Chapter 3

49 5 7
                                    

Natapos ang practice game na panalo ang shohoku team kaya naman dismayado ng iilan sa bagong myembro ng ryonan team. 

"okay team good job kahit talo tayo ayos lang yan wag kayong panghinaan ng loob isa lang ibig sabihin niyan dapat pa natin pursigihan na mag practice dahil sa susunod hindi na tayo matatalo ng shohoku" Pagpapalakas ng loob ni Sendoh sa mga ka team nito

"In your dreams Sendoh nyahahaha" Asar ni Sakuragi

"Gung-gong wala ka ngang nagawang puntos" Asar naman ni Rukawa sakaniya

"Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa henyong tulad ko hindi makukuha ang rebound! Kaya wag kang magsalita na parang ikaw lang gumawa ng puntos ah!" Pikon na sabi nito at inawat naman siya ni Ryota

"Tama na yan Hanamichi masyado ka nanaman kasing bumibida"

"Eh baket kulot totoo naman lahat ng sinabi ko" Pagpupumilit pa nito kaya napabuntong hininga na lamang ito

"Masaya kaming naka laro namin kayo sana sa susunod makaharap na namin ang tunay na Ryonan" Ngiting sabi ni Mitsui na ikina ngiti naman ni Sendoh

"Ah nga pala siya ba yung manager niyo?" Tanong ni Ryota nang mapansin nito si Akio na inaayos ang kaniyang gamit

"Ah oo siya yung manager namin mula ngayon"

"Maganda siya ah makinis pwede na" Ngising sabi ni Mitsui

"Type mo ba? Kasi kung type mo ngayon palang sinasabi ko sayo mukhang pihikan yan" Sabi ni Koshino

"Mitchi pano mo naman mapapasagot yan?" Tanong mi Sakuragi

"Syempre simple lang basic na ang mga ganito saakin ibibigay ko yung gusto nya sa isang lalaki" Ngising sabi nito

"Eh paano kung gusto niya yung tunay ang ngipin at hindi pustiso?" Asar na tanong ni Sakuragi na iina inis naman ni Mitsui

Lumapit naman si Akio sakanila nang matapos na ito sa pag ayos nang kaniyang mga gamit

"Hi miss ako nga pala si Mitsui" Pakilala nito kay Akio

"Akio" maikli pakilala ni Akio at hinawakan ang kamay ni Mitsui nang bigla naman ito tapikin ni Rukawa na ikina gulat nila

"Aray! Anong problema mo?" Inis na sabi ni Mitsui

"Wag mong hahawakan kamay niya sobrang ganda ng kamay niya para daplusan ng pasmado mong kamay" Sabi nito na ikina laglag panga naman ni Mitsui

"Bawiin mo nga 'yang sinabi mo!" Inis na sabi ni Mitsui

"Pagpasensyahan mo na si Rukawa ganiyan lang talaga siya---"

"Alam ko. Matagal ko nang alam na ganiyan siya sanay na" Seryosong sabi ni Akio

"Teka magkakilala ba kayo ni Rukawa noon?" Tanong ni Sendoh

"Magkakilalang magkakilala"

"Magka ano-ano ba kayo?" Takang tanong ni Sendoh

"Yan ang hindi ko masasagot"

"Siguro boyfriend mo siya noon kaso iniwan ka niya" Sabi naman ni Sakuragi

"B-boyfriend mo ba si Rukawa?" May lungkot sa boses ni Haruko nang tanungin niya si Akio

Ngumiti lang si Akio kay Haruko at hinaplos ang ulo nito

"Tama na 'yang tanungan niyo na ganiyan"

"Rukawa bakit hindi nalang ikaw ang sumagot?" Sabi ni Mitsui

"Magka ano-ano ba kayo ni Akio?" Tanong nila sabay sabay

"Ano ba sa tingin niyo" Pagbabalik tanong nito

"Mag shota?" Sabay an sabi nila

"edi mag shota" Maikling sagot nito saka umalis

Naiwan naman gulat ang lahat habang si Akio ay tila parang nanigas sa kinatatayuan niya at pigil ang inis nito

"Yun naman pala eh masosolo kona si Haruko mylove" Ngiting sabi ni Sakuragi

"Akio ayos ka lang?" Tanong ni Sendoh nang mapansin kanina pa hindi nagsassalita si Akio

"Ayos lang ako" Maikling sagot nito saka kinuha ang gamit niya

"Mauna na muna kami masaya kaming nakalaro namin kayo see you sa tunay na laro!" Paalam nila at sumunod na sila kay Akio

Habang naglalakad hindi naman maiwasan ni Akio ang mapatingala upang pigilan ang namumuong luha sa mata nito

Napansin naman ni Sendoh ito kaya sinamahan niya sa paglalakad at nasa hulihan sila

"Ayos ka lang ba talaga?" Alalang tanong nito

"Siguro...ewan" Mahinang sabi nito at doon na pumatak ang luhang nagbabadya sa mata nito

"Tahan na kung ano man problema niyo ni Rukawa siguradong maaayos niyo rin yan" Ngiting sabi ni Sendoh at tinapik ang balikat ni Akio at sa unang pagkakataon nginitian na siya ni Akio

"Maganda ka lalo kapag ngumingiti ka bakit hindi mo subukan ngumiti palagi"

"Talaga?"

"Oo naman mukha ba akong nagbibiro" Kamot ulong sabi ni Sendoh

"Eh habulin ka kasi ng mga babae kaya malay ko ba na binobola mo lang ako tulad ng iba diba"

"Eh? Mukhang hindi mo pa nga talaga ako kilala pero hayaan mo susumikapin kong ipakita sayo yung tunay na Akira Sendoh" Ngiting sabi nito at saka na binilisan maglakad

------------------------------------------------

"Bakit ngayon ka lang" Walang ganang tanong nito kay Akio

"May inasikaso pa"

"Hindi ko alam kung nagiging makulit ka o sadyang hindi mo pinapakinggan sinasabi ko" Inis na sabi nito kay Akio

"Ano nanaman ba concern mo?!" Inis na sagot pabalik ni Akio

"Sinabi kong lubayan mo na siya diba hindi ka parin nakikinig talagang gusto mo pa masaktan yang puso mo!"

"Pwede ba ako ang tigilan mo kasi rinding-rindi na ako sa mga sermon dito sermon doon bawal sa ganiyan, bawal sa ganito! Sakal na ako sa totoo lang!"

"Ano gusto mo hayaan nalang kita?!"

"Oo yun ang gusto ko kase gusto ko maging malaya gusto ko mamuhay nang walang nagsasabi saakin kung anong dapat kong gawin!"

"Matapos nang lahat ng sakripisyo ko yan ang isusukli mo saakin Akio?!"

"Atsaka pwede ba bawiin mo yung sinabi mo kanina" Seryosong sabi ni Akio

"Sasabihin ko lang yung totoo kapag nilubayan mo na siya" Kalmadong sabi nito kay Akio

"Bawiin mo yung sinabi mo sa harapan nila Sendoh na Girlfriend mo ako! Sabihin mo sakanila ang totoo na magkapatid tayo kuya Rukawa!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENDGAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon