Chapter 2 - First Day

10.6K 145 21
                                        

Colet's POV:

Jasmine: "Ma! Ma! Gising na! It's your first day at work!" Paggising ng batang matinis ang boses na naka-upo sa aking likuran at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Bakit ang aga naman nitong batang toh magising?!

"Hmm. Ang aga pa, Jas." Halos paos at garalgal pa ang boses ko habang hindi pa rin tumitigil sa paggalaw sa likuran ko ang maliit na bata.

Jasmine: "Gising ka na raw sabi ni Ate Shee!" Pagpilit nito kaya naman inayos ko ang pwesto ko at humilata habang naka-upo na sa tyan ko ang bata.

Dahan-dahan akong napahakay at ibinaling ang tingin sa orasang nakasabit sa pader ng aking kwarto. 5:30 am na pala, kailangan ko na maghanda.

Bumangon na agad ako kaya naman bumaba na rin sa kama ang bata at lumabas ng aking silid. Inayos ko na rin ang aking kama bago kinuha ang tuwalya at nagsimulang maligo.

Makalipas ang ilang minuto ay sinuot ko na ang nakahandang damit na kagabi pa nakasabit sa hanger sa harap ng aking aparador. Naglagay rin ako ng kolorete sa mukha para naman presentableng tingnan at walang masambit sa akin ang aking masungit na amo. Napa-spray din ako ng perfume na madalas ko lang gamitin sa tuwing may importanteng okasyon o event na pupuntahan.

Aba! Sa ganitong kapresentadong itsura, sana naman ma-good mood si Ms. Sungit sa itsura ko. Mahiya naman siya kasi nag-effort akong maging presentable, tapos yung mukha niya laging nakagusot.

Nang makita ang sarili sa salamin na maayos at handa na ay agad kong binitbit ang shoulder bag ko at lumabas na ng aking kwarto para samahan kumain ang mga tao sa baba.

Tulad kahapon ay mukhang maaga na naman si Papa umalis at hindi na nakasabay mag-umagahan. Si Jasmine at Mama naman ay nagsisimula nang kumain at mukhang hindi na ako nahintay dahil gutom na gutom na ang makulit na bata, habang ang isa kong kapatid ay halos madapa na sa kakamadali habang may kagat-kagat na pandesal.

"Hep! Hep! Hep!" Pagpigil ko dito bago niya mahawakan ang doorknob kaya naman naestatwa ito sa kinatatayuan niya. Kitang-kita ang gulat niya kahit na likod lang nito ang kaharap ko.

Sheena: "Ahhh hooray? Hehe." Kabadong tanong nito habang dahan-dahang humarap sa direksyon ko.

"Napapansin kong madalas kang umalis ng maaga dito sa bahay. Tapos may sumusundo pa sa'yo." Pag-usap ko dito at tinaasan pa siya ng kilay para maramdaman niyang she's getting suspicious.

Sheena: "A-ahhh, Ate, ano kasi hehe. Actually aalis na kami. I need to go na tala-" Buti nalang, at least makikita ko kung sino laging nagsusundo sa kapatid ko.

Hindi ko na ito hinintay pang tapusin ang sasabihin niya at agad siyang nilagpasan para buksan ang pinto ng bahay dahil napapadalas na din ang pagmamdali nitong umalis dahil sa sumusundo sa kanya.

Gusto ko lang naman alamin kung sino ang sumusundo sa kanya, ngunit laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang napakaganda at mamahaling kotse na siyang dahilan kung bakit ko agad sinarado ang pinto na hindi ko sinasadyang lakasan ang pagkakasara. Sino ba naman ang hindi magugulat. Halos pagtinginan na ng mga chismosang kapitbahay yung kotse sa harap namin. Mamaya isipin nila ninakaw namin ito kung saan.

"What the heck Sheena Mae Catacutan Vergara?! Kaninong kotse 'yon?! Don't tell me na nagjowa ka ng Afam! Hindi kita tinuruan ng gany-"

Sheena: "Ate! Hinaan mo nga boses mo! Saka ano bang problema kung may jowa akong Afam?!" Aba talaga! "And para sa ikakakalma mo! Dugong Pilipino 'yang nagsusundo sa akin! Kalahi natin Ate, nagtatagalog! Kayumanggi ang balat, born and made in the Philippines!" Ganyan 'yan siya makipag-usap. Na para bang 20 meters ang layo namin sa isa't-isa, pero ang totoo, love language lang talaga namin ang magsigawan.

The Truth Is Not True (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon