Colet's POV:
Isa na namang magandang umaga—parang biyayang galing sa langit, isang panibagong pagkakataon para simulan ang araw na may ngiti. Pero agad ding nabura ang saya ko nang maalala ko ang masungit kong boss.
Mabilis akong bumangon at nag-asikaso para sa araw na 'to. Inilatag ko muna ang susuotin ko bago pumasok sa banyo para maligo.
Pagkatapos ng lahat ng pang-umagang gawain, bumaba ako para mag-almusal. Napakunot ang noo ko nang makita ko na naman ang kapatid ko at si Gwen. Araw-araw ba siyang nandito?
Jasmine: "Ma! Good morning!" Masiglang bati nito habang mabilis na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Good morning baby ko! Tara kain na tayo. Good morning, Ma. Oh, Mikha. Napadalaw ka." Bati ko sa best friend ni Sheena.
Bihira lang talaga siyang bumisita dahil malayo ang bahay nila sa amin. May kaya rin ang pamilya niya—parehong abogado ang mga magulang niya. Kasama siya ni Sheena sa dance club, at kitang-kita kung gaano sila ka-close bilang magkaibigan.
Matagal ko nang alam na palagi silang magkasama ni Sheena sa dance club, halos hindi mo na sila makikitang magkahiwalay. Pero yung Gweneth talaga ngayon lang nagpakita sa akin, sabi ni Mama matagal na daw 'tong nanliligaw sa kapatid ko. Tss.
Mama: "Kain ka na, anak. Baka ma-late ka pa." Pag-aaya nito sa akin habang inaasikaso ang mga bisita.
Mikha: "Good morning, Ate Colet!" Masayang bati nito habang tuwang-tuwa na inaasikaso siya ng aking ina.
Gwen: "G-good morning po." Bati nito ngunit na siyang tinanguan ko lang dahil mukhang kabado ito at nag-aalinlangan pang makipag-usap sa akin.
Mama: "Siya nga pala anak. Kailan mo ba ipapakilala sa amin yung girlfriend mo." Baling nito kay Mikha kaya naman napatigil ito sa pagkain at biglang nahiya.
Mikha: "A-ahh eh. Queen is busy po lately eh. But don't worry po. We'll find time to come visit here po." Hindi ko na masyadong pinansin ang sinabi niya dahil ni minsan, hindi ko pa naman nakita o nakilala ang girlfriend niya. Ang sabi lang niya, pareho raw silang galing sa iisang dance club.
Mabilis akong kumain dahil kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Nitong mga nakaraang araw, sobrang hectic ng mga ganap sa REI, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nasa pinaka-mataas na level ang kasungitan ni Ms. Sungit.
Kaya ako nagta-type ng mga liham para sa iba't ibang kumpanya ay dahil may paparating na event. May bago kasing proyekto ang REI, at inimbitahan ang mga kilala at makapangyarihang tao sa industriya para masaksihan ang launching nito.
Kaya naiintindihan ko rin kung bakit bad mood si Boss. Malaking proyekto ito, at nakatutok ang lahat ng mata sa REI—lalo na sa kanya. Wala talagang puwang para sa kahit maliit na pagkakamali.
Office...
Pagdating ko sa opisina, agad akong umupo sa mesa ko at binuksan ang computer. Wala pang isang minuto, narinig ko na ang boses ni Ms. Sungit na may panibagong utos na naman.
Jhoanna: "Kindly call all the important people na pinadalhan natin ng mga letters. Ask their confirmation about the company's event launch." Utos nito ng walang kahit anong emosyon sa boses habang nakatutok ang mga mata niya sa ginagawa. Sobrang busy niya to the point na hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin.
Para siyang keyboard warrior sa sobrang bilis at focus niya sa kanyang laptop. Hindi naman kami naghahabol ng oras, sa katunayan nga ay nasusunod namin ang timeline ng mga gawain dito sa opisina. Sadyang sobrang workaholic at mabusisi lang siya sa kanyang trabaho.
BINABASA MO ANG
The Truth Is Not True (Major Editing)
FanfictionThe youngest CEO na Queen of pagsusungit na araw-araw papalit-palit ng secretary ngunit takot sa kanyang lola meets the Queen of puno ng confidence na palasagot sa kanyang boss dahil ang lola ng CEO ang naghire sa kanya. Paano kung isang araw ay may...
