Chapter 1 - Sungit & Kulit

20.9K 193 34
                                        

Colet's POV:

Nagising ako sa preskong hangin na bumabalot sa loob ng aking silid dahil sa electric fan, ang malamig na simoy na dulot nito ay yumayakap sa aking katawan. Next time, makakabili din ako ng aircon para sa pamilya ko.

Inalis ko ang kumot na bumabalot sa aking kabuoan, dahan-dahang tinupi na wala kang makikitang kahit anong gusot, at inilagay sa ibabaw ng aking nag-iisang unan. Hindi man ganon kalakihan ang aming tinitirhan na apartment, at least kasya kaming buong pamilya.

Pinulot ko ang tuwalya at sinimulan ang aking araw, sapagkat ngayon ang araw na haharapin ko ang paghahanap ng trabaho. Kailangan kong magsikap para sa aking pamilya. Nais kong tulungan ang aking mga magulang dahil hindi sapat ang kanilang kinikita para sa kabuuan naming magkakapatid.

Ako si Maria Nicolette Vergara, 24 years old, ngunit mas gugustuhin kong matawag na 'Colet' dahil masyadong dalagang pilipina ang tunay kong pangalan. Nasa masaya at kuntentong pamilya ako. Hindi man ganoon kalakihan ang kita ng aking magulang sa pang-araw-araw, ang mahalaga ay naitataguyod nila kami at natatapos ang aming araw na may laman ang aming mga tiyan.

Ako ang panganay, at kaka-graduate ko lang sa college kaya agad akong nagsimulang maghanap ng trabaho.

Dahil sa scholarship, natapos ko ang aking pag-aaral. Ang bunsong kapatid ko naman ay nakatanggap rin ng scholarship at nasa huling taon na niya sa kolehiyo.

Pagkatapos maligo, mabilis akong nagsuot ng casual na damit para sa interview.

Habang tinititigan ang sarili sa harap ng salamin, hindi ko mapigilang mapangiti ng malawak dahil kung noon ay uniporme lang ng unibersidad ang suot ko, ngayon ay pangtrabaho na.

"Who would have thought na makakasuot ako ng ganitong damit at makakapagtrabaho sa mga kilalang kumpanya." Usap ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa aking repleksiyon, at kung ano-ano pang pose ang ginawa ko dahil talaga namang presentable ang aking itsura ngayong araw.

"Hay nako, Colet! Ang arte mo! 'Di ka perfect, maganda ka lang." Huling usap at pag-compliment ko sa aking sarili bago umalis ng aking silid upang kumain ng umagahan.

"Good morning, Ma! Good morning, Jasmine!" Masayang bati ko sa aking ina na siyang naghahain ng pagkain sa hapag at sa batang anim na taong gulang pa lamang na ngumunguya ng pagkain na galing sa maliit nitong plato.

Mama: "Good morning, anak! Kain ka na." Pag-aaya nito kaya naman kumuha agad ako ng plato, kutsara, at tinidor para masaluhan na din ang batang maliit.

Jasmine: "Good morning, Ma-ma. Ayabyu!" Utal-utal na sambit nito at agad akong binigyan ng mabilis na halik sa pisngi nang maupo ako sa tabi nito. Feeling ko may kiss mark ng mantika sa pisngi ko. Ramdam ko yung lagkit eh, pero okay lang, cute naman si Jasmine.

Agad akong kumuha ng kanin, itlog, at tuyo. Matapos makuha ang mga kakainin ay agad akong nagdasal at nagpasalamat sa panginoong diyos bago kumain at magmadali para hindi na ako maabutan ng traffic.

"Ma, asan nga pala si Papa at si Shee?" Agad na tanong ko matapos akong pagtimplahan ni mama ng kape na siyang kinuha ko at agad na uminom sa tasa.

Mama: "Yung papa mo maagang pumunta sa construction site. Si bunso naman ay sinundo noong kaibigan niya. Yung laging naka-kotse." Sagot nito na ikinatango ko nalang. Maaga talaga si Papa umalis ng bahay dahil isa itong contruction worker.

The Truth Is Not True (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon