Munting hiling

25 1 0
                                    


Mahal, ilang araw nang ikaw ang laman ng panaginip.
Sa aking pag-gising ikaw ang nasa isip.
Pero tila kay hirap mong abutin,
Sisikaping ikaw ay sungkitin.

Ulo ko ay isasandal sa balikat mo,
Gusto koring marinig ang tibok ng puso ko,
Aking munting hiling,
Ikaw ay makapiling.

At sa pagpikit ng aking mata,
Mukha mo ang bumubungad, sinta.
Nais ko lang ipaalam sa'yo.
Kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi ko na nakayanan,
Nahulog na nang tuluyan.
Mula sa patibong ng pag-ibig mo,
Mahal pakisalo ako.

Favorite Addiction Where stories live. Discover now