Chapter 1

59 7 2
                                    

College na ako....first year college kailangan ko magsumikap pa lalo para maabot ang pangarap ko

"Sendoh tara na!" Tawag saakin ni Koshino

"Unang araw ngayon kaya hindi tayo pwede ma late, Sendoh" seryosong sabi ni Koshino

"Pasensya na hindi lang talaga ako agad makapaniwala na nakatungtong na tayo ng college pero naglalaro pa tayo sa ryonan" Ngiting sabi ko at papiling piling naman si Koshino

"Dagdag mo pa diyan na ikaw na ang bagong captain ng team natin napaka rami mo nang responsibilidad, Sendoh kaya kung ako sayo wag ka muna iscore sa mga chix kung ayaw mo ma-bingo ng chikiting" Natatawang sabi ni Koshino. Kahit kailan talaga loko-loko parin siya

Hindi madali ang magkaroon ng dobleng responsibilidad sa team kaya mas uunahin kong magsumikap sa pag-aaral at paglalaro ng nasketball para balang araw isa rin ako sa tatatak sa mga isip at puso ng mga tao

ARAVILLO UNIVERSITY

Ilang sandali pa narating na namin ang university ma papasukan namin ngayon college na kami. Dumeretso kami sa mga may nakapilang estudyante

Pag pila palang namin rinig kona ang mga samut saring hiyawan ng mga babae aminin ko nakakadagdag ng angas ang pagkakaroon ng fans pero gusto kong ihiyaw nila ang pangalan ko dahil sa husay ko sa paglalaro hindi dahil sa itsura ko

"S-sendoh, mauna kana sa pila" Nahihiyang sabi ng isang babae na mukhang siya ang namumuno sa register

"Ah naku hindi na pipila nalang ako para----"

"Salamat miss ah ganda mo today!" Ngiting sabi ni Koshino at tinulak tulak ako papunta sa harapan at kumuha ng mga form

"Hina ng diskarte mo, Sendoh dapat alam mo kung kailan mo gagamitin 'yang pagiging gwapo mo" Piling piling sabi nito

Matapos namain ma fill up ang form dumeretso na kami sa building ng mga first year college at sa second floor kami natapat. Pag pasok namin sa classroom bumunggad na saamin ang mga babaeng naghihiyawan sa gawi namin

"Rukawa!!!!" Sigaw nila na ikina gulat ko

Si Rukawa nandito?..

Pag lingon ko ay nakita ko si Rukawa na nakatayo sa likuran namin at hinihintay na mabigyan ng daraanan

"Tabi" Maikling sabi nito at walang anuman ay tumungo ito ng deretso sa pwesto niya

"Aba dito rin pala nag-aaral 'yang si Rukawa eh ayos toh hahaha magiging intense ang mga labanan sa chix" Pabirong sabi ni Koshino

Ilang sandali pa dumating na ang Teacher namin kaya umupo na lahat.

--------------------------------------------------------

Matapos ang klase nila Sendoh nagtungo sila sa Ryonan High upang mag practice

Habang patungo sila sa Ryonan High nakasabay pa nila maglakad si Rukawa

"Rukawa saan punta mo?" Tanong ni Sendoh pero hindi siya pansin ni Rukawa

"Rukawa" Muling tawag ni Sendoh sakaniya pero wala parin lingon o pansin na ginagawa si Rukawa

"Hoi player ng Shohoku na insecure kay Sendoh!" Inis na sabi ni Koshino na ikina gulat naman ni Sendoh

"Koshino tama na" Pag awat ni Sendoh

"Hindi naman niya tayo narinig" Sabi ni Koshino at nilingon nila si Rukawa na ngayon ay nakaharap na sakanila

"Rukawa.." Mahinang sabi ni Koshino dahil nakatapat na mismo sakaniya si Rukawa at ang mga mata nito ay tila nanlilisik

"Ah Rukawa pasensya na sa sinabi niya ah badtrip lang talaga yan ngayon pasensya na"

"Marunong dapat kayong tumanggap ng pagkatalo" Seryosong sabi ni Rukawa na ikina tigil naman ng dalawa

Tumalikod na muli si Rukawa at nagsimula muling mag lakad. Naiwan naman ang dalawa na tila sinampal sila sa sinabi ni Rukawa

"Punong puno na talaga ako sa Rukawa na 'yon!" Inis na pabulong ni Koshino

"Tama naman siya" Ngitimg sabi ni Sendoh

"Ha?! Anong tama doon eh halos ipamukha niya pagkatalo natin sakanila" Inis na sabi nito

"Hindi ang gusto niyang iparating, marunong dapat tayong tumanggap ng pagkatalo dahil ang tunay na manlalaro ay hindi kinakahiya ang pagkatalo" Ngiting sabi ni Sendoh habang naka tingin kay Rukawa na nasa may malayo na

"Hindi ko kayo maintindihan dalawa ganiyan ba kayong mga Ace layer?" Ngiwing sabi ni Koshino

"Hahaha halika na baka ma late pa tayo sa practice" Sabi ni Sendoh at nagtungo na sila sa Ryonan High

Ryonan High

"Andito na si captain!" Masayang sabi ng mga ka team nila Sendoh

May mga bago sa Ryonan team pero meron rin naman nag stay tulad nila Sendoh, Koshino at Fukuda habang ang iba ay irregukar na sa Ryonan kumbaga tuwing may free time lamang sasali sa laro

"Ano nakapag warm up na ba ang lahat?" Tanong ni Sendoh

"Yes captain!" Sabay sabay na sagot nila

"Fukuda buti naman at maaga ka" Sabi ni Sendoh nang makita si Fukuda na nasa may bench warmer nag aayos ng sapatos

"Kayo lang naman ang late" Pabirong sabi ni Fukuda

"Eh? Hehe pasensya na may ginawa pa kasi kami pero kung ready na kayo pwede na tayo mag simula sa practice"

Dahil naka bihis narin sila Sendoh at Koshino bago pumunta sa Ryonan High ay agad na silang nakapag practice

Isa't kalahating oras na ang nakalipas at nagpapahinga na ang Team nang biglang dumating si Coach Taoka

"Gooad afternoon coach!" Sabay sabay na bati nila

"Good afternoon rin sainyo, may ipapakilala ako sainyo na magiging manager niyo sa Team" Ngiting sabi ni coach Taoka

"Hindi naman namin kailangan ng isang manager coach" sabi ni Koshino

"Napagdesisyunan ko kasing kapag hindi ako nakakasama sa mga laro niyo ay siya ang sasama sainyo at upang may mag asikaso sainyo sakaling may mangyari"

"Eh coach gaano naba katanda 'yang manager namin?" Iritang tanong ni Koshino

"Anong gaano katanda? Hindi siya matanda kundi maganda" Ngiting sabi ni Coach Taoka

"B-babae?!" Sabay sabay na sabi nila

"Oo babae ang magiging manager niyo mula ngayon"

"Oh asan na coach papasukin mo na dapat hindi pinaghihintay ang isang babae sa labas" Sabi ni Koshino at pasimpleng inaayos ang buhok nito na ikina tawa naman ni Sendoh

"Akio pasok kana" Sabi ni coach Taoka at pumasok naman ang isang magandang babae na makinis, maputi at angat ang kagandahan nito

"Magandang hapon ako nga pala si Akio Kanashi isang 4th year student kinagagalak kong maging manager ng Team na ito sana magkaroon tayo ng mabuting pagsasama" Pakilala nito sa kaniyang sarili

"Hello ako naman si Sendoh ang captain ng Team" Ngiting pakilala ni Sendoh sa sarili niya sabay lahad ng kamay nito sa harap ni Akio

"Kilala na kita kaya ibaba mo na 'yang kamay mo" Seryosong sabi ni Akio na ikina ngiwi naman ni Koshino

Ibinaba na ni Sendoh ang kamay nito at napakamot na lamang sa kaniyang ulo dahil ito ang unang beses na may babaeng umayaw mahawakan ang kamay niya.









ENDGAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon