Chapter 6 - Family

9.8K 144 29
                                        

Colet's POV:

Isang linggo ang lumipas matapos ang project launch ng kumpanya, at masasabi kong naging perpektong tagumpay iyon. Kaya balik na naman sa normal ang lahat.

At ang ibig sabihin ng normal, balik na naman ako sa Boss kong laging nakasimangot kapag kaharap ako, at eksperto sa pagpapahirap ng buhay ko. Tambak na naman ang mga trabahong ipinapasa niya sa akin habang siya'y abalang nakatitig sa cellphone, tumatawa pa.

Sa kaka-cellphone niya, ayan kailangan magsalamin. Halata kasing malabo mata nito. Noong mga nakaraang linggo kasi naka-contact lens ito lagi. Pero ngayon naka-specs siya. Kainis, ang ganda pa rin kahit naka-salamin.

Maya-maya ay biglang may kumatok, kaya tumayo ako para buksan ito. Sino kaya toh? Hindi naman niya friends toh kasi yung friends niya papasok nalang agad ng walang katok-katok.

Pagbukas ko ng pinto ay napakunot ako ng noo. Sino ba tong pangit na toh! Sa dinami-dami ng bwisita, si Migoy pa talaga.

Migoy: "Is Ms. Robles around?" May dala itong isang bouquet at maliit na stuffed toy na chick. Tss, ang baduy.

"Yes, Sir. Come in po." Laki-laki ng katawan tapos ang baduy ng style. Magpaturo ka muna sa akin pre. Sarap batuhin ng libro.

"Boss, you have a visitor po." Napatingin naman ito sa gawi nito at biglang nagbago ang nakakunot na noo nito. Biglang umaliwalas ang mukha niya.

Jhoanna: "Hi there, Migo! Maupo ka."

Migo: "Flowers for a beautiful girl like you, and this cutie chick." Sabay bigay nito kay Boss. Ang corny potek. Walang dating. Rating ko is 0/10.

Jhoanna: "Hindi ka na dapat nag-abala pa." Usap nito kay Migoy. Oo Migoy, ang pangit ng bulaklak mo, dapat hindi ka na nag-abala pa. Mukhang pang patay. Rating ko don is -100/10.

Migo: "Okay lang basta para sa'yo." Banat nito at napailing nalang si Boss. Ang pangit ng banat, ang liit pa ng stuffed toy. Akala ko ba mayaman toh? Ba't parang tinipid? My rating is -1M/10.

Sakit sila sa mata. Akala ko ba bawal ang landian during work hours? At sa dami ng lugar, dito pa talaga piniling makipag-flirt ni Migoy. Rinig na rinig ko pa ang usapan nila, wala man lang pakundangan sa paligid.

Sa sobrang inis ko, sinimulan kong mag-empake ng gamit. Lahat, literal na lahat. Nilinis ko pa ang mesa ko, sinadya kong gumawa ng konting ingay. Hindi naman para mag-eskandalo, pero sapat para ipaalala sa kanila na may iba pang tao sa opisina.

Kung hindi nila napansin kanina, ngayon sigurado na.
'Di man lang mga nahiya.

Jhoanna: "What's that Nicolette?" Nakakunot na tanong nito.

"Ahh wala, Boss. Nililinis ko lang po yung alikabok sa table ko."

Jhoanna: "You should have done that earlier. You're creating too much noise and it's interrupting our conversation. Do that later." Masungit na utos nito.

"Sorry po, Boss. Ngayon lang po kasi ako nakakita ng MALAKING alikabok." Sambit ko habang nakatingin kay Migoy.

Tumigil na lang ako sa paglilinis at muling umupo. Binasa at inisa-isa kong i-double check ang lahat ng ipinatype sa akin ni Boss. Pinahaba ko pa ang pasensya ko sa mga cheesy na linyahang naririnig ko kay Migoy. Dapat dito sineseminar 'to.

Kung gusto talaga nilang maglandian, sana lumabas na lang sila. Kapag oras ng trabaho, trabaho dapat, walang halong arte. Ang daming nasasayang na oras. Kung ako ang tatanungin, hinding-hindi ko gagawin 'yon.

The Truth Is Not True (Major Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon