Chapter One

3.1K 6 0
                                    

       Maingay, mausok at puno ng tao ang bar na pinasukan ni Claire. But she doesn't have a choice dahil kinaladkad sya ng kaibigan nya rito. Bars, alcohol, cigarettes and night life aren't her thing.
"ano ka ba Claire, mag enjoy ka naman paminsan minsan." sabi ni Sabrina, ang kaibigan nyang kumaladkad sa kanya rito. Magkaibang magkaiba sila nito. Sabrina loves to party, happy go lucky ito, pero kahit na magkaiba sila ay mahal nya pa din ito. Kaya nga heto sya at kasama nito sa loob ng isang bar.

"nag eenjoy naman ako ah!" sagot nya rito.

"reading books? enjoy?" kunot noong sabi nito sa kanya.

"what's wrong with that?" she said.

"nothing, it's just that you have to enjoy life has to offer, bars, alcohol, MEN" humahagikgik na sabi nito.

"Men?"

"yeah, you're still a virgin right?" she asked. Tumango naman sya kasi totoo naman yun. "don't you think it's time na mabinyagan ka na?" suggestion pa nito.

"What??????" nawiwindang sya sa mga pinagsasasabi nito.

"Just kidding! pero why not di ba? 25 ka na, there are lots of hot men here, look! that guy over there, isn't he hot?" sabay turo nito sa isang naka navy blue na long sleeve na umiinom sa may di kalayuan sa kanila. May mga kasama ito at pawang may mga itsura nga. Nag iwas sya ng tingin ng magawi ang mga mata nito sa kanya. Kamukha ito ng dentistang naglagay ng braces nya.

"Ano ka ba Sab, nakakahiya, tinuro mo pa!" saway nya sa kaibigan na ngayon ay nakikipagkindatan na sa kasama ng lalaking tinuro nito. Hinila na lang nya ang kaibigan papunta sa table na malayo sa mga ito.

"Ang kj mo naman !" irap nito sa kanya.

"nakakahiya."  sabi na lang nya. Napaisip tuloy sya. Ganto ba talaga dito?, tumingin sya sa paligid nya. Halos lahat ay liberated, merong halos panty at bra na lang ang suot. Hindi nya kaya ang ganun, asiwang asiwa na nga sya sa suot nyang red na mini dress na halos iluwa na ang dibdib nya, napilitan lang syang isuot dahil kay Sabrina.
Umorder sila ng inumin at pulutan, tinitingnan nya rin ang presyo ng bawat isa dahil baka kulangin ang perang dala nya. Hindi naman kasi sya mayaman na tulad ni Sabrina. Nakapagtapos sya ng pag aaral dahil naging scholar sya ng pamilya ng mga ito, at ngayon nga ay nagtatrabaho sya sa kumpanyang pag aari rin ng mga ito.

"ano ka ba? just order anything you want at sagot ko, remember I was the who force you to come here." sabi nito ng mapansin na nag aalangan syang umorder dahil sa mg presyong nakikita nya. Dahil mahina naman ang tolerance nya sa alak ay beer na lang ang inorder nya habang ito ay hard drinks na di nya alam ang tawag, at sizzling sisig na din ang pulutan na inorder nya. Namangha sya ng dumating ang inorder nila, lalong lalo na sa sisig na ang sosyal tingnan malayo sa nakasanayan nya.

"okay ka na dyan?" tukoy nito sa inorder nya. Tumango lang sya at uminom sabay subo ng pulutan. Marami na rin silang napagkwentuhan at maramirami na rin syang nainom at tinatamaan na sya. Habang si Sabrina ay mukhang okay pa. Dahil siguro sanay itong uminom ng alak. Umiinit na ang pakiramdam nya at alam nyang namumula na rin ang pisngi nya.

"girl are you okay?" tanong nito sa kanya. Tumango sya kahit parang umiikot ang paningin nya. 

"I'm just gonna go there sa dance floor to dance with that hot guy, are you sure you're okay here?" She nodded for the second time with her eyes closed. Nang idilat nya ang mata nya ay nakita nya ang kaibigan na nakikipaghalikan na sa isang lalaki. Hindi lang ito ang gumagawa ng ganun dahil kahit saan sya tumingin ay ganun din. "I need to pee" she said to herself, she got up at mabuway na naglakad patungo sa rest room. May mga nakakasalubong syang gusto syang hawakan para isayaw pero umiiwas sya sa mga ito. "No! I just need to pee I don't wanna dance!" at sa kaiiwas nga nya ay may nabangga syang matigas na bagay . "Aww.. shit! ang sakit!" lalo syang nahilo. Napahawak sya sa ulo nyang bumangga sa matigas na bagay, tiningala nya ito at dibdib pala ito ng isang lalaki.

One night stand with my Dentist Where stories live. Discover now