Chapter 20

546 22 12
                                    

Chapter 20

THIS PAST FEW DAYS naging abala ang binata at iniiwan lang siya sa pangangalaga ng mga maids na hinire nito para alagaan siyang mabuti, hindi pa naman gaanong halata ang kaniyang tiyan dahil maliit pa ito pero mas lumala ang mga paglilihi niya. She will always yearn for Akyl's presence pero hindi niya masabi-sabi sa binata dahil alam niyang may ginagawa itong importanteng bagay, he always come home late at nalulungkot siya dahil wala na silang time na mag-usap, hanggang batian nalang ang kaya nilang gawin sa isa't isa.

Her brother is with Akyl, magkasama ang mga ito palagi, nalaman niyang nagplaplano ang mga itong pabagsakin ang mga pamilya nila para hindi na sila guluhin ng mga ito, gustuhin niya mang makisali ay hindi pwede dahil nalaman niyang nasa maselan siyang trimester ng pagbubuntis, ayaw niya namang isugal ang kanigang anak para lamang matapos na ang kasaman ng mga pamilya nila ni Akyl.

Kahit labag sa kaniyang loob, she didn't associate her self to help them and remain wandering around the mansion, nalibang naman siya sa pag-iikot sa loob dahil maraming mga room siyang tinignan na sobrang ganda.

Yuri isn't here in the mansion, nasa mall ito kasama si Ignacio, ang baklang kaibigan niyang iyon ay inaalila ni Yuri, hindi niya alam kung maaawa ba siya sa lalaki o hindi, halata ring namamayat na ito sa pagod at puyat dahil palaging inaabala ang pamamahinga nito ng kapatid ni Akyl.

Hindi rin mawawala ang bardagulan ng dalawa pero sa huli ay si Ignacio ang susuyo sa dalaga kahit hindi naman ito ang nauna, sobrang hanga niya sa pasensiya ng kaibigan dahil kahit sumusobra na ang huli ay hindi nito pinapatulan para hindi na sila mas lalong mag-away. Hindi narin niyang nakikita itong magsuot ng pambabaeng damit, the way Ignacio talk and walk are already manly, ngayon niya rin napansin na may tinatagong kagwapuhan din pala ito. Natatakpan lang noon palagi ng mga makakapal na make up.

She hugged herself when the cold breeze of the wind kissed her white soft skin. Umupo siya sa bench sa malawak na garden habang dinadama ang hampas ng hangin, the weather isn't too hot neither cold. Sakto lang at masarap sa balat niya. May mga klase klasing bulaklak ang nakatanim sa garden na mas lalong nag paganda rito.

"Miss Arissia, here's your vitamin. Mr. Dasovich called me to make you drink this, nakalimutan niya kasing painumin ka kanina after your breakfast with him,"

"Ano ba, Charles!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Don't scare me like that!" Suway niya rito.

Charles just chuckles before sitting next to her. "I'm sorry, I didn't know that you're in your deep thoughts,"

"Walanghiya ka talaga baka mapaanak ako nang wala sa oras dahil sa 'yo,"

Naging malapit silang dalawa ni Charles nitong mga nakaraang araw dahil bukod sa mga maids na nakakasama niya ay pati rin ito ay palagi niyang kasama. Akyl assigned him to be with her side to keep her safe, pinagkakatiwalaan kasi ito ng binata ng lubos kaya tinalaga itong bantay niya habang wala si Akyl sa kaniyang tabi. They've become friends, parang ito nga ang pumalit sa kaibigan niyang si Ignacio they have the same personality but less in talking, hindi madaldal si Charles pero chimosso nga lang. Kung ano-ano nalang kasi ang mga nasasagap nitong balita tapos sinasabi sa kaniya, nagmumukha tuloy silang marites na walang magawa sa buhay kundi pag-usapan ang isyu ng ibang tao.

Ignacio is actually not her only friend, there's still another one. She's Aviayanna Scott but she's too hard to contact hindi niya alam kung naasan na iyong babaeng 'yon. They work in the same organization a side from that she doesn't know her whereabouts. Kaya nahihirapan siyang makipag-usap rito. Nakikita niya minsan si Via sa organization pero palaging busy ito at nagmamadali dahil may iba pa itong trabaho na ginagawa and she doesn't know what is it. Ang alam niya lang shipper din ito. Wala na siyang alam rito kapag labas na sa organization pero alam niyang may anak itong kambal and she's one of the godparents of her twins.

Taint me, Mommy. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon