Bahaghari

26 2 0
                                    

Hinuhusgahan ng karamihan,
Ayaw sa kanila ng ating bayan.
Hindi pantay na pagtingin,
Kaya mas lalo silang iniiwasan.

Sariling kasarian ang kanilang pinili,
Tayo'y maging mapanuri.
Kahit hindi nila aminin sila'y nasasaktan din.
Sa bawat salitang binibitawan, damdamin nila'y nahihiwagaan.

Mapa babae, lalaki o ano ka man,
Hindi ito hadlang upang ika'y apak-apakan.
Sana ay pantay pantay ang respeto,
Upang puso nila ay makontento.

Pagtapos ng ulan ay lalabas ang bahaghari,
Sila ang nagsilbing liwanag na hindi mawari.
H'wag husgahan ang panlabas na kaanyoan,
Respetuhin sila 'sangbayanan!

Favorite Addiction Where stories live. Discover now