sambakol ang mukhang sagot niya. "Hindi naman nahawaan 'yan. Kaunting plantsa and it will be as good as new."

Natitigan ko ang lab gown. Hindi ko alam kung saan banda rito ang kakayanin nang kaunting plantsa na sinasabi niya. Naiiling ko na lang na isinama sa iba pang mga damit ang gown.

At least, she remembered to use the laundry mesh bag for her underwear. Nandoon pa nga ang mga bra at panty niya sa loob.

Nakatitig siya sa hawak ko na mesh bag at napangiti. "I remembered," pagbibida niya pa.

"Yes. Good girl, baby. Congratulations."

My sarcasm flew over her head. She preened and smiled even more brightly at my words.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Paano ko pa mapanghahawakan ang inis ko when she does adorable shit like that.

Ibinalik ko ang mga damit niya sa laundry basket at pinaypay siya palapit sa akin. Tumayo naman siya para lumapit. Nakatalukbong pa rin sa kanya ang kanyang kumot. Some parts of it trail behind her. Dalawang siya ang kayang balutin niyon. Queen-sized, eh.

Single double-decked ang kama nito sa dorm nila pero ang hilig-hilig magkumot nang doble ang lapat sa kama niya. Tapos, darating siya rito sa bahay at magrereklamo na ang bibigat ng mga beddings niya. Panay daing habang nilalagay ang mga iyon sa loob ng washer.

Correction pala. Panay daing habang pinapanood akong ilagay ang mga iyon sa washer.

Huminto siya sa harapan ko at tumingala sa akin, kumurap-kurap, bago ngumisi. "Fail na naman ako sa paglalaba, V," natatawa niyang sabi bago ibinaon ang mukha sa dibdib ko at umungot. "Yakap, please."

I did as asked and wrapped my arms around her, blanket and all. I dropped my chin on the top of her heap and nuzzled the little baby na wala na namang maayos na maisusuot this week.


Kiss Me, Cole (Book 2) [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon