Akin

46 1 0
                                    

Matang singkit,
Mukhang kay rikit,
Sa sobrang dami ng babae dito sa ating bayan,
Sa 'yo ako nahulog ng tuluyan.

Tinatanaw mula sa malayo,
Natatakot na baka ika'y lumayo.
Iba man ang ating pinang-galingan,
Pero hindi mababago nito ang nararamdaman.

Binibini, bakit hindi mapagbigyan,
Pilit pinagdarasal na ikaw ay mapasa- akin.
Ika'y dinadalangin,
Kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Aking binabalik-balikan mga memorya mo sa aking isipan,
Kahit na malabo nang ikaw ay maangkin,
At hindi manlang naamin,
Ikaw ay patuloy na tatanawin.
Ngiti mo ay mananatiling akin.

Favorite Addiction Where stories live. Discover now