Cole (57-Last)

13.8K 378 196
                                    

"I could do your laundry for you. You don't have to touch them ever again." I dropped a soft kiss on her head. "Just leave them in the basket at ako na ang bahala."

Nag-angat siya nang ulo at nanghahaba ang ngusong tumingin sa akin. "Paano kung busy ka?"

"There's Theo downstairs." I wiggled my eyebrows at her na ikinatawa na niya.

"Maglalahong parang bula lahat nang labahan ko kapag iaasa natin sa kanya."

"I could threaten him bloody murder before we order him to wash your clothes."

Her cognac eyes twinkled with mirth. "Pati bra at panty ko?"

I mock bit her cheek which made her giggle. "He better not touch those."

Napahalakak na siya. "Hari nang kaartehan ang Tata nating iyon. Kahit yata tutukan mo siya ng baril, hinding-hindi 'yon hahawak sa mga undies ko."

"I wonder why," nakangisi ko ring sabi. "I like touching your undies. Smelling them. Nakakagutom."

"Baliw." Muli siyang tumawa na ikinangiti ko na rin.

When she got hold of herself and her laughter, she asked, "Seryoso ka ba about my laundry?"

Tumango ako. "Oo. Kasing seryoso ko sa'yo."

Mga pinagsasabi ko parang ewan. Mabuti na lang wala rito si Theo. Baka napalo na ako ng bote ng Breeze. Napangisi na lang ako.

Orie just wrinkled her nose and rolled her eyes at me in response, but didn't comment. Natatawa kong mahinang pinitik ang tungki ng ilong ng suplada. Agad niya iyong tinakpan sabay irap sa akin.

"I have been doing it for you anyway," dagdag ko. "Ikaw lang naman itong ang hilig makialam. Hindi naman marunong."

Nanlisik na ang mata niya sa huli kong tinuran. Hindi na kailangang nandito si Theo para mabato ako ng Breeze. Sapat na ang maliliit na mga kamay ni Orianna.

"Gusto mo ba talagang masaktan?"

"Nang higit pa sa pananakit mo na sa akin?" Sinundan ko na lang iyon nang tawa. "At sino ang maglalaba para sa'yo kapag binalda mo ako?"

"Nakahilera ang mga laundry shop sa Grove."

"Na hindi mo kaya puntahan dahil napaka-kuripot mo. At hindi Breeze na blue ang gamit nilang sabon doon, baby."

Inis na inis niya akong tinulak palayo sa kanya at binalikan ang pagtalungko sa harapan ng dryer. Tuluyan na akong tinalikuran.

Natatawang hinawakan ko ang baywang niya para maitayo siya at nang mayakap ko mula sa likuran. "Ikaw naman. Tampo agad, eh, binibiro ka lang. Ako na maglalaba para sa'yo."

She sniffed in irritation and I just nuzzled her hair in retaliation.

"Hindi mo ako isusumbong kay Papa?" maya-maya ay tanong na niya.

"Hindi." I assured her

"Pati sa Mommy mo?" dagdag niya. Nilingon niya pa ako. "Kakatayin niya ako kapag nalaman niyang pinaglalaba ko ang bunso niya."

It was my turn to roll my eyes at her. Has she forgotten that she'd never washed any of her laundry, underthings included, under my parents' roof?

I saw Mommy doing her underthings for her once. Hindi iyon ginagawa ni Mommy para sa aming tatlong mga anak niya. Mas ako ang kakatayin ng Mommy kapag pinalaba ko itong pretty, pretty baby niya. Kung may bunso man sa bahay, si Orianna iyon, hindi ako.

I don't understand how could this intelligent kiska be so blind about Mommy. And a lot of things. Tahimik na lamang akong naiiling.

She gifted me with one of her bright smiles again. Tumingkayad siya at nilapatan ako nang mabining halik sa pisngi.

Kiss Me, Cole (Book 2) [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon