Chapter 2

33 6 7
                                    

"Okay team magkakaroon tayo ng practice game laban sa Shohomu team kailangan niyo pagbutihin kaya mag warm uo na kayo at mag practice sandali" Anunsyo ni Akio

"Mag practice kapa Sendoh" Seryosong sabi ni coach Taoka

"Opo coach" Ngiti sabi nito at inumpisahanna nila ang practice nila bago magpunta sa Shohoku High

Tulad ng Shohoku ang mga myembro ng team na sila Sakuragi, ryota, Rukawa, Mitsui at iba pa ay hindi parin umalis sa team at ang bago nilang manager na si Haruko na nanatili rin sa tabi ng team nila

Matapos ang ilang minutong practice nila nag bihis muna ang lahat at nagpunta na sa Shohoku High kasama si Akio.

Si Akio lamang ang sasama dahil may aasikasuhin pa si coach Taoka kaya siya na muna ang inatasan sumama ni coach Taoka sa Team Ryonan

Habang nagkukwentuhan sila Sendoh at Koshino si Akio naman ay tila nakikinig sa usapan ng dalawa

"Tatalunin ko si Sakuragi" Determinadong sabi ni Koshino

"Ienjoy mo lang ang laro, Koshino" Ngiting sabi ni Sendoh

"Ah basta tatalunin ko siya atsaka ikaw wala kabang balak bawian si Rukawa?" Tanong nito

"Ewan gusto ko muna kasi mag enjoy sa practice game ngayon siguro saka na ako babawi sakaniya pag magkakaharap na ulit ang shohoku at ang ryonan" Seryosong sabi nito at lumanghap ng sariwang hangin

Tila seryoso rin nakikinig si Akio sa usapan nila at maski siya ay napapabagal na rin ang pag lalakad upang makinig sa usapan nila Sendoh at Koshino

"Kaibigan niyo ba si Rukawa?" Biglang tanong ni Akio na nagpalingon kila Koshino at Sendoh

"Hmm siguro hahaha minsan oo madalas hindi iba-iba kasi mood ni Rukawa naka dipende" Natatawang sabi ni Sendoh

"Sila Sendoh at Rukawa pwede pa pero kami ni Rukawa malabo" Inis na sabi ni Koshino

"Kung gusto niyo siyang matalo wag niyo siya pagbibigyan sa court wag niyo siyang hahayaan magpahinga at kung magpapahinga man siya siguraduhin niyong pagod na siya at wala nang lakas pa para pumasok sa loob ng court" Seryosong sabi ni Akio at binilisan na ang paglalakad

"Ang seryoso maman nun" Takang sabi ni Koshino at nag lakad na

Naiwan naman si Sendoh na tila pinoproseso sa utak niya ang mga sinabi ni Akio

Ilang sandali pa narating na nila ang Shohoku High at agad sila sinalubong nila Sakuragi

"Sendoh kamusta" Salubong na bati ni Ryota

"Ayos naman kayo ba kamusta mukhang pinag handaan niyo itong practice game natin ah"

"Aba naman syempre dahil hindi namin kayo hahayaan maka bawi saamin!" Sabi ni Sakuragi na ikina inis naman ni Koshino

"Pasensya na kayo kay Sakuragi masyado lang talagang hyper kaya wag sana kayo matakot sakaniya pag nasa loob ng court" Ngiting sabi ni Mitsui sa mga bagong myembro ng Ryonan team

"Hi haruko" Ngiting bati ni Sendoh

"Hoi Sendoh wag mo ngang binabati-bati si Haruko" inis na sabi nito na ikina tawa naman ni Sendoh

"Mukhang kulang ata kayo"

"Sakto alng" Biglang sulpot na sabi ni Rukawa mula sa likuran ng Ryonan team

Nang magtama ang mga mata nila Rukawa at Akio ay sabay na napiwas ito na napansin naman ni Sendoh

"Ayan na pala si Rukawa eh tara na pwede na natin umpisahan ang laro" Ngiting sabi ni Ryota at pinapasok na ang ryonan sa loob ng gymnasium

"Okay team ang unang maglalaro ay ang baguhan kasama sila Sendoh at Koshino" Sabi ni Akio at nag warm up na muli ang iilan sa baguhan at sila Sendoh at Koshino

Nang makapag ready na ang magkabilang team lumapit na sila sa isat isa at si Akio mismo at haruko ang referee sa laro

"Kaya ba nila?" Alalang tanong ni Ryota kay Mitsui nang mapansing aligaga ang mga bagong myembro ng Ryonan

"Kaya nila yan dahil sa mismong game palang sila makakaranas ng totong laban kaya dapat ngayon palang practice game ay masanay na sila sa loob ng court" Seryosong sabi ni Mitsui

Nag jumble na at nakuha ng Shohoku Team ang bola dahil kay Sakuragi. Ipinasa ni Sakuragi ang bola kay Ryota na ngayon ay patakbo na sa ring nila

"Ryota pasa!" Nagmamadaling sabi ni Sakuragi pero hindi siya pinansin ni Ryota at ipinasa nito kay Rukawa

"Kulot!! Bakit mo naman ginawa yon!" Inis na sabi Sakuragi nang ipasa ni Ryota kay Rukawa ang bola

"Tama na sat-sat gungong" Sabi ni Rukawa na ikina inis pa ni Sakuragi

Si Sendoh ang nagbabantay kay Rukawa at tila ayaw palusutin ni Sendoh si Rukawa na ngayon ay nakatitig rin sa mata ni Sendoh tila binabasa nilang dalawa ang galaw ng bawat isa.

"Ano na, Rukawa" biglang sabi ni Sendoh na ikina kunot ng kilay ni Rukawa sa inis

Bumwelo si Rukawa mag shoot pero agad iyon nasundan ni Sendoh pero laking gulat nito nang hindi ito ituloy ni Rukawa dahil isa lamang itong fake ball

"Gilasan mo" Maikling sabi ni Rukawa bago makalusot kay Sendoh

Agad naman nakasunod si Sendoh at naka alalay ang shohoku team upang sakaling ipasa ni Rukawa ang bola

"30 seconds to shoot!" Sabi ni Akio kaya naman agad na ipinasa ni Rukawa ang bola kay Mitsui na ngayon ay binabantayan ng isang baguhan

"Kaya mo ba akong pigilan bata?" Ngising sabi ni Mitsui pero kabado lalo ang kaharap niya dahil may katangkaran ng kaunti si Mitsui sakaniya

"K-kaya!" Pilit na sabi nito na bahagyang ikina ngisi ni Mitsui

"Kung ganon heto na ako" Bumwelo na ito upang mag 3 point shoot nang buglang maka gawa ng move ang ryonan at nagpalit ng pwesto si Koshino at ang nagbabantay kay Mitsui

"Ako kaya ko" Seryosong sabi ni koshino at tumalon ng may kataasan at nadaplusan ang bola na ishoot ni Mitsui

"Hindi" Mahinang bulong ni Mitsui

Nang hindi ma shoot ang bola ay agad na naguunahan sa ilalim ng ring si Sendoh, Rukawa, Sakuragi at ang isang matangkad sa ryonan team na bagong myembro

"Sakuragi ang----"

"Alam ko Ryota" Seryosong sabi nito at wala pang ilang segundo nasa kamay na niya ang bola at agad na ipinasa kay Mitsui at muli nitong shinoot pero ngayon ay mas maayos na at mas tinaasan nito ang pag bwelo na hindi naabot ng talon ni Koshino

"Unang puntos Tres agad" Ngising sabi ni Mitsui

Nag time out ang Ryonan team at inasikaso naman sila ni Akio. Habang sa kabilang team ay tila wala sa sariling nakatingin si Rukawa sa gawi ni Akio at para bang hindi mawala ang tingin nito sakaniya

"Hoi soro ang lagkit naman ng tingin mo gusto mo ilakad kita sakaniya?" Pang asar ni Sakuragi

"Kadiri ka" Sabi ni Rukawa at iniwan na si Sakuragi upang magpunas saglit ng pawis

"Sendoh hindi ka nandito para mag chill hindi porket practice game lang ito ay pwede na kayo mag chill lang tandaan niyo kung dito palang sa practice game niyo matatalo kayo what worst kung talagang nasa gitna na kayo ng totong laro" Seryosong sabi ni Akio

"Pasensya na nawala lang sa control" Kamot ulong sabi ni Sendoh

"Ikaw ang Captain at dapat controlado mo lahat. I'm expecting so much in you, Sendoh sana wag mo ako biguin as a manager of this team hindi ko gugustuhin matalo tayo"




ENDGAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon